"Ang galing mo talaga, Ma'am Yelena," natutuwang saad ng curator ni Kiel sa gallery na pag-aari nito. Tinititigan ng babae ang hawak na larawang ipininta niya. "Maraming magiging interesado rito panigurado," manghang dagdag nito.
Nakangiting sinipat ni Yelena ang canvas at ang ipininta niya roon. Larawan 'yon ng malinis na lawa, hamog, dilaw na kalangitan at kulay kahel na mga puno na ang mga dahon ay nagsisipaglaglagan.
A smile curved in her lips. "Magdilang-anghel ka sana, Mitch."
"Dalawang buwan ka na rito sa Nagma Galleria, Ma'am. Isa ang mga gawa mo sa mabenta rito. Parami ng parami ang mga costumer dahil sa rekomendasyon ng mga obra mo. Palagay ko, Ma'am, dapat kabahan na si Sir Ezekiel Nagma dahil kapag nagtayo ka ng sarili mong gallery, mababawasan na si Sir ng negosyo."
Natawa si Yelena. "Matagal ko ng pangarap 'yon, Mitch pero 'wag muna ngayon. Okay na sa akin ang ibinibigay ni Kiel na commission."
Naglakad palapit ng reception sa galeryang 'yon si Mitch. Sinundan niya ito.
"Dumaan si Sir Ezekiel dito kanina at ibilin na ibigay sa inyo ito, Ma'am." Inabot nito sa kaniya ang glossy paper na my ribbon.
"Ano ito?" Kinuha niya iyon at binasa ang nakasulat. Isang imbitasyon.
"Magkakaroon daw ng charity gala sa art museum sa Manila, Ma'am. All kinds of arts and rare pieces will be displayed. Ang parte ng kikitain sa charity event ay mapupunta sa mga cancer patient na mga bata sa isang foundation doon. Sir Ezekiel reserved an area for the exhibit of your works. Ang isa nga po ninyong kaibigan ni Sir ay a-attend rin. She will hold an auction and the proceeds will go straight to the fund. Your works daw, Ma'am may put on that auction, too if you want."
"Sino'ng kaibigan namin?"
"Si Ma'am Nimfa po."
Her lips formed an O. "I see. Mahilig rin kasi sa arts 'yon." She nodded her head. Gusto niya. Interesado siya, ngunit ayaw niya munang makipag-commit nang hindi pa sigurado. Hindi pa siya nakapagpaalam sa Mama Ediza niya.
Kahit okay na sila sa lumipas na mga buwan ay istrikto pa rin ito sa kaniya. "Pasabi kay Kiel na pag-iisipan ko muna, Mitch." Mayroon pa naman siyang ilang araw upang makausap ang ina.
"Sige, Ma'am."
She smiled politely. Itinago sa bag ang invitation at kumaway sa kaharap. "Mauuna na ako. Dadaan pa ako ng hardware. Pipinturahan ko ang bakod ni Mama Ediza."
"Hay, iupa mo na lang sa mga pintor, Ma'am. Mura lang naman sila maningil."
"Hindi na. Ako na lang."
"Ang ganda mo, Ma'am Yelena. Siguradong maraming mga Adan ang gusto kang tulungang magpinta," pahabol na pahayag ni Mitch bago siya tumalikod.
Nailing at natawa lang siya rito. "Kita tayo uli kapag maghahatid na naman ako ng paintings."
"Sige, Ma'am. Ingat."
"Thank you."
Paglabas niya ng gallery ay nagtungo siya sa pinakamalapit na hardware at bumili ng isang galong pinturang puti.
Pag-uwi, kahit tutol ang ina noong una ay hinayaan rin siya nito sa huli sa gusto niya. She painted white all their picket fences. Ilang oras din ang ginugol niya.
Nang matapos ay pagod niyang inilatag sa damuhan ang sarili niya. Pinagmasdan niya ang asul na kalangitan at paglipad ng mga ibon doon.
She closed her eyes and filled her lungs with the fresh nature air.
Those sceneries should be relaxing and calming for her, but she didn't know why there was always a sudden tightening in her stomach.
Nakararamdam siya ng labis na kalungkutan. Lagi niya iyong nararanasan.
BINABASA MO ANG
Good Girl's 10 Naughty Lists
RomanceSi Yelena ay nanggaling sa isang konserbatibong pamilya. Lahat ng kilos niya ay dapat naaayon sa panuntunanda-dapat laging lagpas-tuhod ang mga sinusuot niya; dapat diretso siya ng bahay pagkagaling sa eskwela; bawal ang bisyo, gala, boyfriend o pag...