“Lena!”
Kasabay ng sunod-sunod na katok sa pinto ng kuwarto ni Yelena ay ang malakas na pagtawag sa kaniya ng kaniyang tiyahin na si Ediza.
Pupungas-pungas siyang tumayo at sinilip ang oras sa kaniyang cellp hone. 5:34am, ayon doon.
She groaned. Napakaaga pa, ’susko!
Ang tiyahin niya talaga, oo. Magmula pa noong bata siya, ang gusto nito kapag gising na ito, gising na rin ang lahat.
Hindi niya maaaring irason na puyat siya sa kapipinta dahil unang-una ay hindi naman ito sang-ayon sa propresyon niya. Ganoon rin ang uncle niya na katabi lang ang bahay sa tinitirhan nila. Ani ng mga ito’y gutom ang inaabot ng mga pintor dahil mahirap magkapera sa pagpipinta. Bagay na hindi na niya sinalungat pa. Hindi siya sumasagot sa mga ito. Natapos niya lamang ang kurso niyang Fine Arts dahil sa pamimilit ng mama niya sa mga ito.
Ang tiya niya na isang matandang dalaga at ang uncle niya na may dalawang anak ay parehong nakatatandang kapatid ng mama niya. Ang mga ito ang nagpalaki at nag-alaga sa kaniya habang nagtatrabaho sa ibang bansa ang mama niya. Kitchen manager ito sa isang restaurant sa Kuwait kaya pambihira niya itong makita at makasama.
“Lena!” muling tawag mula sa labas ng pintuan.
Nagmamadali at kabado siyang lumapit doon upang pagbuksan ang tiyahin.
“Bakit po, Tiya?” tanong niya bago bahagyang yumuko bilang pagbati.
Hindi ito gumanti bagkus ay walang kangiti-ngiti na nagpamaywang. “May tawag ka sa telepono sa ibaba. Si Tyler na naman.”
“Sige po. Bababa na ako.”
“Pangalawang tawag niya na iyan ngayong linggo. Hindi mo ba boyfriend ang anak na iyan ni Marietta?”
“Hindi po.”
“Siguraduhin mo.” Dinuro siya nito bago tumalikod at umalis.
Doon lang siya nakahinga nang maluwag. Mula noon ay ganoon ang epekto nito sa kaniya.
May intimidating aura naman kasi talaga ang tiyahin niya na ultimo ang mga siga sa kanilang bayan, ang San Ignacio, ay takot dito. Idagdag pa na malaki itong babae, nakasisindak ang mukha, at hindi ngumingiti.
Kilala ito sa buong Quezon Province dahil hindi ito nagpapatalo kahit kanino.
Matapos ayusin ang sarili at hinigaan ay mabilis siyang bumaba at dinampot ang telepono.
Hindi nakatakas sa pansin niya ang matalim at mapanuring tingin ng Tiya Ediza niya kaya walang kangiti-ngiti niyang kinausap ang nasa kabilang linya. “Hello, Kuya Tyler?”
“Lena.” Swabe itong tumawa. “Grabe, hindi nagbago ang auntie mo. Sobrang istrikto pa rin.”
BINABASA MO ANG
Good Girl's 10 Naughty Lists
RomanceSi Yelena ay nanggaling sa isang konserbatibong pamilya. Lahat ng kilos niya ay dapat naaayon sa panuntunanda-dapat laging lagpas-tuhod ang mga sinusuot niya; dapat diretso siya ng bahay pagkagaling sa eskwela; bawal ang bisyo, gala, boyfriend o pag...