Chapter 14 - Cuts and Stitches

1K 58 12
                                    

White ceiling and walls?! Eto na ba talaga yun lord? Hindi ko man lang na enjoy yung buhay ko amp.

Dapat pala nag jowa na ako nang sabay sabay e. Sayang naman lahi ko jk.

At the same time nalulungkot din ako dahil hindi ko man lang nayakap si mama at papa. Si Louis, alam kong loko loko yun pero hindi man lang ako nakapag pasalamat sa mga pinagsamahan namin—

" Jayyyyyyy Potaaaa!! " Bigla akong nakaramdam nang bigat saking dibdib. Kahit nasa kabilang buhay naba may nararamdam paring bigat?

Naramdaman kong para akong kakapusin ng hininga dahil may naka pulupot ata sakin at naramdaman ko pang basa ang gilid nang aking leeg.

" H-haah " bahagyang bumalik ang normal kong paghinga nang nawala ang parang naka dagan sakin. Ano yun pang double kill?

Naitulak ko yung isang taong sobrang lapit nang muka sakin. What the ang weird naman nang mga tao dito sa itaas.

" You're finally awake Jay! " teka kilala nya ako? At parang pamilyar boses nya.

" S-sino ka? " Agad na napasinghap ito. Hindi lang sya weird OA din sya.

PAK*

" Wag mo akong lokohin par, sa tagiliran ang tama mo hindi sa ulo " Lumiwanag ang paningin dahil siguro sa sampal ni Louis.
And yes sya lang pala yung gagong naka dagan sakin kanina.

Agad ding nagdilim ang paningin ko nang maalala ko ang mga pinagagawa nya. Sinenyasan ko syang lumapit sakin kaya agad naman itong sumunod.

" ARAY!!!! J-JAY! " pinukpok ko lang naman sa ulo nya yung tray na walang laman dito sa gilid ko. Baka sakaling mag function na ulit yung utak nya.

" Ikaw gago ka kaya pala hindi ako makahinga!! " Napanguso pa ito habang hinihimas ang kanyang ulo.

" At sinampal mo pa talaga ako tangin— "

" Language Miss Vazquez " napalingon ako sa babaeng nagsalita. Prenteng naka upo ito sa may couch sa gilid nitong kwarto. Si ma'am?! Nandito din sya?

Well mas na kakatuwa kung ang mala anghel na muka ni ma'am ang bubungad sakin pero hindi e. Si Louis na balak pa ata akong patayin nang tuluyan ang bumungad sakin.

Agad na napatikom ang bibig ko nung tumayo ito at nag lakad pa lapit samin. As always hindi ko pagilang pagmasdan ang kabuuan nya. Naka above the knee skirt ito at sleeveless white top. Hot— ang ibig kong sabihin ay parang ang init naman ata dito sa kwartong to?

" Naka bukas ang Aircon par anong mainit? " Napatingin ako kay Louis na naka ngisi sakin kaha inirapan ko nalang sya.

" Go call the doctor or nurse Louis " utos sakanya ni ma'am naka tayo na ito saking gilid kaya hindi ako maka tingin sa kanya. Nakaka intimidate!

Agad na sumunod si Louis kaya mas lalo akong nailang dahil kami nalang maiiwang dalawa ni ma'am. Nasaan ba sila mama ko?

" Nurse gising na po sya!!! " Napangiwi ako habang si ma'am naman ay napahilot nalang sakanyang sentido. Naneto ni Louis kahit kelan nakakahiya.

" Are you really okay now? " Basag ni ma'am sa katahimikan naka upo na ito sa katabing upuan malapit kung saan ako nakahiga.

Hindi agad ako naka sagot dahil nadidistract ako sa....ehem nya. Pano ba naman naka unbuttoned yung dalawang butones nya. Requirements bayun pag malaki yung mundo? Char.

" Are you mute now? " This time mas mataray na ang kanyang tono na may halong pagka inis.

" A-yos lang lods— ay m-ma'am " napataas ang kilay nito sakin. Ganyang ba dapat yung nag babantay nang may sakit? Ang sungit nya e.

Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]Where stories live. Discover now