Sugar mommy.
Yan siguro ang tamang description sa akin.
Sa edad ko na 28, nagmistula na akong sugar mommy sa boyfriend kong batugan.
Sa walang taon namin ni Dale, mas madalas na wala siyang pera kesa sa meron. Hindi kasi siya nagtatagal sa mga trabaho niya.
Kesyo, mahirap, hindi mataas ang sahod, nakakapagod o masama ang ugali ng boss. Kaya ayun, bago pa siya maregular sa trabaho, bigla na lang mag a-AWOL.
At dahil nga madalas siyang walang pera, sa tuwing nagde-date kami ay ako ang nagbabayad. Ultimo pang tuition ng kapatid niya, minsan ako ang nagpapaluwal kapag wala pa yung padala ng tatay niyang nasa Saudi.
Ang tanga lang di ba?
Pumayag ako na tratuhin niya ako ng ganun sa loob ng walong taon.
Kasi katwiran ko sa mga kaibigan ko na pinapangaralan ako, mabait naman siya eh. Hindi nambabae. Kaya okay na rin. Kesa mapera, babaero naman.
Hindi naman kasi siya dating ganun. Nakilala ko siya college pa lang kami. Engineering yung course niya samantalang Accountancy naman ang sa akin.
Halos sabay din kaming naghanda para sa exam. Ako nakapasa as Certified Public Accountant. Kaso sa kasamaang palad, hindi pumasa si Dale sa board exam.
Yun siguro yung reason kung bakit nawalan siya ng drive magtrabaho. Nawalan ng gana. Tatlong beses pa siyang umulit pero wala talaga. Hindi siya pumapasa. Hanggang sa tuluyan na siyang sumuko. Ayaw na daw niyang mag exam ulit.
So dahil diyan, ganun nga yung nangyari sa kanya. Naging tamad.
Kung nagtataka kayo kung bakit kami nagtagal ng walong taon, well... nagmahal ako. Este, nagpakatanga ako.
Nasilaw ako sa kabaitan niya. Kasweetan. Na feeling ko, kahit na naging ganun siya, maswerte pa rin ako na ako lang ang babae sa buhay niya.
Kaya nung nagsabi siya na balak niyang mag-OFW na lang sa Finland, sinuportahan ko pa rin siya. Halos ako lahat gumastos ng requirements, ticket hanggang sa placement fee. Kasi pangako niya, ibabalik naman niya agad kapag nakasweldo na siya.
Nung umpisa okay naman. Regular siyang nagpapadala ng pera pambayad sa ginastos ko. At may sobra pa para daw sa savings na gagamitin namin sa kasal bago matapos ang taon.
Nagkasundo din kami na susunod ako sa Finland matapos ang ilang buwan.
Kaso lang, may nangyari na nakapagbaligtad ng mundo ko.
Isinumbong ng kapatid niya na may nabuntis daw itong kasamahan sa trabaho. Ang g*go lang di ba? Ipinagpalit ako sa foreigner wala pang anim na buwan na nasa Finland siya.
So ako eto, luhaan, talunan, wala pang pera.
Sana kung sarili ko lang din yung binubuhay ko. Eh nag-aaral pa ng Nursing yung nag-iisa kong kapatid.
Wala na. Tanggap ko na na nagpakagaga ako sa lalaki. Nagpaloko. Nagpauto.
Kaya naman naisip kong magfocus na lang sa pagpapa aral sa kapatid ko para hindi siya magaya sa ate niyang tanga.
Pero bakit kung kailan sumuko na ko sa love-love na yan, bigla namang susulpot ng walang pasabi itong lalaking to.
Hindi lang basta sumulpot.
Nag iwan pa ng souvenir...
BINABASA MO ANG
Love is just a WORD
RomanceLorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love became meaningless. Bakit pa siya maniniwala sa love kung ang taong minahal niya sa loob mahabang panahon...