Sa muling pagdilat ng mga mata ni Selena, bumungad sa kaniya ang isang puting silid. Inilibot niya ang kaniyang mga mata, nakita niyang natutulog sa kaniyang tabi ang isang pamilyar na pigura.
Lucine ...
Sinubukan niyang bumangon. Napahawak siya sa kaniyang ulo nang makaramdam ng kaunting pagkahilo. Sumagi sa kaniyang isipan ang lahat ng mga nangyari nang seremonya ng kanilang pagtanggi sa isa't isa ni Arche. Tila isang panaginip lang ang lahat. She's not a Luna anymore. Malaya na silang dalawa mula sa kanilang tadhana.
Naalimpungatan ang kaniyang kaibigan sa tabi niya. Nasorpresa ito nang makita siyang nakaupo sa kaniyang kama. "Luna, gising ka na," masaya nitong winika.
Ipinulupot nito ang mga bisig sa kaniya. Tipid siyang napangiti. Marahan niyang hinaplos ang likuran nito.
"Sobra akong nag-alala sa iyo, Luna. Akala ko, hindi ka na magigising ..."
Lumayo siya mula rito at mataman niya itong tiningnan. "Ilang araw na ba ako rito?"
"Dalawang araw na. Akala nga namin, matatagalan pa ang pagkakaroon mo ng malay," nag-aalala nitong saad. "Sabi ng mga matatanda, karaniwan lang itong nangyayari pagkatapos ng rejection pero sobra pa rin akong nag-alala para sa iyo."
Inilihis niya ang tingin mula rito. "Don't worry about me. I'm fine now."
"Luna—"
"Stop calling me like that. Lucine, please ..."
Saglit itong natigilan. Bumagsak ang tingin nito. "I'm sorry."
Tipid siyang ngumiti rito. "No, it's fine. Don't apologize for it. Basta, huwag mo na lang akong tawagin muli nang ganyan. Hindi na ako isang Luna."
Inangat nito ang tingin sa kaniya. "Then, 'Your Highness' is fine with you?"
"Lucine, ayos lang kahit sa pangalan ko na lang."
Marahan itong umiling bago ngumiti. "No. 'Your Highness' is my endearment for you then. So, let me call you like that."
Huminga siya nang malalim. "Bahala ka na nga. Kung saan ka sasaya ..." natatawa niyang saad.
"Okay!" Muli, masaya siya nitong niyakap.
Unti-unting napawi ang ngiting nakapaskil sa kaniyang mga labi nang makita ang mga taong lobong iniluwa ng pinto ng silid. Kumawala siya mula sa yakap ng kaibigan habang matamang tiningnan ang hindi inaasahang mga bisita.
"Selena, mabuti naman at gising ka na. Tama lang pala ang pagpunta namin dito," bungad ni Oberon nang masilayan siya.
Lumagpas ang tingin niya mula rito at napadako ang mga mata sa lalaking nasa likuran nito—si Arche. Nagkasalubong ang kanilang mga mata.
"What are you doing here?" malamig niyang tanong sa lalaking nagsusumigaw ng awtoridad.
Mataman lang itong nakatingin sa kaniya. Tila binabasa nito ang kaniyang mga mata.
"Oo nga pala! Selena, may bulaklak si Arche para sa iyo." Inilapag ni Oberon sa katabing mesa ng kaniyang kama ang mga bulaklak na nasa paso.
"OMG. Your Highness, look! Ang gaganda ng mga bulaklak." Sinipat ni Lucine ang dinala ng binata para sa kaniya. "Alpha, marami pong salamat."
Napadako ang tingin niya sa mga bulaklak. Para saan ang mga ito? Awa? Simpatya? Naikuyom niya ang mga kamao sa ibabaw ng kaniyang kumot dahil sa mga naisip.
Nang sandaling iyon, tila nandilim ang kaniyang paningin. Marahas niyang sinagi ang mga bulaklak—dahilan upang lumikha ng ingay ang nabasag nitong paso.
BINABASA MO ANG
Moon Against Us
WerewolfDalawang taong lobong nakatadhanang magsama ang mas pipiliing baliin ang utos ng buwan upang palayain ang isa't isa mula sa ugnayang hinihingi ng pagkakataon. Sa pagkaputol ng taling nag-uugnay sa kanila, matatagpuan nila ang tunay na kahulugan ng s...