" Hmm " ramdam ko ang mumunting halik sa aking muka.
Unti-unti akong nag mulat at bumungad sakin ang naka ngiting si Sienna. What a cutie!
" Good morning pow tita... Are you awake na po? " Nakahawak pa ito sa magkabilang pisngi ko habang naka upo sa aking tyan.
Takte kaya pala parang kinakapos ako nang hininga.
" Tita wake up na daw po sabi ni Lola kasi you're going to school po " ang daldal nang bata na ito at mas maaga pa syang nagising sakin.
" Okay baby, I'm awake now... Ligo lang ako 'kay? " Ramdam ko ang pagod dahil anong oras na ako naka uwi kagabi galing sa pag drive kay ma'am.
Dumeretso na ako sa banyo para maligo dahil nga maaga ang pasok ko ngayon.
Matapos maligo ay inabutan ko sila mama at papa kasama si Sienna sa maliit naming lamesa.
" Kumain kana muna anak " inabutan ako ni mama nang kape at pandesal.
Umupo ako sa tabi ni Sienna, umiinom ito nang gatas sa kanyang bote habang nag sway nang mga paa sa upuan.
" You're so cute baby " kinurot ko ang pisngi nito kaya napa pout ito. Kagigil!
Natapos na kaming kumain at naka alis narin si papa para pumasada na nang jeep.
Paalis narin ako nang maramdaman ang pag yakap ni Sienna sa aking binti.
" Tita can I go to your school? " Ang higpit nang pag kaka kapit nya habang naka tingala saakin kaya binuhat ko ito.
" Baby, I can't bring you to school today— " kahit di kopa natuloy ang sinasabi ko ay nag babadya na ang kanyang luha.
Lumapit si mama saamin para sana paliwanagan si Sienna. Btw pwede naman magdala nang bata or like pet sa Astor University pero need mo nang permission sa admin office. Nakita ko kasing may kasamang baby yung classmate ko sa isang subject at katulad ko ay scholar din ito.
Nasabi ko kay Sienna pwede ko syang dalhin sa school pero hindi ko naman alam na ngayon nya gusto sumama.
" L-lola.. please po I want to go with tita. I will b-behave po p-promise " at humihikbi na nga ito. Nasabi kasi sakin ni mama na wala itong masyadong kasama sa karinderya at madalas ay nakikita nya itong malungkot.
Napabuntong hininga si mama at tumingin sakin. I guess I will be titang ina sa school for todays video.
Yumakap nang mahigpit sakin si Sienna matapos kong isukbit ang aking bag.
" T-tita p-pwease? "
" Bawal ang umiiyak sa school baby kung gusto mong maka sama ka " agad naman itong tumingin sakin at nagpunas nang kanyang mga luha pero namumula parin ang ilong at pisngi nito.
" I-im not crying na po " naiiling nalang ako sa ka cutetan netong bata na ito. Diko matanggihan mga par.
" Ma isasama ko na po itong bata hirap hindian " naiiling nalang din si mama at nag bilin sakin na hwag pabayaan si Sienna. Nag lagay din ito nang pang timpla nang kanyang gatas pucha parang nanay na ang peg ko ngayon, tanggal agad angas ko nyan.
Mabuti at isasabay ako ngayon ni Louis kaya less hassle sa pag punta sa school.
Lumabas na kami nang bahay. Naka kapit sa akin si Sienna habang nag lalakad at masayang nag sway pa ang kamay nito. Kanina humahagulgol ngayon naman sobrang sigla, moody—
BEEEEEEEEPPPP*
" AYY TANG—MILO " napaka gago talaga netong si Louis, papatayin ako sa gulat.
" You want Milo po tita? "
YOU ARE READING
Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]
RomanceI guess that's it... I'm happy to see her even from a far. I started to walked away and entered my car. " Urghh! she's really driving me crazy. And I hate it!" Date Started: February 18, 2023 Date Completed: ----- HIGHEST RANKED ACHIEVED: # 1 - univ...