Chapter 7: Revealed

8 1 1
                                    

Nagising ako mga 6:00 AM at gising na rin ang lahat. Hindi ako masyadong makahinga sa sobrang pagod siguro.

"Oy Mike,bangon na."

Sabi ni B1 na kakapasok lang sa Room. May mga tao na rin sa labas,bigla naman akong tumayo at lumapit sa may Doorway. Tinanaw ko lang yung view galing dito,nakatulala lang ako. Sumagip sa isip ko yung nangyari kagabe,walang nakakaalam sa ngayon except samin ni Brandon. Hindi ko na maalala yung buong nangyari basta ang alam ko lang,napayakap ako sa kanya sa sobrang takot. Walang halong kilig na naramdaman. Hindi ko talaga inexpect na mangyayari yun,hindi ko naman masabe na sinadya ko,kase nga takot ako nung gabing yun.

"Mike,sabon mo. Hindi mo kase kinuha sa'kin kagabe. "

Bumulaga sa'kin ang mukha ni Brandon na kakatapos lang maghilamos. Naka-jersey lang ito at may towel sa balikat. Napaka-gwapo niya tingnan,ang puti ng mukha at medyo basa pa yung buhok. Inabot niya sa'kin yung sabon,at agad ko naman itong kinuha. Nanlamig ang aking mga kamay habang inaabot ito.

"Salamat."

Sabi ko na habang kinakamot yung noo ko. Pumasok si Brandon sa loob at nag-ayos na rin para sa susunod na event. Naghilamos na rin ako para hindi na ko maiwan ulit.

"Girl,tara na. Breakfast daw muna."

Sabi ni Fiel na papaalis na rin sa Room. Inayos ko muna tong pagmumukha ko at sumabay na kila Fiel papuntang Kitchen. Siguro sa lahat ng pagkakataon,dito mo lang matitikman ang pagkasarap-sarap na mga pagkain,kaya sulit na sulit talaga yung 100 Pesos.

Umupo na kaming tatlo sa isang table at kumain na nga.

"Mga teh,si Vince kagabe. Ang sweet niya sa'kin."

Kinikilig si Fiel habang binibigkas niya ang pangalang Vince. May gusto ba siya dito o gustong landiin lang talaga ? If I know,yun yung mga gusto ni Fiel.

"Anyare?"

Tanong ko naman habang nginunguya yung bacon sa bibig ko.

"Kase mahal na niya 'ko,sabe niya."

Pagmamalaki namang sabi ni Fiel. Nalaglag yung kutsarang hawak-hawak ni B1 at biglang naman kaming tumawa. Ang feeling din tong ni Fiel eh. Naisip ko tuloy yung nangyari din kagabe samin ni Brandon,kailangan ba nilang malaman ? Ayoko namang isiping big deal yun kase aksidente lang ang lahat. Pero kailangan nilang malaman,gusto ko ding marinig yung side nila para dun. Nakatulala lang ako sa mga oras na'to habang pumapasok sa isip ko ang nangyaring iyon.

"Teh !"

Biglang tapik naman ni Fiel sa likuran ko,napa'ubo ako at tumingin ako sa dalawa.

"Mga bakla..."

Singit ko agad sa katahimikang nakapalibot sa ming tatlo. Mahina lang ang pagkakasabi ko na medyo may kalungkutan.

"Si Brandon,nayakap ko kagabe sa labas ng Room,peroo......."

Hindi na'ko natapos sa pagsasalita nang sumingit itong si B1.

"Haaa! Ang landi mo Mike ! HAHA"

"Oo nga Mike,pero ano ? "

Sumunod namang nagsalita tong si Fiel. Hindi naman sila nagulat,parang na'excite pa nga sila sa susunod kong sasabihin.

"Pero aksidente lang ang lahat,hindi ko naman sinasadya yun."

At yun na nga,nasabi ko na sa kanila. Hindi naman ito nag'react ng sobrang OA. Nakita ko na wala lang ito sa kanila,ngumiti lang si B1 at nakakanganga naman itong si Fiel sa saya.

"Kery lang yan. Buti ka pa nakapuntos kana.HAHAHA!"

Pagbibiro namang sabi ni Fiel.

Pero please,kung ganito man yung nangyari at kung may susunod pa mang mangyayari sana naman tama lahat yun. Ang dami kong choice pero ginusto ko talaga yung mafe'feel kong abot langit na saya kahit wala sa isip ko kung mali o tama man ito. Ginusto eh,pero sana hindi ako uuwing luhaan sa laro ng pag-ibig na ito.

IronyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon