Chapter III: The Alpha's Girl

91 3 0
                                    

Nakangiting tinitingnan ni Selena ang kaniyang sarili sa isang malaking salamin nang magsalita ang matalik niyang kaibigan na nasa kaniyang gilid; nakatayo at kanina pa balisang nakamasid sa kaniya.

"Luna, huwag mo na kaya ituloy ang pagpunta ro'n?" nag-aalala nitong sabi.

Minsan pa siyang umikot sa harapan ng salamin upang tingnan ang sarili. "What do you think, Lucine? Mukha na ba akong isang tao?" aniya nang hindi pinapansin ang sinabi nito.

"Mapanganib ang pagbaba sa bundok lalo na at balak mong makisalamuha sa mga tagaroon. Luna, mag-isip-isip ka naman."

Huminga siya nang malalim bago hinarap ito. "Lucine, hindi kita pinapunta rito para pigilan ako. Minsan na nga lang tayo magkita, tututulan mo pa ang mga plano ko?"

"E, paano ba naman, Your Highness? Nang huling hinayaan kita sa gusto mong mangyari, muntikan na tayong mapahamak kay Alpha? What do you want him to think of? Na hindi ako mabuting kaibigan sa iyo dahil hindi kita kinokontra sa mga ginagawa mong magpapahamak sa iyo?" litanya nito.

"Lagi akong nag-iingat, Lucine. At, hindi sana tayo mahuhuli nang nakaraan kung hindi ka lang pabaya."

"I already apologized for that. Iba na 'yon ngayon. Hindi ka lang basta magtatago sa likod ng mga puno. Makikisalamuha ka talaga sa mga tao!"

"Ssshhh. Lucine, lower your voice, please. Baka may makarinig sa iyo na ibang taong lobo," saway niya rito. "Don't worry about me. Kaya ko ang sarili ko. I am not a Luna for nothing."

"Gayumahin mo na lang kaya siya. Tama. Tutulungan kitang makahanap ng gamot para mapaibig siya. Huwag lang 'to, Luna."

Sinamaan niya ito ng tingin. "Cut it out please. Hindi ka nakakatulong, Lucine." Napatitig muli siya sa salamin na nasa kaniyang harapan. "Arche will fall in love with me without the help of any kind of potion. I'm sure of that."

"Do you think so? Luna, ikaw na ang pinakamagandang taong lobong nakita ko pero kahit na gano'n, hindi mo pa rin siya makuha-kuha. Sa tingin mo ba talaga kapag ipinahamak mo ang sarili mo, mamahalin ka niya?"

Ipinaikot niya ang kaniyang mga mata rito. "Kaibigan ba talaga kita, ha? Hindi ba puwedeng suportahan mo na lang ako?"

"Hindi naman sa gano'n. Nag-aalala lang ako sa iyo. Ayaw ko lang na ipahamak mo ang sarili mo nang dahil lang sa isang lalaki."

"Wala ka naman kasing dapat ipag-alala, Lucine, dahil hindi naman talaga ako mapapahamak."

Ibinagsak na lang nito ang sarili sa kaniyang malambot na kamang makikita sa marangya niyang silid nang tila nawalan na ito ng pag-asang kumbinsihin pa siya.

Napabuntong-hininga ito. "Ang tigas talaga ng ulo mo." Bumaling ito sa kaniya. "Basta ipangako mo, hindi ka mapapahamak. Ipangako mo, Luna."

Sumilay ang isang ngiti sa kaniyang mga labi at niyakap ito nang mahigpit. "I promised."

Katulad ng kaniyang plano, bumaba siya ng bundok upang puntahan ang babaeng kinahuhumalingan ng kaniyang Alpha. She wanted to know more about her. She wanted to know what kind of person that girl. Gusto niyang malaman kung ano ang nagustuhan ni Arche dito.

Ano'ng mayroon ito na wala siya? Why couldn't he love her back? Dahil katulad nga ng sinabi ni Lucine, siya na ang pinakamagandang nilalang na maaaring makilala ni Arche kaya bakit walang epekto rito ang kaniyang kariktan?

She disguised herself as a hiker. Sa ganitong ayos, hindi manghihinala ang mga tao kapag bigla na lang siyang nakita. Her plan would go smoothly for sure.

"Uy, pre, ang ganda ... . Parang isang dyosa."

"Oo nga, pre. Parang ngayon lang ako nakakita ng kasing ganda niyan. Baka taga-siyudad."

Moon Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon