SA loob ng drawing room, itinuloy ng mag-anak ang aminan ng mga lihim.
"Mula pagkabata ay tatlo kaming magkakasama nina Orlando at Sebastian. Daig pa ang magkakapatid," salaysay ng nakatingin sa labas ng bintana na si Emileen.
"Mas matanda sila sa akin at iba ang kalagayan sa lipunan, ngunit hindi iyon naging hadlang sa aming samahan, dahil ang mga ama namin ay matatalik din na magkakaibigan noong araw- ang aking tatay Julian, ang tatay ni Orlando na si tiyo Alberto, at ang biyudong tatay ni Sebastian na si tiyo Artemio. Noong namatay ang tiyo Alberto, ang nanay ni Orlando na si tiya Juana ay pinakasalan ni tiyo Artemio. Kahit pa magkaibigan ay hindi tinanggap ni Sebastian ang mag-inang Orlando at Juana. Sa huli namin nalaman na matagal na palang may inggit si Sebastian kay Orlando na lalong tumindi nang pamanahan ng mas malaki ang mag-ina noong pumanaw si tiyo Artemio at noong. . . noong sinagot ko ang pag-ibig ni Orlando. Hindi ko alam na gusto niya ako. Hanggang sa kidnap-in niya ako at. . ."
Lumapit si Orlando sa esposa at niyakap. "Hindi na natin kailangang alalahanin ang lahat."
Ngunit hindi nagpapigil ang ginang. "Hindi ko makalimutan ang lahat, Orlando. Ayoko na sanang tanggapin ka. Wala akong balak na isipin pa ang kaligayahan ko pero may isang taong lumapit sa akin."
---
MAY pag-aalalang tinanaw ni Ediza ang kadiliman ng gabi. Niyakap niya ang sarili at pilit na pinakalma ang isip.
Buong maghapon ay wala siyang balita kay Yelena. Hindi niya ma-contact ang cell phone nito.
Natatakot siyang maulit na naman ang nangyari rito ngunit hindi naman siya tutol sa pag-ibig nito kay Angelo.
Hindi siya tutol. Alam niya ang totoo.
Hindi man niya gusto ay naglakbay ang isip niya sa sunod-sunod na pangyayaring iyon ng buhay niya. . .
Matapos ang pagpaparayang ginawa niya kay Orlando ay alam niya sa sariling paimbabaw lang iyon. Hindi madali para sa kaniya ang bitiwan ito. Araw-araw, ang pangungulila ay pinapatay siya. Araw-araw ay pumupunta siya sa bahay ng mga ito at sinusundan ito saan man ito magpunta.
Orlando found Emileen through the help of a lot of detectives.
When the two met, she was there crying. . . silently listening and watching them.
She witnessed how Orlando offered marriage to Emmy. The acts and words were killing her because she was supposed to be in that spot. The marriage was offered to her first.
To her surprise, just like her, Emmy refused to the proposal. Orlando left broken-hearted for the second time.
She was about to follow the man when she heard Emmy sobbing helplessly and uttering, "I love you, Orlando. I love you so much it hurts."
Ediza curiously approached the woman. "Bakit hindi mo tinanggap ang alok?"
Umangat ang luhaan na mukha ng babae. "Sino ka?" Bumaba ang mga mata nito sa umbok ng tiyan niya.
"Hindi na mahalaga." Umiwas siya ng tingin ngunit muling ibinalik dito. "Nakikita kong mahal mo si Orlando. Ano ang pumipigil sa iyo?"
"Kilala mo si Orlando?" Tumingin itong muli sa tiyan niya. "Siya ba ang. . ?"
"Mahal ka ni Orlando. Mahal mo siya. May anak kayo. Ano ang problema?"
Napailing ang babaeng kaharap. "Nagkakamali ka."
"Hindi ka mahal ni Orlando?"
BINABASA MO ANG
Good Girl's 10 Naughty Lists
RomanceSi Yelena ay nanggaling sa isang konserbatibong pamilya. Lahat ng kilos niya ay dapat naaayon sa panuntunanda-dapat laging lagpas-tuhod ang mga sinusuot niya; dapat diretso siya ng bahay pagkagaling sa eskwela; bawal ang bisyo, gala, boyfriend o pag...