Chapter IV: The Enemy

97 5 0
                                    

Tila ang sakit sa mga mata para kay Selena na makitang malapit ang taong mahal niya sa ibang babae. Ngunit kailangan niyang magpatuloy. Hindi siya susuko nang gano'n na lang. Sa kaniya nakatakda ang binata. Iyon na lang ang tanging pinanghahawakan niya sa ngayon kahit na kay hirap para sa kaniyang makita ang mga ito na magkasama.

"Hindi ba mag-aalala ang Itay mo sa pagpunta mo rito, Liliana?"

"Hindi naman siguro. Nag-iwan naman ako ng sulat sa lamesa. Sinabi kong kasama kita, Arche. Hindi na mag-aalala pa si Itay kapag nalaman niyang kasama naman kita rito," masuyo nitong sinabi at ngumiti nang matamis sa binata.

Tipid na ngumiti rito si Arche. "Hindi kita pababayaan, Liliana. Pangako." Inabot nito ang kamay ng dalaga.

Napairap si Selena sa kawalan. Mabuti na lang, nasa likuran siya ng dalawa. Hindi mapapansin ng mga ito kung gaano siya naiirita sa kaniyang nakikita at naririnig mula sa mga ito. What an eyesore ...

Biglang may sumagi sa kaniyang isipan nang mga sandaling iyon. She's getting bored slowly. It's no fun anymore! Let my plan begins then ... . Isa ka ba talagang maamong nilalang, Liliana? O, ikinukubli mo lang ang totoo mong pagkatao? Because, you know what? You're too good to be true.

Naisip niyang ilabas ang totoo nitong kulay sa pamamagitan ng pagpapagalit dito. In that way, she would really find out what kind of being the girl in front of her. If she's real or a just fake one. She needed her brilliant acting skills to do that. Hanggang saan ang kabaitan mo, Liliana? Umarko ang kaniyang mga labi dahil sa naisip. Show to me your true self.

"Guys, wait ..." Umarte siyang tila kinakapos ng hininga. "I'm only a beginner with this thing actually. Can we rest for a while? Saglit lang talaga. Hindi tayo gagabihin. I promised."

Napabaling ang mga ito sa kaniya. Nakita niya ang pagkunot ng noo ni Arche dahil sa kaniyang kakaibang inaakto. Alam naman niyang hindi bebenta rito ang kaniyang pag-arte dahil kilala nito kung gaano kalakas ang kaniyang mga baga. Sa saglit na pag-akyat lang ng bundok ay walang-wala para sa kaniya. Well, she didn't mind him. This act was not for him though. Ang kailangan lang niyang gawin, pasakayin ang kaniyang biktima.

Lumapit si Liliana sa kaniya. "Oo naman, Sel. Nakakaramdam na rin naman ako ng pagod dahil hindi rin ako sanay sa pag-akyat ng bundok. Kaya, dito na lang muna tayo?"

Ngumiti siya rito. "Thank you, Liliana."

Alam ni Selena na tila nakatatanggap siya ng mga matatalim na tingin nang palihim mula sa kaniyang Alpha nang mga oras na iyon kaya hindi na siya nagtaka pa nang minsang abala ang nililigawan nito sa mga pagsulyap ng mga ligaw nabulaklak sa kanilang kinaroroonan, nilapitan siya nito at pasimpleng kinausap.

"What are you planning, Selena?" mariin nitong tanong.

Napatayo siya mula sa pagkakaupo sa tuyong kahoy na nakita niya sa lugar. Saglit niyang tinanaw si Liliana bago ito binalingan. "Ano bang sinasabi mo, Arche? Plano? Oh, come on. Mas'yado ka lang nag-iisip ng kung ano-ano," nakangisi niyang usal dito.

Hinigit nito ang kaniyang braso dahilan upang mapatingala siya rito. "Kilala kita, Selena. Itigil mo na kung ano man 'yang naglalaro sa isipan mo," malamig nitong sinabi.

Napawi ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi. "Whatever it is, it's for your own sake," seryoso niyang winika habang matamang nakatitig sa mga mata nito.

Kunot-noong napatitig ito sa kaniya. "What do you mean?"

No, she wouldn't tell to him about it. Hindi niya hahayaang pigilan siya nito. Not now ...

"Sel? Arche?"

Binitiwan siya ni Arche na tila napaso sa kaniya nang mga oras na iyon. Inilihis nito ang tingin mula kay Liliana—marahil, dahil sa pagkakakita sa kanilang dalawa sa ganoong sitwas'yon.

Moon Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon