Nagising si Yelena na masakit ang ulo. Ilang minuto siyang nakapikit bago nagdesisyong bumangon. Ngunit muli siyang napabalik sa kama.
"A-aray..." Napapikit siyang muli at napahawak sa noo. Pakiramdam niya'y minamartilyo ang ulo niya.
Sa isip niya, gano'n pala ang pakiramdam ng may hang over. "Ayoko ng uminom," naluluha niyang bulong sa sarili.
Napadilat at napabangon siyang bigla nang may kumudlit sa isip niya na isang eksena- siya at si Angelo! At nasundan pa ng ilan pang eksena.
Angelo...
I'm sorry...
Hindi ko na kaya ang sarili ko...
She gasped loudly and covered her mouth with her palms.
Mahabagin, ano 'yon? Bakit may gano'n siyang alaala? Gusto niyang sampalin ang sarili. Gawa-gawa lang ba 'yon ng isip niya? Totoong nangyari? O isang panaginip?
Hindi niya alam. Mas gusto niyang isipin na nahihibang na siya para magkaroon ng ganoong alaala.
Sapu-sapo ang noo na tumayo siya at pinakiramdaman ang sarili.
Wala namang masakit sa kahit anong parte ng katawan niya. Iyon pa rin ang damit niya at suot niya pa rin ang mga panloob niya. Wala namang kakaiba.
So ano ang nangyari?
Ang natatandaan niya ay ininom niya ang alak ni Angelo nang nagdaang gabi nang tumalikod ito. At pinainom siya nitong muli pagbalik. Inantok siya, nahilo, binuhat nito at... at... hanggang doon lang. Wala na siyang matandaan. Paano siyang nakauwi? Binuhat ba siya ni Angelo mula bar hanggang bahay nito? May ginawa kaya siyang nakakahiya rito? Ano ang itsura niya noong nalasing?
Gusto niyang maiyak. Lalo at hindi mawala sa isip niya ang mga eksenang nakita. To her shame, nag-iinit ang pakiramdam niya. And along with the heat, was the curiousity about the feeling evoked in her dreams, would it be same in reality? Or was it really dream?
Upang malaman ang sagot ay mabilis siyang naligo at nagbihis. Bumaba siya ng komedor habang hinihilot ang noo niya. Tumitibok pa rin ang magkabilang sentido niya.
As usual ay naabutan niyang nagluluto si Angelo. Nakapikit na binati niya ito. "Good morning, Angelo."
Seryoso ang mukha na lumingon sa kaniya ang binata. "Hi. How's your sleep?"
"Maganda. Ang gising ko ang pangit."
"Why? Okay ka lang?"
Ipinaghila siya nito ng upuan. Naupo siya doon. "Ang sakit ng ulo ko," naiiyak niyang sumbong.
"Coffee." Pailalim siya nitong tinitingnan habang inilalapag sa harap niya ang katamtamang laking umuusok na mug. "You need this."
Napangiwi siya nang makita ang laman ng inabot nito- black coffee. "Ayaw ko ito."
"It will lessen your hangover. Come on, drink and take this medicine." Inabot nito sa kaniya ang dalawang tabletas na puti.
Kinuha niya 'yon at pilit na ininom. "Thanks." Pinangalahati niya ang tubig at inilapag sa mesa ang baso.
Tumingala siya kay Angelo at naguguluhang tumingin dito. "Ano ang nangyari kagabi? May naaalala ka ba?"
His coal dark eyes became darker. "Ikaw, may naaalala ka?" he counter asked.
She shook her head. "Hanggang bar lang natatandaan ko." Hinawakan niya ang noo at hinilot. "Though there's some flashes of scenes I can't remember if really memories or just a pigment of my imagination."
BINABASA MO ANG
Good Girl's 10 Naughty Lists
RomanceSi Yelena ay nanggaling sa isang konserbatibong pamilya. Lahat ng kilos niya ay dapat naaayon sa panuntunanda-dapat laging lagpas-tuhod ang mga sinusuot niya; dapat diretso siya ng bahay pagkagaling sa eskwela; bawal ang bisyo, gala, boyfriend o pag...