Pauwi na ako ngayon galing sa ROTC training namin, grabe pagod par mabuti nga at wala na yung panget na George e.Lumakad na ako papalabas sa main gate nang school at tinungo yung waiting area, doon kasi ako mag aabang nang jeep pauwi.
Habang nag aantay ako ay sya namang biglang pag buhos ng ulan. Fvck wala pa akong dalang payong! Medyo may kalakasan ito kaya kahit may bubong dito sa kina tatayuan ko ay nababasa parin ako.
Ayan nanaman tayo sa ulan nayan tapos mag kaka lagnat nanaman ako tss. Halos bente minutos na akong naka tayo dito pero wala paring jeep na dumadaan. Malakas parin yung ulan kaya naisipan kong tumakbo papaalis kung nasaan ako.
Akmang tatakbo na ako nang may biglang pumarada sa tapat ko na itim na kotse— teka kay ma'am ba'to?
Nasagot ang tanong ko nang mag Baba ito nang bintana. There she is, the dragon in the rain pfft—
" Miss Vazquez!! "
" Ay Dragon— B-bakit miss? " Gagi mala kulog yung sigaw nya nakakagulat par.
" Get in you stupid! " Dahil parang mag aalburuto na sya ay sumunod nalang ako. Bakit ba kasi huminto pa sya dito tapos ang init-init pa nang ulo e naulan naman.
" Baba nyo nalang ako sa sakayan sa kanto— "
" Don't talk unless I told you to do so " Ayan nanaman sya sa pa don't talk nya e. Ano ihahatid nya pa ako sa bahay, dapat nga umuwi na sya dahil mas lalong lumalakas yung ulan tss.
Katulad nang sinabi nya ay tahimik lang ako habang naka tingin sa labas. Mag 5pm palang pero ang dilim na dahil sa lakas ng ulan. May bagyo ba?
Nasa tapat na kami ng bahay. Natagalan kami dahil medyo traffic, kaya halata na yung inis sa muka ni ma'am habang nag d-drive kanina.
" Miss saglit lang po ah " Binuksan ko na yung pinto sa side ko at sakto namang papasok din si mama sa bahay.
" Anak ikaw ba'yan? " Bungad na tanong nito, may hawak pa syang plastik na nag lalaman ata nang ulam namin.
" Hindi ma si Natoy po ito— aray mama naman! " Pano nya nagawang mangurot kahit may hawak yung dalawa nyang kamay?!
" Puro ka kalokohan, Si Lia ba iyon anak? " Tanong ni mama nung nasa pinto na kami kaya tumango ako. Sinabihan ako ni mama na pa tuluyin muna si ma'am sa loob kaya kahit nag aalangan ay lumapit ulit ako sa sasakyan ni ma'am.
Kumatok muna ako sa bintana sa driver side. Binaba nya naman yung binta at nakita ang nakataas nitong kilay.
" What? " Mas masungit pa sya sa panahon par.
" Pasukin daw kita miss sabi ni mama— "
" What the fvck are you saying?! " Hala ba't ba sya nasigaw? Wala namang mali sa sinabi ko ah.
" S-sabi ko miss pasok muna daw kayo sa loob s-sabi ni mama " Akala ko hindi ito baba dahil inangat nya lang yung bintana pasara pero halos matumba ako nang bigla nyang buksan yung pintuan. Naknam- ang galing talaga!
Lumabas sya kaya agad kong inilapit yung payong para hindi mabasa ang dragon. Inirapan lang ako nito at nag simula ng mag lakad papasok sa bahay.
" Oh Magandang gabi Lia, halika maupo ka muna iha " Seryoso Eilyn Vazquez, mama? Ako kaya ang anak mo dito at hindi ang dragon nayan—
" Ejay ikuha mo nang tubig si Lia, bakit ba para kang tuod dyan? " See? Pinakuha pa ako nang tubig na parang hindi din ako pagod tss.
Sinunod ko nalang si mama dahil baka hampasin nya ako nang walis tambo sa harap ni ma'am, nakaka tanggal angas yun par!
YOU ARE READING
Drive Her Crazy [ASTOR UNIVERSITY SERIES#1]
RomanceI guess that's it... I'm happy to see her even from a far. I started to walked away and entered my car. " Urghh! she's really driving me crazy. And I hate it!" Date Started: February 18, 2023 Date Completed: ----- HIGHEST RANKED ACHIEVED: # 1 - univ...