Bukas na ang huling araw at matatapos na ang leave ko. Babalik na ako sa trabaho.
At kasabay nito ang pag-alis ni Lucian sa bahay tulad ng napagkasunduan namin.
Aaminin ko, sa dalawang linggo na nanatili siya sa bahay, ay nasanay na ako sa presensya niya. Hindi na nga ako magugulat kung sakaling manibago ako kapag umalis na siya at bumalik sa sarili niyang tirahan.
Nakwento kasi niya sa akin na five years na rin siyang mag-isang nakatira sa condo niya sa Makati. Bihira na rin siyang umuwi ng Quezon para bisitahin ang pamilya niya dahil hindi rin sila okay ng Papa niya.
After nitong makapasa sa board exam ay agad itong nakahanap ng trabaho sa Makati. Hindi rin naman naging mahirap para dito ang makahanap ng trabaho dahil bukod sa board passer ay kasama pa ito sa top notcher. Ilang kumpanya din ang nag-agawan para dito.
Hindi ko nakitaan ng kayabangan si Lucian habang nagkukwento siya sa akin tungkol sa buhay niya.
At kung sakali man na magyabang ito ay wala ring kaso dahil talagang may maipagmamalaki naman ito.
"Lorraine, bukas ang check up mo di ba? Agahan nating umalis. May pupuntahan tayo after ng appointment natin kay Dra. Stacey" sabi ni Lucian habang abala ito sa laptop nito. Mukhang may tinatapos na trabaho.
Ako naman ay nakaupo sa kama ko at nakasandal sa magkapatong na dalawang unan. Nagbabasa ako ng binili niyang pregnancy book. Nirecommend ito ni Belle sa akin kaya naman nagpabili din ako kay Lucian. Kakatapos lang naming maghapunan kaya nandito na kami sa kwarto ko para magpahinga.
"Saan tayo pupunta?"
"You'll just see" tipid na sagot nito at bumalik na sa ginagawa.
"May pasuspense ka pa" bulong ko at hindi na siya pinansin.
Ilang minuto pa kaming tahimik sa kanya-kanyang ginagawa nang makaramdam ako na kailangan kong magbanyo.
Tama nga ang sinabi nilang pala-ihi kapag buntis. Kaya naman lagi din akong may tubig dito sa kwarto para hindi ako madehydrate.
Inuna kong ibinaba sa kama ang dalawa kong binti. Tatayo na sana ako nang sumigid ang kirot sa dalawa kong paa.
Napatili pa ako nang bahagya at muling napaupo sa kama.
"Shit! What happened? Are you hurt?" Dagling lumapit si Lucian sa akin at sinipat ako.
"Y-yung paa ko, namamanhid" halos mapaigik ako sa pagsigid ng kirot sa parehong binti ko.
"Let me check" marahang hinaplos ni Lucian ang binti ko. Akmang pipisilin nang mapaigtad ako.
"Aray masakit! Wag mong galawin" daing ko at iniiwas sa kanya ang binti ko.
"C'mon I'll be gentle. I'll massage it gently para mawala ang sakit"
Hindi na ako nakakilos pa nang magsimula itong masahiin ang magkabila kong binti. Bahagya ang pagpisil nito. Nagsimula sa talampakan ko, mga daliri paakyat sa binti.
"D-dahan-dahan lang... Masakit"
Napapikit pa ako dahil sa sensasyon na nararamdaman ko sa mga paa ko. Masakit na masarap ang ginagawa niya.
Hanggang sa nawala ang sakit, napalitan na ito ng kakaibang ginhawa.
Patuloy sa marahang pagmasahe si Lucian. Salitan niyang nilalamas ang mga binti ko. Paakyat sa tuhod ko. Paakyat pa sa hita ko...
Napadilat ako at agad tinapik ang kamay niya.
"Kung saan-saan umaabot ang kamay mo" pinandilatan ko siya.
BINABASA MO ANG
Love is just a WORD
RomanceLorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love became meaningless. Bakit pa siya maniniwala sa love kung ang taong minahal niya sa loob mahabang panahon...