A/N: Thank you kayo kay Stranger_65 sa pag sagot. Enjoy guys!
Nagising akong walang batang makulit na katabi. Himala at hindi nya ata ako kinulit para gumising ngayon?
Matapos mag unat-unat ay tumayo ako at agad na nakaramdam ng sakit ng ulo. Lintek kaya ayokong umiinom e. Kumuha ako ng damit dahil balak kong maligo.
Pag labas palang sa kwarto ay rinig ko na ang masiglang boses ni Sienna. Ang sakit ng ulo ko kaya hinihilot ko ito habang nag lalakad.
" Good morning my baby— " Halos maestatwa ako saking kinatatayuan dahil hindi lang si mama at si Sienna ang nasa sala. What the... Why she's here?
" Titaa morning po! Ninang ganda visit me today with these toys " Lumapit pa sakin si Sienna at itinaas ang kanyang dalawang kamay signaling me to carry her.
" I didn't wake you up po cause your snoring so loud " humagikgik pa sya sabay halik sa pisngi ko at pakita nung laruang bigay daw ni ma'am.
" Anak hindi mo ba babatiin si Lia? " Need pa ba? Char baka mahampas nanaman ako ng walis tambo.
" G-good morning ma'am " Bwiset na boses to laging nauutal. Binaba ko si Sienna na agad din naman bumalik sa tabi ni ma'am. I could feel that she's staring at me pero hindi ko na sya tinapunan ng tingin. Nagpaalam ako papunta sa banyo at hindi nahintay ang mga sagot nila.
Nang matapos ako ay sa kusina ako dumiretso para mag timpla ng kape. Dito ko narin sa kusina inubos at dumiretso sa kwarto para kunin ang aking cellphone. Yayayain ko nalang sila Louis ngayon ayokong mag stay dito sa bahay.
Nang makalabas ay dala ko na yung cellphone ko at naka suot na ng pang basketball attire. Black short, white dry fit t-shirt and white shoes.
Basketball is our sport, pati rin pala volleyball pero si Louis ang mas magaling doon. Caly and Marco are also coming with us. Kaya baka mag 2v2 kami.
" Ma alis muna po ako. Mag lalaro lang po kami nila Louis " Mula sa pag uusap ni ma'am at ni mama ay napatingin sila sa gawi ko.
Syempre kay mama lang ako naka tingin dahil baka kung ano nanaman maramdaman ko pag dun ako sa isa tumingin. Kahit talaga umaga ang ganda nya parin, kainis!
" Nag almusal kana ba anak? May dala si Lia kanina nandoon sa lamesa " alam kong sakanya galing yun dahil mukang mahal e. Nakalagay pa sa magagandang lagayan.
" Nag kape na ako ma, kailangan ko na pong umalis nag aantay na po sakin sila Louis " Tumango naman sakin si mama at sinabihan akong mag iingat.
" Baby alis muna po si tita ah, wag masyadong mag kulit " lumapit ako sa gawi nila at humalik sa pisngi ni mama at kasunod ay kay Sienna naman.
" Alis napo ako " This time kay ma'am naman ako tumingin at ngayon ko lang napansin ang mata nya. Puyat ba sya or what? Dapat kasi hindi na sya nag abalang pumunta dito. Wala ba syang gagawin ngayon?
Tuluyan na akong lumabas ng bahay tatagalan ko nalang umuwi para masiguro kong wala na si ma'am pag balik.
Nasisira yung plano ko sakanya e, ako na nga ung umiiwas tapos sya naman tong nalapit at talagang pumunta pa sa bahay. Nan t-trip ba sya?
Bahala sya dyan mag lalaro nalang ako tutal may dalawang lingo lang kami bago ulit mag pasukan para sa 1st sem.
-----
" Tara sa Mystics mga parekoy " Palabas na kami ng court ngayon actually kanina pa kami tapos mag laro at naka pag palit narin kami. Nag pa dala akong extra clothes kay Louis dahil nag madali na akong umalis kanina.
YOU ARE READING
Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]
RomanceI guess that's it... I'm happy to see her even from a far. I started to walked away and entered my car. " Urghh! she's really driving me crazy. And I hate it!" Date Started: February 18, 2023 Date Completed: ----- HIGHEST RANKED ACHIEVED: # 1 - univ...