Katulad nga ng ipinag-utos ni Janus, dinala siya ng mga alagad ng binata sa sariling silid nito. Napagtanto niya iyon nang sandaling pasadahan niya ng tingin ang kabuuan ng kuwarto; hindi ito ang pinagdalhan sa kaniya kanina. Nagpumiglas siya ngunit walang nagawa ang pagprotesta niya. Ikinulong siya ng mga ito roon nang mag-isa.
Pinaghahampas niya ang pintong nasa kaniyang harapan at nagsisilbing harang sa kaniyang pagtakas. "Open this freakin' door! You can't do this to me! Ano ba?! Naririnig ninyo ba ako? Buksan ninyo 'to!"
Ngunit walang nagawa ang kaniyang pagsigaw at pagwawala sa loob. Tila walang balak ang mga ito na pakawalan siya.
How dare them!
Napahilamos siya ng mukha. Argh!
Inilibot niya ang tingin sa naturang silid. Ito nga talaga ang kuwarto ng pinuno ng mga ito. Bumabalot sa buong silid ang amoy nito.
"Kailangan kong makatakas dito ..." bulong niya sa kawalan.
But, how?
Napatingala si Selena sa orasan. Pinanood niya ang paggalaw ng mga kamay nito. Malapit nang maggabi at sa oras na iyon, nabuo ang plano sa kaniyang isipan.
Nang sumapit ang tamang oras, bumukas ang pinto at iniluwa niyon ang isang pamilyar na pigura. Lihim siyang napatitig sa pinto. He didn't lock it. Good ...
Muli niyang ibinalik ang mga mata sa lalaking dahan-dahang naglakad palapit sa kaniyang direks'yon.
"Did I make you wait, my Luna?"
Matalim ang tingin ang ipinukol niya rito. "Stop calling me yours, Janus."
Umangat ang isang sulok ng mga labi nito. "Pero, iyon ang mangyayari ngayong gabi. You will be mine, Selena ..." Marahan nitong pinaglandas ang mga daliri sa nakalantad niyang braso.
Marahas niyang tinabig ang kamay nito. "Don't touch me," mariing niyang sambit.
"At, sino ang may karapatan sa iyo? Ang kapatid ko?" Ngumisi ito. "You're not his Luna anymore, Selena. At, sisiguraduhin kong hindi ka na babalik pa sa kaniya," bulong nito.
Inilihis niya ang tingin mula rito. Inabot nito ang kaniyang pisngi—dahilan upang mapatingala siya rito.
"You made the right choice to reject him as your mate." Inilihis nito ang kaniyang buhok na tumatakip sa kaniyang leeg. "And, this mark? I'll erase this with mine."
Hinawakan nito ang magkabilang braso niya at inihiga siya sa kamang kaniyang inuupuan. He's on top of her.
Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak nito ngunit sadyang napakalakas nito. "Janus, ano ba?!"
"Stop resisting, Selena. Hindi mo ako kaya," anito sa paos na boses. "You will be mine no matter what ..."
"And, why should I let you? Do you love me?" mapait niyang sabi. "Or you just wanted to get even with Arche?"
Masuyo siya nitong tiningnan. Inabot nito ang kaniyang pisngi. "I love you, Selena."
"Love?" sarkastiko niyang usal. "If you love me, why are you forcing me? Kung totoong mahal mo talaga ako, hindi mo gagawin ang mga bagay na ito. You're not really love me, Janus. Gusto mo lang ang ideya na makuha ang kung ano mang mayroon ang kapatid mo. Do I look like a trophy to you?"
Marahas nitong sinuntok ang bahagi ng kama na nasa bandang kaliwang pisngi niya. Napapikit siya dahil sa puwersa niyon ngunit muli niyang sinalubong ang mga mata nito.
"When I said that I love you, it's real. Hindi ka na sa kaniya ... matagal na, kaya wala na akong dapat kuhanin pa."
Marahan siyang umiling. "Hindi ako naniniwala sa iyo. Hindi ko nararamdaman ang pagmamahal na sinasabi mo—"
BINABASA MO ANG
Moon Against Us
WerewolfDalawang taong lobong nakatadhanang magsama ang mas pipiliing baliin ang utos ng buwan upang palayain ang isa't isa mula sa ugnayang hinihingi ng pagkakataon. Sa pagkaputol ng taling nag-uugnay sa kanila, matatagpuan nila ang tunay na kahulugan ng s...