Chapter X: The Uninvited Guests

122 6 0
                                    

Naiirita pa rin si Selena sa ginawa ni Arche sa kaniya kanina. He kissed her ... . He marked her neck for Pete's sake! That's so unacceptable! And worst, she couldn't do anything about it. Naiinis siya sa sarili na hinayaan niya ang binatang gawin nito ang nais sa kaniya. Tila nahipnotismo siya nito nang sandaling iyon.

Argh!

Inilugay na lang niya ang mahaba niyang buhok upang matakpan ang ginawa nito sa kaniya. Nakakahiya! Ngunit dahil nakita ng lahat ang ginawa nito sa kaniya, katulad nga ng sinabi ni Arche, wala nang nagtangkang tapunan siya ng tingin. Kung mayroon man, palihim at nag-iingat. Tila takot ang mga ito na hindi niya mawari.

Tahimik na umupong mag-isa ang dalaga sa bakanteng mesang nakatalaga para sa kanila ng kaniyang kasama sa pagtitipon na ito. Tinapunan niya ng tingin ang lalaking pinapangarap ng lahat na makadaupang palad—si Jericho Arche Saavedra. Kausap nito ang mga taong lobong may kakaibang impluwens'ya sa kanilang lahi.

Sa tingin mo ba talaga, Arche, kaya mo ako? Umarko ang kaniyang mga labi nang may naisip nang mga oras na iyon. Well, you couldn't tame me ...

Sa isang bahagi, may napansin si Selena na tila palihim na nakatingin sa kaniyang direks'yon sa gitna ng kopita nito. She knew that kind of stares. Isang mapaglarong ideya ang sumagi sa kaniyang isipan.

She's not here for a display. She needed to have fun. And, that's what she was going to do.

Watch, Arche. I could be happy even if without you.

Eleganteng tumayo siya at naglakad palapit sa direks'yon nito. Sa kaniyang kagandahan sa gabing iyon, makakaya niyang baliin ang leeg ng lahat ng mga lalaking nasa pagtitipon ngunit walang nangahas dahil sa markang inilagay sa kaniya ng binata.

Malagkit ang tinging ipinukol ng lalaking nilapitan niya. "Why are you here? Hindi ka ba hahanapin ng kasama mo? Ang isang napakarikit na paruparong katulad mo ay hindi dapat hinahayaang lumipad nang malaya sa gabing ito." He's uneasy in some way but she knew that he liked her being here.

"He's busy. He won't mind ..." aniya sa mapang-akit na boses. "Oh, by the way, I'm Sele—"

"Selena," pagpapatuloy nito. "You're the beautiful Selena Aylin Zapanta."

Ngumiti siya. "Yeah ..."

"I'm Jeffrey." Inilahad nito ang palad sa kaniyang harapan.

Akmang ibibigay niya ang kamay rito nang may tila hanging pumagitna sa kanilang dalawa.

Nakarinig siya ng pagkabali ng kung ano man.

"Shout and I'll break more bones of you."

Napaawang ang kaniyang mga labi nang makita si Arche sa kaniyang harapan habang unti-unting pinakawalan ang kamay ng lalaking kagat-kagat ang labi nang sandaling iyon. Sa itsura ng kamay ni Jeffrey, tila nabali ang mga buto nito roon ngunit pinipigilan lang nitong mapahiyaw sa sakit dahil sa banta ng Alpha'ng kaharap.

Nag-aalalang napatitig siya roon. "Oh my gosh ..." Hindi pa rin siya makapaniwala sa inasta nito sa kapwa taong-lobo.

Akmang dadaluhan niya ang lalaking kausap kanina nang higitin ni Arche ang kaniyang braso.

"Where do you think you're going?" anito sa nagbabantang tono.

Hindi makapaniwalang napatitig siya rito. "I'll help him. Ano pa nga ba? He's in pain because of you," asik niya rito.

"One more step and I'll kill him."

Napamaang siya rito. "W-What? You're so unreasonable!"

"We're done here, Selena. We're going home."

Moon Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon