Chapter 24
"bakit anong nangyayari sainyong dalawa at nag-iiyakan kayo? " tanong ni Daddy pagkapasok nya sa kwarto ko.
"Honey" yun lang ang nasabi ni Mommy.
Nilapag ni Daddy ang tray sa bed side table. Nang makita ko iyon aya agad akong lumapit doon at nilantakan ang vegetable salad with a hot sauce.
" delicious" sabi ko at bahagyang dinilaan ang pang-ibabang labi ko.
Tinignan ko sila mommy at daddy nakita ko ang matiim nilang pagtitig sakin.
"what? You want some? " tanong ko
"no, im good" sabi ni daddy na parang nandidiri. Napanguso naman ako dahil doon. Kita ko ang pag ngiwi ni mommy.
"bakit ganyan kayo? Di nyo ma-appreciate ang masarap. Pareho lang kayo ni Ida! " naluluhang sabi ko
"God sweetheart, youre becoming wierder! Ganyan ba ang epekto sayo nang probinsya? " tanong ni Daddy
"anong connect nang province sa salad daddy? " tanong ko
"malay ko" sabi nya.
Maya-maya ay may narinig kaming katok , bumukas ang pinto. Pumasok doon si Ida at may kasama syang doctor.
"Sir, nandito na po si Doctora Sanchez" sabi ni Ida.
"thank you Ida. Come here Doc" sabi ni Daddy. Lumapig naman samin ang babaeng doctor.
"This is our daughter, Elisha Cordova, nagsusuka at nahihilo sya, wala naman syang sakit" sabi ni Daddy
"hmm, we'll do some test on her. But before that I'll ask some question Iha" sabi ni Doctora
Tinanguan ko sya at sumubo ulit nang salad.
Kitang-kita ko ang pagmamasid nito sakin pero binaliwala ko lang iyon.
"kailan ito nag-umpisa iha? " -Doctora
"nung isang araw pa po " sabi ko
"nag-susuka ka kapag umaga at nahihilo, tama ba? " - Doctora
"opo" tumatangong sabi ko
"do you crave foods or something?" - Doctora
"yes, especially this vegetable salad with hot ketchup" sabi ko.
Maya-maya ay may kinuha ito mula sa bulsa nang white coat nya. Tatlong piraso iyon.
"iha, can you try this? We need to make sure of your condition" sabi nya at inabot sakin iyon. Agad ko naman iyong kinuha .
"b-bakit po ganito ang binigay nyo?" utal kong tanong
"try it iha" she said
"pero d-di ako buntis" sabi ko
"just take some test para makita natin ang resulta" maawtoridad na sabi nito.
Tumingin ako kay Mommy at Daddy na matiim ang pagtitig sakin. Naluluhang pumunta ako sa banyo at ginawa ang procedure nang test.
Naghintay akong 5 minutes tulad nang nasa instruction.
"anak matagal kapa ba dyan? " tanong sakin ni Mommy.
"teka lang po" kinakabahang sabi ko habang pabalik-balik na naglalakad sa loob nang banyo.
Nasa lababo ang pregnancy test. Tinignan tinignan ko amg relo ko. Tapos na ang 5 minutes.
Pinagpapawisan akong nakapikit na kinuha ang PT at nang makuha ko iyon ay dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko.
Ganon nalang ang pagkabitaw at pagluha ko nang makita ang resulta non.
Its possitive!
Nanghihina akong napaupo sa sahig nang banyo. Humahagulgol ako.
"sweetheart whats wrong? Open the door baby" daddy said as he knocked on the door.
Napayakap nalang ako sa tuhod ko at sinubsob doon ang mukha ko.
Gosh, ano nang gagawin ko? How can I explain this to mom and dad?
Maya-maya pa ay narinig ko ang marahas na pagbukas nang banyo. Pero nanatili lang akong nakadukdok sa tuhod ko at umiiyak.
"what's the result honey? " tanong ni daddy
"i-its p-possitive" utal-utal na tanong ni Mommy
"Damn it! " sabi ni Daddy at bigla nalang akong niyakap nang mahigpit dahilan para mas lalo akong maiyak.
Hindi ba sila magagalit sakin? Hindi ba nila ako sasaktan?
"Hush sweetheart. Dont cry, makakasama iyan sa baby mo" he said and kissed my head.
Napatungo ako at lumuluhang tinignan ito. Kita ko ang awa at pagmamahal sa mata nya.
"D-daddy! " umiiling na sabi ko at niyakap sya nang mahigpit.
"lets go to your bed sweetheart" Daddy said and guide me to stand up.
Kahit nanghihina at nanginginig ang tuhod ay tumayo ako. Mahigpit ang kapit ko kay Daddy para di ako bumagsak pabalik sa sahig.
Naglakad kami hanggang sa makarating kami sa kama ko. Humiga ako doon at niyakap ang unan. Patuloy lang sa pagpatak ang luha ko.
Pinaliwanag ni Doc. Sanchez ang mga Do's and Dont's.
After that she leave my room.
Naiwan kaming tatlo nila Mommy.
"I-I want to be alone" nahihirapan kong sabi
"okay sweety but tomorrow we'll talked about this okay? Papahatidan ka namin nang pagkain mamaya" sabi ni Mommy at hinalikan pa ako sa noo ganon din ang ginawa ni Daddy bago sila tuluyang lumabas nang kwarto ko.
'ano nang gagawin ko? '