Chapter VIII: The Duty

119 5 0
                                    

Selena Aylin Zapanta was no longer the Luna of their pack because of the rejection that was happened a few days ago. She decided to be a Sentinel. They're the one who were responsible of ensuring the security of their pack. And, she never regretted to be one of them. It's her living mission to protect their pack from any penetrators.

Akala niya, magiging madali para sa kaniya ang lahat hanggang sa dumating ang isang pagkakataon na hindi niya inaasahan. Sa gitna ng kanilang pag-eensayo sa katirikan ng araw, natanaw niya ang isang pamilyar na taong lobo na patungo sa kanilang direks'yon. Napaawang ang kaniyang mga labi nang hindi inaasahang makikita niya ito ngayon. Sa bawat nadaraanan nitong Sentinel, yumuyukod ang mga ito sa harapan nito.

What was he doing here?!

Alam niyang hindi maiiwasang magtagpo muli ang mga landas nila lalo na dahil nasa Sentinel siya ngunit hindi niya akalain na ganito kaaga silang maghaharap. Sa pagkakaalam niya, abala ito sa iba nitong mga gawain bilang Alpha. Kaya ano'ng ginagawa nito ngayon? Hindi na dapat ito bumisita pa. Hindi na dapat ...

Mabilis siyang tumalikod at naglakad nang palayo mula sa lugar habang hindi pa siya nito napapansin dahil sa abala nitong pagbati sa ibang taong lobong naroroon.

"Selena!"

Napatigil siya sa paglalakad dahil sa pamilyar na boses na tumawag sa kaniya. It's their commander. Napalunok siya nang sandaling iyon.

No way ... . Don't look, Selena. He must be already there. Don't.

Hindi pa siya handa upang harapin ang binata pagkatapos ng lahat. She's still ...

Iwinaksi niya ang kung ano man na kaniyang iniisip. Nagpatuloy siya sa paghakbang na tila hindi narinig ang pagtawag kanina ng kanilang commander. Mabilis siyang lumiko at tinungo ang isang kalapit na ilog.

Hinalimusan niya ang kaniyang mukha sa malamig na tubig na nanggagaling mula sa yamang tubig na iyon. Huminga siya nang malalim nang gumihit sa kaniyang isipan ang imahe ng isang lalaki—ang kanilang Alpha.

"He shouldn't be here," naiirita niyang utas.

Tumayo na siya upang silipin kung maaari na siyang bumalik doon sa lugar. Alam niyang hindi ito magtatagal. May iba pa itong dapat gawin.

"Sino? Ako ba?"

Napaawang ang kaniyang mga labi nang may marinig na nagsalita sa hindi kalayuan. Nang pumihit siya paharap dito, natigilan siya nang bumungad sa kaniyang harapan ang lalaking kaniyang iniiwasan.

A-Arche ...

Nagkasalubong ang kaniyang mga kilay nang magtagpo ang kanilang mga mata. He's really getting into her nerves.

"Babalik na ako. I don't have time with you," malamig niyang saad.

Akmang lalagpasan na niya ito nang hawakan nito ang kaniyang braso. Napatigil siya sa paghakbang at bumaba ang tingin sa kamay nitong pumipigil sa kaniya.

"Kung gano'n binibigyan kita ng sapat na oras ngayon."

Napatingala siya rito. "What's this? Are you using your power as the Alpha for this stupid stuffs? Then, I'll tell you this ... I don't want to waste my time here," sarkastiko niyang usal. "Excuse me."

Akmang babawiin na niya ang kaniyang braso mula rito nang hindi nito hinayaang makawala siya. Kunot-noong napatitig siya rito.

"Umalis ka sa pagiging Sentinel."

Napamaang siya dahil sa sinabi nito. "What?! Are you out of your mind? Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Hindi ligtas ang pagiging Sentinel, Selena. Mapanganib—"

Moon Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon