Kahit masakit ang katawan ay maaga pa ring nagising si Yelena. Matagal niyang tinitigan ang natutulog na si Angelo bago niya napagdesiyunang pumasok sa loob ng banyo at maligo.
Hinubad niya ang lahat ng damit. At pinagmasdan ang sarili sa naroong full length mirror. She was still the same. Nothing had changed physically, but she know, she was a different woman now.
Her eyes were glowing with passion and with carnal desire. Ang mga pisngi niya ay mamula-mula. May mga pulang marka rin ang ilang parte ng katawan niya. It maybe came from days old stubble of Angelo. May love bites din siya sa dibdib at leeg.
Naiiling na itinuloy niya ang paliligo.
Nang matapos ay lumabas siya ngunit tulog pa rin ang binata. This time ay nakadapa na ito sa kama.
Tinapik niya ito ng malakas sa balikat, pabiro. "Angelo, ano'ng klaseng tulog 'yan?" tanong niya.
Hindi ito gumalaw.
Tiningnan niya ang orasang pandingding na nakasabit sa isang bahagi ng silid nito. Alas onse na ng tanghali!
Sinakyan niya ito sa likod at niyugyog. "Wake up!"
Mahinang ungol lang sinagot nito.
"Tanghali na, Angelo!" Sa inis niya ay yumuko siya at kinagat ito sa tainga.
Napadaing ito sa sakit. "I'm tired, babe. Let me sleep."
Natigilan siya. Ang guwapo ng bagong gising nitong boses. Kaya lang ay kailangan niyang kumain. Pabirong sinabunutan niya ito. "Nagugutom na ako, babe ko," she whispered in a sultry voice, copying the endearment he was using to her.
Doon ito tumihaya. OA na dinaklot ang dibdib. "Ang sarap pakinggan."
Napakunot-noo siya. "Ng alin?"
"Wala. Sabi ko masakit ang dibdib ko."
Hinawi niya ang mga kamay nitong nakaharang sa sinabing masakit at nag-aalalang nagtanong. "Ano ang nararamdaman mo?"
"Horny," mabilis nitong sagot tsaka bumunghalit ng tawa.
Asar niya itong hinampas sa dibdib. "Grabe ka." Akala niya kung ano na.
Hinila siya nito pahiga sa dibdib nito. "Sabihin mo nga, babe 'count to ten', three times."
Naguluhan siya. "I'll count from one to ten? Like one, two, three, four, and so on?"
"No. You will say 'count to ten', 'count to ten'. Like that."
"Okay. Count to ten. Count to-" natigilan siya. "Bakit parang ang bastos?"
Ang lakas ng tawa nito. "Just say it and add 'mo ako' in the end."
Saglit siyang nag-isip. At napasinghap nang mabuo ang sentence sa isip.
Hinampas niya ito ng unan bago tumayo. "Ang bastos mo, Angelo. Masakit pa katawan ko. Mahiya ka sa 'kin."
Mas lumakas ang naging tawa nito.
Iniwan niya ito bago pa kung ano'ng maisipan nito.
Bumaba siya ng kusina at naghanap ng makakain. Nakakita siya ng slice bread, at strawberry jam. 'Yon ang nilantakan niya. Gutom na talaga siya.
Bumaba si Angelo na nakaligo at nakabihis na. Agad siya nitong nakita, at pinuna, "hindi ka mabubusog diyan, babe. Come on, magluluto ako. Pakakainin kita."
Hindi niya alam kung bakit ibang kain ang naisip niya. Niyuko niya ang umbok sa pantalon nito.
Napaiwas siya ng tingin nang mapansing nakatingin at nakangisi ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Good Girl's 10 Naughty Lists
RomanceSi Yelena ay nanggaling sa isang konserbatibong pamilya. Lahat ng kilos niya ay dapat naaayon sa panuntunanda-dapat laging lagpas-tuhod ang mga sinusuot niya; dapat diretso siya ng bahay pagkagaling sa eskwela; bawal ang bisyo, gala, boyfriend o pag...