Chapter 9: Sparks

13 1 0
                                    

Day 3 = The last day

Maaga kaming pinagising lahat at pinapunta na sa Hall. Puspusang pagpra-practice ang ginagawa namin ngayon para mamaya sa E-night. Contest kase ito ng lahat ng mga Talented na mga teens sa Camp at kailangan naming manalo.

"Guys. if you want to win,please make a move. Walang tatamad-tamad"

Puno na ng galit si Teacher Drake sa 'min na hindi maayos-ayos ang mga tinuro niyang routine para sa Production,peteks lang lahat maliban sa ming tatlo na determinadong manalo.

"FROM THE TOP !"

Malakas na boses ang bumulaga sa ming lahat galing kay Teacher Drake. Mala-tigre pala ito kung magalit. At ito nga na paulit-ulit kaming nagprapractice. Nakakapagod na.

---
-Brandon's POV-

"Oh,ano na nangyari brad ?"

Kanina pa'ko kinukulit ni Gino tungkol sa nangyari sa'min ni Mike kagabe. Oo,plinano lang namin nila Gino ang lahat. Kung tutuusin si Gino lang may kagagawan nun. Para naman daw maramdaman ni Mike yung feeling na dapat ay maramdaman niya.

"Nag-usap lang kami,yun lang."

Sagot ko naman dito para tumahimik na. Sayang at wala dito si Vince para naman ma-aliw na itong si Gino at hindi na'ko kulitin,nasa Dance Studio kase yun.

"Yun lang ?"

Hindi ko alam kung anong gustong marinig ni Gino sa mga Oras na'to. Sa lahat ng ayaw ko ay yung makulit,nakakainis.

"Oo nga."

Sabi ko. At tumahimik na nga ito. Hindi ko pala nasabe yung holding hands na nagyari,ayokong ipaalam sa kanya kase wala sa plano yun baka mamaya sabihing nahulog na rin ako sa pagmamahal ni Mike,ayokong isiping may nangyaring ganun. At ayokong makasakit ng tao.

--

-Mike's POV-

"Nakakapagod noh ? "

Hingal na hingal ako habang tinatanong ko ito kina Fiel at umupo na rin sa sahig upang magpahinga.

"Oo nga,grabe si Teacher Drake."

Sagot naman ni B1 habang pinupunasan yung mukha niya. Pawisin tong si bakla,kaya minsan makikita mo nalang na nagsha-shower na sa pawis.

"Pero atleast gwapo si Teacher Drake."

Ani ni Fiel. Sino ba talaga gusto nito,si Vince o si Teacher Drake ? Ang daming option ni Fiel kung ganun.

Pinalo naman ito ni B1.

"Ano ka ba,andiyan si Vince baka magselos."

Pagbibiro namang sabe ni B1. Pero infairness,nakatingin nga itong si Vince sa lugar namin habang nagpupunas ng kanyang pawis. Tumawa naman kaming tatlo. Ang saya namin tingnan,pero may hindi pa'ko nasasabi sa dalawang to. Yung kagabe,pero ayoko munang sabihin ngayon. Sobrang-sobra na yung oras ko para kay Brandon. Nandito nga kaming tatlo para mag'bonding,hindi para kay Brandon. Pero hindi ko pa rin mapigilang ilabas kung anong meron sa kin para kay Brandon,obsessed na ata ako. Wag naman sana

*After 6 Hours*

Naga-ayos na kami para sa E-night na 1 hour na lang ay magu-umpisa na. Nakahanda na yung iba pero todo make-up pa'ko dito.

"Wait lang !"

Sigaw ko kina B1 na katatapos lang mag-ayos at papunta na nga ito sa Hall. Hinintay naman ako nito at agad na kaming pumunta sa Hall. Ang ganda ng costume namin na siguro ni-rentahan langj sa kabilang bayan. May tela itong mahaba sa likod at mga glitters naman na nakapalibot sa itaas namin. Ganung Design ang binigay samin katulad nung mga babae. Medyo natakpan naman yung mga pimples ko dahil sa pagiging expert ko sa pagmi-make up.

IronyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon