Chapter I: The Mate

717 11 0
                                    

Sa pagbukas ni Selena sa isang pintong napapalamutian ng gintong disenyo, naamoy niya ang isang pamilyar na halimuyak. Iyon ang bumungad sa kaniya sa pagtapak pa lang sa loob at ang labis na bumabalot sa kabuuan ng marangyang silid.

Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi. His scent... . Ilang araw na rin simula nang huli niyang malanghap ang amoy nito. Tila kay sarap tumira sa loob ng silid kung ganitong halimuyak ang babalot sa bawat araw at gabi niya.

Bigla siyang natigilan sa kaniyang sandaling pagpapantans'ya nang marinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa isang bahagi ng kuwarto. Napangiti si Selena.

Maybe, he's taking a shower... . I'd just wait for him here.

Inaliw na lang niya ang kaniyang sarili sa pagtingin sa mga naglalakihang kuwadrong nakasabit sa dingding. Punong-puno ang mga ito ng kasaysayan ng kanilang lahi—mga taong lobo.

Naagaw lang ang kaniyang pansin mula sa mga tinitingnan nang may magsalita sa hindi kalayuan.

"What are you doing here?"

Napangiti siya nang marinig ang malamig nitong boses. How she missed him! Lihim na pinigilan niya ang kaniyang sariling yakapin ang nilalang na kasama niya sa loob ng silid.

Nang lingunin niya ang direks'yon nito, bumungad sa kaniya ang isang pamilyar na pigura ng isang lalaki. Napadako ang kaniyang mga mata sa itaas na bahagi ng katawan nito na walang saplot na kahit ano pa man—dahilan upang lumantad ang matipuno nitong katawan; hahangarin ng sino mang paglandasin dito ang sariling mga daliri upang damhin ang kakisigang tinataglay ng mala-perpektong nilalang na nasa kaniyang harapan. Mabuti na lang, nakasuot ito ng pantalon at kahit pa na may kaunting mga tastas sa bandang tuhod nito, nakatulong iyon upang hindi niya tuluyang pagnasaan ang binata.

"Why? Am I not allowed to enter my mate's place?" biro niya sa mapang-akit na boses habang matamang nakatingin dito.

Isinuot nito ang isang puting t-shirt na nakuha mula sa malaking aparador na nasa gilid. Pinagmasdan niya ang bawat galaw nito na mas nagpalutang pa sa kakisigang tinataglay ng binata.

Tinapunan siya nito ng tingin. "Next time, do not enter without my permission," anito sa malamig na tono bago binawi ang tingin mula sa kaniya.

Unti-unting napawi ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi dahil sa sinabi nito. Umahon ang inis na kaniyang nararamdaman para rito. "And then, what? For you to avoid me easily? No way!" Humalukipkip siya sa harapan nito. "Ilang araw ka nang hindi nagpapakita sa akin. You're acting as if I'm not so important to you. I am the Luna, Arche. I am your mate. It's my right to see you whenever I want it. Your own rules have no effect to me. No more excuses. You can't avoid me anymore."

Nang nakaraang mga araw, tila sinasadya nito ang pag-iwas sa kaniya. Iniiwasan nitong magtagpo ang landas nilang dalawa. At, naiinis siya rito dahil doon. Hindi niya alam kung ano ang nagawa niya para gawin nito iyon sa kaniya.

Isang malamig na tingin ang ipinukol nito sa kaniya na tila napakawalang kuwenta ng mga lumalabas sa bibig niya para rito. Nakaramdam siya ng panliliit sa kaniyang sarili dahil sa paraan ng tinging ibinibigay nito sa kaniya.

"What are you talking about?" walang emos'yon nitong usal at tamad na binawi ang tingin mula sa kaniya. "Tch! So nonsense."

Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. Ang lakas ng loob nitong balewalain siya at magpanggap na hindi nito alam ang kaniyang tinutukoy. Hindi ba nito alam na nasasaktan na siya dahil sa paraan ng pagtrato nito sa kaniya? She's a Luna for Pete's sake! He should treat her like one.

Akmang lilisanin na nito ang silid nang muli siyang magsalita. Hindi siya makapapayag na ganoon na lang iyon pagkatapos ng lahat. Hindi siya pumarito para lang sa wala.

Moon Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon