A/N: Unedited. Expect typos and errors.
" Oh my gosh ninang ganda, gising na po sya " with matching bounce pa sya habang naka upo sa dibdib ko.
Lintek na batang to muntikan na akong di magising dahil sa kulang ng hangin.
" S-sienna, I can't breathe baby alis ka dyan " mabuti at sumunod ito pero sa tyan ko naman sya umupo.
Akmang uupo ako nang makaramdam ako ng kirot sa aking ulo. Tangina binugbog ba ako nang dalawang to? Napahawak ako sa parte nang noo ko dahil feel ko may pasa ako doon.
" Tita what happened to your forehead po? " Yan din ang tanong ko be, ang naalala ko lang kung anong matigas na bagay na tumama sa noo ko kagabi- teka si ma'am ang may gawa nito! Bakit nya ba ako hinampas?? Lintek wala naman akong ginagawa kagabi ah.
Hinanap ko kaagad si ma'am dito sa kwarto at nakitang nasa tapat ito ng salamin. She's putting something on her neck na foundation ata basta wala akong alam sa ganyan.
Nag tama ang mga mata naman sa salamin at inirapan agad ako. Wow sya pa galit nyan? Sya na nga nanakit e. Sadista amp.
Ngayon ko lang napansin na naka bihis na sila na at halatang kakaligo lang. Teka parehas ata sila ng suot? Sleeveless summer dress na above the knees lang. Pano ko nalaman yung haba ng dress? Nakatayo na sa gilid namin si ma'am e. At ang sama pa Ng tingin nya par!
" Get up, we've been waiting for you for a long time " syempre with irap parin yun.
Tumayo na ako at kahit medyo nahihilo ay nag unat-unat na ako. Ang sakit ng ulo ko par.
" Ligo lang ako saglit, wag nyo akong masyadong ma miss- "
" Shut up, here wear this and move faster " inabot nya sakin yung paper bag na satingin ko ay nag lalaman ng mga damit. Syempre wear daw e diba?
Mabilis kong tinungo yung banyo para maligo, habang nasa loob ay nalala ko yung panaginip ko kagabi. It feels so real, her soft- tanginang panaginip yan ang bastos, bad yun erase.
Kaka baba lang namin ng elevator at pansin ko talagang pinag titinginan kami ng lahat. Anong problema nang mga people? Masyado ba akong attractive? Hinayaan ko nalang sila dahil nauna na pala yung dalawang akala mo mag nanay dahil sa mga suot nila. Ang cute nila gagi! Bagay na bagay kay ma'am maging nanay. Syempre nanay ng 32 naming future babies hihi.
Nang makarating kami dun sa restaurant kung saan daw kami mag breakfast ay kumpleto na sila doon. Kami nalang ang kulang ang tatagal kasi nitong mga kasama ko e tss.
Nandito nadin pala si miss Angel? Sabagay lumipad siguro yan sya pfft corny amp.
" Wow para kayong happy family par ah, nahiya naman kami mukang family vacation nyo pala to. Tara guys uwi na tayo " tumayo si Louis at akmang aalis pero wala namang sumunod sakanya. Natawa nalang din ako pati si Marco.
" Dapat nag couple outfits din tayo ma'am eh " rinig kong sabi ni Louis kay Mrs. Thompson.
Ngayon ko lang na realize na para nga kaming family sa suot naming tatlo. White button down shirt ang suot ko at black shorts, it matches the black sandals na suit ni Lia and Sienna. Gagii kaya pala kami pinang titinginan?!
" Good morning ate Lia, and good morning little one " nag simpleng good morning lang si Lia sa kapatid nya at si Sienna naman ay masiglang binati ang lahat.
May tatlong vacant na upuan at magkakatabi ito uupo na sana ako sa katabing upuan ni miss Angel pero nauna itong hilahin ni Lia.
Umupo sya doon at pinaupo nya si Sienna sa katabi nya. Ngayon ay sa katabing upuan nalang ako ni Marco umupo. Napapagitnaan namin ni Lia si Sienna na mukang exited nang kumain.
YOU ARE READING
Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]
RomanceI guess that's it... I'm happy to see her even from a far. I started to walked away and entered my car. " Urghh! she's really driving me crazy. And I hate it!" Date Started: February 18, 2023 Date Completed: ----- HIGHEST RANKED ACHIEVED: # 1 - univ...