Bago ko muna umpisahan ang pang labing isang kabanata,gusto ko muna himingin ng pang-unawa sa mga mambabasa. Pasensiya na kung walng masyadong kaartehan yung texts sa bawat chapter,walang italics or bold,kase nahirapan na kong mag-edit at nasisira yung sequence ng buong story pagpina-publish ko ito. Yun,sana maintindihan niyo. Keep on reading ! ;)
--
Lumipas ang isang buwan na hindi nagpakita sa'kin si Mark. Si Brandon naman wala din,may summer class ito sa Seminario. Dalawang araw na lang ang natitira,pasukan na ulit. Hindi ko maiwasang hindi lumabas sa bahay sa sobrang boring dahil wala akong kausap. Lumabas ako at nakipagkita sa mga kaibigan kong mga beki.
"Oy,Mike. Ano tong chinichika ni Fiel na may nangyari daw sa inyo ni Brandon dun sa Camp ?"
Tanong ng bakla kong kaibigan. Nagki-kwentuhan lang kami ngayon,grabeng kwentuhan. Oo nga pala,halos hindi ko makalimutan araw-araw ang mga sandaling nasa tabi ako ni Brandon. Lumulutang ako sa sobrang saya pag naaalala ko ang mga iyon.
Bigla ko naman tinapik si Fiel. Ano na naman tong pinagsasabi niya,feeling ko exaggerated yung "may nangyari".
"Gaga,wala lang yun."
Hindi ko mapigilang ngumiti habang nagsasalita,siguro napansin ng mga ito na nagpapakipot lang ako.
"Sige na,kami kami lang naman to eh."
"Oo nga Mike,ilabas mo yan."
Mga salitang pumipilit sa kin upang ikwento ang lahat nang nangyari samin ni Brandon si Camp sa kanila.
Kwenento ko naman ito isa-isa. Lahat,simula sa umpisa hanggang sa natirang gabi namin sa Camp ay kwenento ko. Kinikiligg ang mga bakla habang kini-kwento ko ang nangyari sa Stock Room. Hindi sila makapaniwala sa mga nangyari at ako din naman. Hindi ko akalain na pwede palang mangyari ang mga pagkakataong pinapangarap ko lang dati.
*Beep*
*1 Message Received*
"Mike,nagpadala na Mama mo. Umuwi ka na at bibili na tayo ng mga gamit mo."
Text na galing kay Ante.
Wala akong load kaya agad naman akong nagpaalam sa mga kaibigan ko. Saglit lang ako dun at tumakbo na nga pauwi sa bahay.
-
-Mark's POV-Parang ikinamatay ko na rin nang malaman ko ang sakit ko,pilit ko mang hindi pakinggan si Mama habang sinasabe ito sa 'kin,subalit naisip ko na sakit ko yun,sarili ko ang mahihirapan sa mga darating pang panahon,kaya pinakinggan ko ang mga sinabe ni Mama.
May Coronary Heart Disease ako. Yung pagsisikip ng dibdib at hirap kung huminga dahilan ito sa dugo at oxygen na hindi saktong na nakukuha ng Puso. Kailangan ito upang makahinga ng maayos. Biglang tumayo ang aking mga balahibo nung oras nung sinabe ni Mama na incurable disease daw ito. Kailangan ko nalang daw uminom ng mga gamot para magkaroon ako ng lakas kahit kunti. Mangiyak-ngiyak ito habang hinawakan ang aking kanang kamay. Ayokong umiyak,pero hindi ko napigilan. Nalalabi nalang ang oras ko,at maaari akong matuluyan kahit anong oras at kahit saan,isang traydor na sakit ang pumasok sa katawan ko."Ma,ayoko munang ipaalam kung anong meron ako ngayon sa mga classmates ko."
Ani ko. Nakalabas na rin kami sa Ospital matapos ang ilang linggong naka'confined ako dun.
"Pero...."
Nakita ko ang pagaalala ni Mama.
"Ma,please. Tsaka gusto kong tapusin ang 4th year sa highschool."
Singit ko kay Mama. Alam ko namang gusto pa nila kong gumaling at ganun din ako pero ayokong mabulok dito sa bahay na parang lumpo. Sa katunayan,kaya ko pa naman,nakakalakad,nakakapagsalita ng ng maayos,nakakagalaw naman ako tsaka gusto kong tapusin ang natitira kong isang taon sa highschool.
"Pero Mark,sundin mo lahat nang sinabe ng doktor ah. Wag kang magpapagod tsaka magpapawis. Alam mo na,baka......"
Naaawa ako kay Mama. Tiningnan ko ito sa mga mata na lumuluha. Bigla ko itong niyakap,mas mahirap pa ata ang pinagdadaanan nito kesa sa'kin. Pinunas naman niya ito at bumitaw na sa pagkakayap. Kailangan kong maging malakas para sa pamilya ko at para na rin siguro sa lahat.
---
*First Day of School*-Mike's POV-
First day at Fourth year na kami. Nakaka'stress na taon para samin siguro.
*7:30 AM FLAG CEREMONY*
Papunta na ko sa linya ng section namin nang makita ko si Mark. At last,nakita ko na rin tong kaboteng to.
"Mark!"
I waved my hand,looking at him.
Ngumiti lang ito at pumila sa linya ng section nila. Ba't parang inisnob naman ako ni Mark sa ngiting yun. Pumila na rin ako at nag-umpisa na ang Flag Ceremony. Sa mga panahong ito,nakakalimutan ko ang existence ni Brandon kase nga hindi ko siya nakikita,pero alam ko sa sarili ko na nami-miss ko siya,sobra.
Pinabalik na kami agad sa Room matapos ang Flag Ceremony. Walang nagbago sa mga classmates ko,sila-sila pa din ang nakikita ko.
"Goodmorning everyone. Before we start,i want you all first to write an essay about what you did last summer."
Agad-agad Ma'am ? Ano ba yan. Pero okay lang,madami akong maisusulat sa essay na yan.
Lahat sinulat ko sa buong yellow paper,lalo na nung sa Camp. Okay lang naman kase,si Ma'am lang naman magbabasa nun.
"Mr.De veyra,Mike ?"
Nabasag ang katahimikan sa classroom naming nung nagsalita si Ma'am. Kinabahan ako bigla.
"Yes Ma'am ?"
Tanong ko rito.
"Please recite your essay to everyone. This will be a recitation,and i'll give points to this."
Omfg. Wth Ma'am ? Ba't ako pa ? Naninigas ako sa sobrang kaba,ayoko talagang nagre-recite sa front kaya bumabawi nalang ako sa mga essay na to pero ba't kailangan pang i'recite ? Leche.
Inabot naman ni Ma'am ang papel ko. Back to back ito kaya matatagalan ako dito. Pero hayaan na,may points naman. Pumunta na'ko sa front at nakatingin sa'kin lahat,tiningnan ko naman itong si Fiel na nakangiti na parang alam lahat nang sasabihin ko,alam nga niya.
"My summer was a lot of fun. I never imagined seeing myself in the field of joy and happiness. My summer was not just an ordinary summer that everyone get used to do- you go to the beach,get tan,go out-of-town with family,etc. but it was more than those. We attended a Camp with my two gorgeous friends,just some sort of bonding was our plan. But there's more precious than that,I met someone I've met before,what i mean is I got to know a lot of that someone. During those days in the Camp,he always made me feel exultant,the feelings of having butterflies in my stomach is all what he did,and it was unexpected for me knowing that those moments i've dreamed before are actually happening to me that time....."
Huminto ako saglit at tiningnan ang mga reaksiyon ng mga kaklase ko. Nakangiti yung iba at napansin ko na pilit nilang ini-imagine lahat nang sinasabe ko. Gusto ko na itong tapusin,kahit ganito man ang mga reaksiyon nila,nahihiya pa rin ako.
"Above all,i learned a lot from that experience. That was so unforgettable. Thank you."
Hindi ko na binasa pa yung iba at tinapos na nga ito. Nagpalakpakan naman lahat ng mga classmates ko. Umupo na'ko at bigla namang lumapit itong si Fiel.
"Girl,naiiyak ako. Ughh"
Ang arte naman nitong si Fiel habang nagkukunwari itong naiiyak.
Binatukan ko ito sa sobrang pagiinarte at bumalik na sa kinauupuan niya kanina. Natapos ang First day at nakauwi na'ko sa bahay. Humiga ako bigla at kinuha yung phone ko sa bag.
May nagtext !
*Open*
"Mike,punta kami sa school niyo para sa First Friday Mass. Kasama ko si Brandon. :DDDD"
-Gino
Wth again. Ngumiti ako at kinilig na parang ewan. At last,makikita ko na rin si Brandon omfg. Hindi na'ko makapaghintay sa darating na FFM. Grabe na 'to !
---------------------------
---------------------------Thank you for reading this Chapter. Mwa
BINABASA MO ANG
Irony
Teen FictionHave you ever felt love ? I mean the whole concept of love. Yung another person will love you back,may instance naman na hindi ka niya mamahalin in return. Thats the irony of love. How come that it is so easy to give love but what it makes so compli...