Chapter VI: The Rejection

132 6 0
                                    

Nang tuluyan silang makalayo mula sa pinagdalhan sa kaniya ng mga tauhan ni Janus, malalaking hakbang ang ginawa niya upang hindi sila magsabay sa paglalakad ng binata.

Mabigat pa rin ang kaniyang dibdib nang mga oras na iyon. Tila ayaw nang lisanin ng sakit ang kaniyang puso. Habang paulit-ulit niyang iniisip na kahit kailan hindi siya magiging mahalaga para sa binata, mas lalo lang siyang nadudurog.

This was so wrong ...

"Selena."

Hindi niya pinansin ang pagtawag nito. Nagpatuloy lang siya sa kaniyang paglalakad. Ayaw niyang harapin ito dahil baka bigla na lang siyang maiyak sa harapan nito. Ayaw niya iyon. Ayaw niyang makita nito ang kaniyang kaawa-awang kalagayan.

Ngayon, iniisip niya kung paano niya pakikitunguan ang binata pagkatapos ng mga napagtanto niya. Kung may rason pa ba upang ipaglaban niya ang kaniyang pag-ibig para rito. Sobrang hirap na magpanggap na hindi siya naaapektuhan sa mga nangyari. Dahil kahit kailan, hindi siya magagawang mahalin nito kagaya ng pagmamahal niya para sa binata.

"Selena!"

Hindi niya namalayan na naabutan na pala siya nito. Ngayon, hawak nito ang kaniyang braso kaya wala siyang magagawa kundi ang harapin ito.

Napatingala siya rito. Nabanaag niya ang pagtataka sa mukha nito dahil sa kaniyang kakaibang inaasta. Ibinaba niya ang tingin at binawi ang braso mula rito.

"Magpatuloy na tayo. Baka maabutan pa nila tayo rito," malamig niyang sabi.

"What's your problem?"

Kunot-noong napatingala siya rito.

"You're not yourself, Selena. Kanina ko pa napapansin."

Napatitig siya rito. She rolled her eyes. "And, what do you mean by that? I'm just tired, okay?"

Mataman siya nitong tiningnan. "Are you really fine? What did they do to you?"

Mas lalo siyang nairita dahil sa mga tanong nito. Hindi na nito kailangang magpanggap na may pakialam ito sa kaniya dahil ang totoo, wala naman talaga.

"Can you please stop it, Arche?" Mataman niya itong tiningnan. "You're just feeling that there's something wrong with me because we're mates, right? Nararamdaman mo kung ano man ang nararamdaman ko. Pero kung hindi, wala naman sa iyo 'yon. You don't care about me after all. Sa katunayan niyan, hindi mo na ako dapat iniligtas, e. Makagagawa ako ng paraan para makaalis doon nang mag-isa. Dapat nanatili ka na lang sa tabi ni Liliana."

"What?" kunot-noong napatitig ito sa kaniya. "At, ano'ng kinalaman ng pag-uusap na 'to sa kaniya?"

"Dahil siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito ngayon! Siya ang dahilan kaya kahit kailan, hindi mo ako kailanman makikita," nasasaktan niyang sabi. "Ilang beses mo ba siyang pipiliin kaysa sa akin? Ako ang Luna, Arche, hindi siya! Pero, sino'ng pinatahan mo nang umiiyak kaming dalawa? Nasaan ka ba nang napahamak ako? Wala ka sa tabi ko kundi nandoon ka sa kaniya. Siya ang mas pinaniwalaan mo kaysa sa akin! Siya rin ang pinili mong protektahan nang mga oras na 'yon! Siya lang!"

"Selena, she couldn't protect herself—

"Ano? Okay lang na mapahamak ako basta ligtas siya. Basta ligtas ang taong mahal mo," mariin niyang sabi. "Mas'yado ba akong makasarili kung hilingin ko na kahit minsan, ako naman, Arche ... ako naman ang pahalagahan mo. Ako naman ang piliin mo."

Hindi ito nagsalita nang mga oras na iyon. Why? Sobrang hirap ba talaga para rito na gawin iyon?

Mapait siyang ngumiti. "It's imposibble, right? Kasi katulad nga ng sinabi mo, hinding-hindi mo mamahalin ang kagaya ko." Napatitig siya rito. "Bakit, Arche? Ano ba ako? Mahirap ba talaga akong mahalin, ha? Ano pa bang gusto mong gawin ko? I can be someone that you like, just say it!"

Moon Against UsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon