Kinukulot ni Selena ang dulo ng kaniyang mahabang buhok nang magsalita ang matalik niyang kaibigan—ang kasalukuyang kaniyang kasama sa napakagandang silid niya. Her room was too spacious for the two of them. Tanging mga mamahaling muwebles lang ang kasama nila sa naturang kuwarto.
"Mabuti naman at dito mo naisipang mag-ayos para sa dadaluhan mong pagtitipon. Ang init-init sa quarters ninyo at ang sikip-sikip pa. Hindi ka makakapag-ayos nang maayos do'n," komento ni Lucine habang sinisipat nito ang gown na susuotin niya para sa engagement party.
"Kulang kasi ako ng gamit doon na pang-ayos. It's a special party so I needed to look extra especial. Pero, iniisip ko rin na ilipat na sa quarters ang iba kong mga gamit dito para naman maisauli ko na itong mans'yon na tinitirhan ko sa mga Saavedra. Nakakahiya na rin kasi lalo na't hindi naman na ako 'yong Luna."
"What? Huwag na, Your Highness. Ipinagkatiwala na sa iyo 'to ng mga magulang ng Alpha nang buhay pa sila. At saka, nag-iisa na lang si Alpha kaya mapapabayaan lang niya 'to kung sakali dahil sa sobrang dami nilang pagmamay-aring mans'yon. Walang gagamit kaya sayang," apila nito. "Sa katunayan niyan, p'wede ka namang manatili rito kung gugustuhin mo. Ewan ko ba kung bakit nakikipagsiksikan ka ro'n."
"Para naman mapadali ang pakikisalamuha ko sa kanila. Mas magkakaroon ako ng mga kaibigan kung malapit ako sa kanilang lahat. Saka, ayos lang naman ako ro'n. Mababait sila at masasayang kasama," nakangiti niyang saad. "Mainit ang naging pagtanggap nila sa akin."
Huminga ito nang malalim bago lumapit sa kaniya. "Mabuti naman at ayos ka lang do'n. Hindi ako mas'yadong mag-aalala sa iyo." Tipid itong ngumiti sa kaniya.
Tumayo siya at lumapit sa damit na susuotin. "You're worrying too much, Lucine. Kayang-kaya ko ang sarili ko. Huwag kang mag-alala," nakangiti niyang usal.
"Are you really sure that you're going to wear that? Hindi 'yan ang ipinadala ng Alpha sa iyo, a."
"Of course, I am. Why?" Binalingan niya ito.
Muli nitong sinulyapan ang damit at napaisip. "Wala naman. That's not your style. It's showing too much of skin."
Ngumisi siya. "For a change."
Ayaw niya rin talagang suotin ang ipinadala ng binata sa kaniya. Ayaw niyang tumanggap ng kahit na ano man mula rito. Ayaw niyang isipin nito na ayos silang dalawa at tila walang nangyari. Gusto niyang ipakita rito na hindi niya ito kailangan at makakaya niyang mabuhay nang hindi nakikipag-ugnayan sa katulad nito.
She went to her dressing room to finally change. When she went out, she's now on her beautiful gown. May mga maliliit na diyamante ito—dahilan upang magningning sa mga nakakikita. It had a long slit showing the side of her beautiful leg. It had also a design that literally showing her cleavage.
"I knew it! Aakitin mo ang Alpha, 'no?" paratang ng kaibigan nang makita siya. "You looked like a goddess. Oh my gosh!"
"No way!" natatawa niyang usal. "It's for me and not for him. For sure at the party, everyone would talk about the rejection. Ayaw kong isipin nila na wala na lang ako ngayon dahil wala na akong koneks'yon kay Arche. I don't want them to look down on me. Ayaw kong kaawaan nila ako."
"They wouldn't think of you like that. They knew how great you are with or without the title."
"We wouldn't know ..." Humakbang siya papunta sa malaking bintana. Tumingin siya mula sa malayo. "Just to be sure."
Nang natanaw niya ang paparating na mamahaling kotse, binalingan niya ang kaibigan.
"It's time."
Nang puntong iyon, tuluyan na nilang napagdesis'yunang lumabas. Ngunit napaawang ang kaniyang mga labi nang ibang taong lobo ang nakita niyang nakasandal sa magarang sasakyan na nasa tapat ng kaniyang mans'yon.
BINABASA MO ANG
Moon Against Us
WerewolfDalawang taong lobong nakatadhanang magsama ang mas pipiliing baliin ang utos ng buwan upang palayain ang isa't isa mula sa ugnayang hinihingi ng pagkakataon. Sa pagkaputol ng taling nag-uugnay sa kanila, matatagpuan nila ang tunay na kahulugan ng s...