Chapter 4: SENTIMENTS

162 47 114
                                    

Did she just say yes to this stranger? Ano ang nangyayari sa kanya? Ano itong pakiramdam niya na hindi niya maintindihan?

Lihim na tinatanong ni Yelena ang sarili habang nakatitig sa mga mata ng estrangherong katabi. Hindi pa siya umiinom, but her mind was already clouded with thoughts she didn't know she was capable of.

Tila may kuryente at mainit na bagay na tumutulay sa mga ugat niya mula sa kamay nitong humahaplos sa batok niya pakalat sa kaniyang katawan.

Nasubukan niya na rin namang madikit kina Tyler at Kiel, pero hindi niya naramdaman ang ganito.

Ipinilig niya ang ulo.

No! Umoo siya dahil gusto niya lang tumikim ng alak. Iyon lang iyon. "Tikim lang," she said in a small voice. "Gusto ko lang ma-try kung anong lasa."

Pero paano kung totoo ang sinasabi nito na epekto ng alak at mapahamak siya? Pinaalalahanan na siya ni Tyler.

Isa ba ang estrangherong kaharap sa sinasabi ni kuya na agila na dumadagit ng sisiw? piping tanong ni Yelena sa sarili.

Alam niyang ang ibig sabihin ni Tyler sa agila ay mga lalaking may masamang motibo. Isa ba ito?

She stiffened. Pasimpleng tinabig ang kamay nitong nakahawak sa kaniyang batok.

Na-offend ito, but she noticed how he hid his emotion well. His face became stoic. "Curiousity huh?" Sinalinan nito ng tequila ang walang lamang shot glass at inilapit sa kanya.

"Yes," walang gatol niyang sagot at inabot ang basong binibigay nito. Inilapit niya muna iyon sa kaniyang ilong bago idinikit sa kaniyang labi.

1, 2, 3. . .

Habang nakapisil sa ilong ang isang kamay ay nakapikit na nagbilang siya sa isip bago nilagok ang hawak.

Gumuhit ang mainit na likido sa kaniyang lalamunan pababa sanhi upang maluha siya at ihitin ng ubo.

"Hindi masarap!" bulalas niya habang hindi maipinta ang mukha. Inilapag niya sa harap ang maliit na baso. "Isa pa!"

Hindi niya alam pero biglang tumawa ng malakas ang lalaking katabi. At mas lalong hindi niya maintindihan kung bakit tila may humaplos na magaan na bagay sa kanyang puso sa nasaksihan.

"Dahan-dahanin mo ang pag-inom, Lena. Ayokong makipag-usap sa lasing," he commented, a light teasing in his voice.

"Nyenyenye," naka-make face niyang pang-aasar rito.

Natatawa, naiiling itong sinalinan siya ulit at inabot sa kaniyang muli.

"Saan nanggagaling ang curiousity mo?" tanong nito matapos niyang abutin ang shot glass.

She drank it slowly first and winced before she answered. "Sa loob ng 23 years, pakiramdam ko nakakulong ako."

Inilapag niyang muli ang baso. This time, sa tapat na nito. Then she looked directly at his eyes. "Ang dami kong na-miss sa buhay. Ang dami kong gustong maranasan."

Humalukipkip ito. "Katulad ng?"

Nilingon niya ang dalawang babae sa bandang kanan niya upang ituro ngunit wala na ang mga ito roon.

She roamed her eyes around. Hindi siya nahirapan.

Tama si Tyler nang sabihing nagpapa-sexy-han ang mga babae sa loob ng bar.

Inginuso niya ang nakapaligid sa kanila. "Ganiyan. Gusto kong makapagsuot ng sexy na damit na katulad ng kanila. I want to know if what Aiessa and Reika told me before was true." She shrugged. "They said wearing sexy dress will make you look good and will make you feel really really confident."

Good Girl's 10 Naughty ListsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon