Chapter 23
Nakarating kami sa Maynila nang 7 nang gabi. Naabutan kami nang traffic sa Edsa.
"maligayang pagbabalik iha" sabi ni Ida habang nakangiti.
Pilit ko syang nginitian
"handa na ang pagkain, kumain kana at magpahinga" sabi nito sakin na tinanguan ko lang.
"pakihatid sa kwarto ko ang mga gamit ko" yun ang sinabi ko bago dumiretso sa dining area.
Pagkadating ko doon ay parang nawala ang sama nang pakiramdam ko nang makita ang vegetable salad at seafood na nakahain doon.
Para akong batang gutom na gutom dahil sa biglaan kong lantakan ang pagkain doon.
"ansarap" sabi ko at sinimot-simot pa ang prinitong isda.
" Ida ,hot ketchup please" utos ko at kumuha naman nang hipon.
"ito na iha, mukhang gutom na gutom ka ah" nakangiting sabi nito.
Sinawsaw ko sa ketchup ang hipon at kinain iyon. Napapapikit pako dahil sa sarap non.
"Anong oras daw dadating sila mommy? " tanong ko habang nilalagyan nang ketchup ang vegetable salad
" mamayang madaling araw pa iha" sabi ni Ida habang pinagmamasdan ako.
Nakita ko ang pag-ngiwi nya nang makitang nilalagyan ko nang ketchup ang salad.
" di kaya sumakit ang tyan mo nyan iha? " tanong nito sakin.
"hindi yan Ida, masarap kaya, try mo? " alok ko sakanya.
Kita ko ang paglunok nya. Umiling ito .
" nako, sayo nalang iha, aalis muna ako at mag-aayos muna nang paligid" sabi nito at dali-daling lumabas nang dining area.
Kunot-noo ko naman syang sinundan nang tingin.
'what's wrong with her? ' I asked myself.
Nagkibit-balikat nalang ako at pinagpatuloy ang pagkain nang salad.
PAGKATAPOS kong kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko.
Agad namang bumaligtad ang sikmura ko nang maamoy ang kwarto ko.
Fuck! Ambaho.
Dali-dali akong pumasok sa banyo at dumiretso sa lababo tsaka doon sumuka nang sumuka.
Nang matapos ay nagmumog ako. Tinakpan ko ang ilong ko nang lumabas ako sa banyo. Naglakad ako papalabas nang kwarto ko. Pagkalabas na pagkalabas ko ay tinanggal ko ang kamay ko na nakatakip sa ilong ko.
Naghahabol ako nang hininga habang naglalakad pababa sa sala.
"IDA! " sigaw ko.
Agad ko syang nakitang papalapit sakin.
"bakit? " tanong nya
"pinalitan nyo ba ang perfume nang kwarto ko? Ambaho! Tanggalin nyo iyon! " inis na sabi ko
"teka iha, papa-sprayan ko sa katulong" sabi nya
"no, linisin nyo yon bukas! Dun muna ko matutulog sa guest room, pakihatidan ako nang masusuot dun" inis na sabi ko pa din habang naglalakad paakyat nang hagdan
Dumiretso ako sa guest room. Hinintay ko ang katulong na maghahatid nang damit ko.
"maam? Eto na po iyong damit nyo" rinig kong sabi nang katulong habang kumakatok
Binuksan ko ang pinto. Nakita ko ang isang katulong na mariing nakatitig sakin. Tinaasan ko ito nang kilay .
"what are you looking at!? " asik ko.