Nagising si Yelena na magaan ang pakiramdam. Ilang minuto siyang nakatitig sa kisame habang nakangiti kahit wala namang nakikitang interesante doon.
Hindi niya alam kung ano'ng oras na silang natulog ni Angelo ng nagdaang gabi. They stayed on the seashore talking nonsense, laughing endlessly, enjoying the breathtaking sceneries in the dark sky.
Masigla siyang tumayo, nag-ayos ng higaan at naligo. Nagbibihis na siya sa loob ng banyo nang mayroon siyang mapansin— nakasampay ang mga damit na pinagbihisan niya ng nagdaang araw!
Pumasok ba si Angelo sa kuwarto niya? Ito ba ang naglaba ng mga damit niya?
Mabilis siyang bumaba ng komedor. Naabutan niya ang lalaki na abala sa pagluluto.
"Good morning!" masayang pagbati niya rito, pinagsalikop sa likod ang dalawang kamay. "May itatanong ako."
"Good morning din," ganting pagbati nito. Matapos siyang lingunin saglit ay muli na nitong hinarap ang ginagawa. "Ano'ng itatanong mo?"
Kahit nakatalikod ito sa kaniya ay gusto niyang mamula ng maalala ang mga damit niyang nakasampay sa loob ng banyo. Unang beses na may humawak sa mga damit niya na ibang tao maliban sa ina at tiya niya.
She cleared her throat before she asked, "i-ikaw ba ang... naglaba ng mga damit ko?"
Angelo went still for a moment. Muli nitong naalala ang pagtitimping ginawa habang nilalabhan ang damit ng babaeng abot-kamay niya ngunit hindi man lang mahawakan.
After being stunned for seconds, he finally responded without even looking at her. "Yes. Naisip ko kasi, kaunti lang ang mga dala mong damit." Ngumiti ito at lumingon. "Mamaya 'pag alis natin, ipaalala mong bumili ng mga damit para madagdagan ang mga susuotin mo."
Gusto mang tumanggi ni Yelena ay hindi niya ginawa. Ang mga damit na dala niya ay ito rin naman ang bumili noong nandoon pa siya kina Kiel.
Sa halip ay nagbiro siya, "bakit kailangang ipaalala? Malilimutin ka na ba?"
Natawa ang binata. "Hindi pa naman."
"Sige nga, sino ako?" she asked in a mild teasing voice.
Angelo looked at her over his shoulder and winked. "Ikaw ang future ko."
Natigilan siya sa sagot nito. Her heart pounded violently against her chest.
Ipinilig niya ang ulo, at dahan-dahang lumapit rito. Mula sa likod nito ay sinilip niya ang niluluto nito— fried potato with corned beef.
"Favorite breakfast ko 'yan," hindi niya napigilang ikomento.
"I know," sagot nito.
"Paano mo nalaman?" gulat niyang tanong.
The man just shrugged. "I asked Kiel."
Hindi siya makapaniwalang ikinuwento siya ng kaibigan rito.
Nakanguso siyang umupo sa pang-apatang mesa. Noon niya napansin na marami na palang pagkain na nakahain. May fried eggs, hotdogs, bacon, pancakes at tinapay din. At nagluluto pa ito. Malakas siguro kumain ang lalaki, sa isip niya.
Pinatay ni Angelo ang stove. "Magbibihis lang ako sandali, Lena."
"Sige." Tumayo siya nang magsimula itong maglakad. "Can I look around your house?"
"Sure."
Nang mawala sa paningin ang lalaki ay nagsimula si Yelena na suriin ang kabahayan. Malaki 'yon. Hindi kasingluwang ng bahay nina Kiel ngunit halatang moderno at mamahalin ang mga kasangkapan.
May isang kuwarto na nakandado at hindi niya mabuksan. Doon marahil nakatago ang mga mamahalin at itinatagong kayamanan ng lalaki, biro niya sa isip.
Ipinagpatuloy niya ang paglalakad. Angelo must be very rich to own that kind of house, she thought. It even had a small bar na ang shelf ay puno ng hindi niya mapangalanang mga alak. Sa isang sulok ay may billiard table pa.
BINABASA MO ANG
Good Girl's 10 Naughty Lists
RomanceSi Yelena ay nanggaling sa isang konserbatibong pamilya. Lahat ng kilos niya ay dapat naaayon sa panuntunanda-dapat laging lagpas-tuhod ang mga sinusuot niya; dapat diretso siya ng bahay pagkagaling sa eskwela; bawal ang bisyo, gala, boyfriend o pag...