CHAPTER 12: INVITATION

56 19 28
                                    

Mula sa pagpipinta sa isang bahagi ng hardin ay natuon ang paningin ni Yelena sa papalapit na si Angelo. Hindi niya naiwasang titigan ito.

He looked handsome as ever in his white shirt and khaki pants. Like a Pagan God, he walked confidently with a warm smile on his face.

Naroon siya sa hardin dahil napagdesisyunan niyang doon na tapusin ang kaniyang obra. At dahil nasa open na lugar ay inaasahan niya na ang paglapit ng lalaki.

"Puwede ba akong tumabi?" paalam nito sa kaniya nang makalapit.

Marahan siyang tumango at nagpatuloy sa pagpipinta. Sira na ang konsentrasyon niya pero hindi siya nagpahalata.

Umupo si Angelo sa kaniyang tabi. Sa sulok ng kaniyang mga mata ay nakita niyang nakatitig ito sa kaniya. "Napatawad mo na ba ako?" he whispered hoarsely, malapit sa kaniyang tainga.

Her body tensed. She could feel his breath skimmed in her skin.

Ipinilig niya ang ulo at bumuntong-hininga. Pilit binabalewala ang epekto nito sa pagkatao niya.

"May kasalanan din ako," sagot niya rito sa pabulong ring paraan. "Huwag mong akuin lahat ng pagkakamali."

Hindi napansin ng dalaga ang pagsilay ang matamis na ngiti sa mga labi ni Angelo. Hinawi nito ang buhok ng dalaga na kumawala sa pisngi nito at itinago sa likod ng tainga.

She held her breath sa pagdampi ng kamay nito sa balat niya. Pagkuwa'y nagpatuloy sa pagpinta. Pilit iniiwasang magawi rito ang kaniyang paningin at atensyon. God, a temptation in it's finest.

"Mukhang malapit mo na 'yang matapos," puna ng binata sa ginagawa niya.

Lumingon siya saglit bago ngumiti ng tipid. "Yes. Finishing touches na lang."

She straightened her back when remembered something. "Thank you nga pala dito at sa lahat ng mga binigay mo, kabilang iyong... pagkain kagabi."

"Welcome," he uttered using his charming voice.

Silence followed. She kept on painting while he kept on watching her. Maya-maya'y muli itong nagtanong, obviously making the air light, "madali lang ba magpaint?"

She answered in a small voice, "Mahirap."

"Pero kayang tutunan, 'di ba?"

She shrugged. "Kaya. Tiyaga lang."

"Puwede mo ba akong turuan?"

Biglang napaangat ang tingin niya rito, which was a mistake. He was staring at her which caused a sudden tightening of her stomach.

Pinutol niya ang kanilang titigan at tumikhim. "Y-yeah, sure."

"Kailan mo ako tuturuan?"

"Next time."

He gave a boyish grin  "I'm glad gusto mo pa rin akong kasama next time."

Umingos siya at itinuloy ang ginagawa.

Ngunit tila walang balak ang lalaki na patapusin siya. Muli itong nagtanong, "Ano ang inspiration mo?"

Saglit lamang siyang nag-isip. "Karamihan sa mga artist, kapag masaya o kapag inspired, doon sila nakagagawa ng obra. Ako ay baligtad. Hindi ako nakakapagpinta kapag masaya. Pero kapag malungkot ako, naibubuhos ko sa obra ko ang lahat ng damdamin ko." Kaya nga, napuno niya ang kuwarto niya sa San Ignacio ng paintings dahil mula pagkabata ay malungkot siya.

"Nakapinta ka ngayon. Ibig bang sabihin, malungkot ka?"

Malungkot siyang ngumiti.

Pinaglaro ni Angelo ang mga daliri sa buhok ng dalaga. "Care to share? I will listen. We have all the time in the world."

Good Girl's 10 Naughty ListsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon