Chapter 10

1.4K 39 9
                                    

Am I lusting over Lucian?

Ipinilig ko ang ulo ko. This is just pregnancy hormones. Nabasa ko minsan na mataas ang libido ng mga buntis. This has nothing to do with Lucian. Walang kinalaman ang busangot na lalaking kasama ko sa kwarto.

Humiga ako at nagtalukbong.

Kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Nung unang beses na may mangyari sa amin, aminado ako na ako ang nag initiate. Ako ang magsimula. At yun ang dapat kong iwasan ngayon. Dahil kung sakali, wala na akong mukhang maihaharap sa kanya kung magpapadala ako sa kalandian este hormones ko.

Kahit na gaano pa siya kafresh at kabango, kailangan kong pigilan ang sarili ko--

"Aren't you hot?"

Natigilan ako sa loob ng kumot.

P-paano niya nalaman na...

"Hey, are you okay"

I know he's right beside me. Dinig na dinig ko siya kahit na halos pabulong na lang siyang nagsalita.

Hinigpitan ko ang hawak ko sa kumot. Pinigilan ko ang paghinga. Magkukunwari na lang akong tulog.

Nagulat ako ng bigla na lang may humila sa kumot. Medyo napatili pa ako sa gulat.

Tarantang tinakpan ni Lucian ang bibig ko. "Keep quiet. Your sister might hear you"

Nanlalaki ang mga mata na nakatingin kang ako sa kanya. Masyadong malapit ang mga mukha namin.

"I'll remove my hand. Don't shout okay?" Pabulong na usal niya.

Sunod-sunod akong tumango.

He slowly remove his hand from my mouth.

"Okay, so care to explain why you're shouting?" Sabi nito na umupo sa kama ko.

"Nanggugulat ka kase" inirapan ko siya para itago ang pagkataranta ko. Masyado kasi siyang malapit. Hindi ba siya aware sa social distancing?

"Why are you hiding?"

"H-hindi ako nagtatago. Nilalamig lang ako" pagdadahilan ko.

Bahagya itong natawa. "Nilalamig? Basang-basa ka na nga ng pawis"

Napapitlag pa ako nang haplusin niya ang noo ko. Dahan-dahan.

Pababa sa pisngi.

Hanggang sa leeg ko.

Napalunok ako ng laway. Pakiramdam ko ay nanunuyo ang lalamunan ko.

He's he doing it on purpose?

Is he really... seducing me?

Nagulat pa ako nang bigla siyang tumayo at tumalikod sa akin.

"Remind me to buy airconditioner tomorrow. You're room is nice and clean, but I feel like we're inside the oven" anitong nagpaypay pa ng sarili.

So hindi lang pala ako yung nag-iinit este naiinitan?

Umupo ako sa kama at tinanggal ang kumot na nakabalot pa sa paanan ko.

"Hoy Luciano, gagastos ka na naman. Alam kong mapera ka pero hindi tama na gumastos ka ng gumastos lalo na kung hindi naman kailangan" nakapamaywang ko pang sermon sa kanya.

"It's for you and our baby. Mas kumportable kang makakatulog kahit tanghaling tapat kung may aircon sa kwarto mo" umupo siya sa higaan niya at may kinuha sa loob ng itim niyang travel bag.

Medyo napaisip din naman ako na kung ako ay sanay sa electric fan, baka ito ay hindi. Kaya kahit gusto kong magproteesta ay nanahimik na lang ako.

"By the way, I want to give you this" anitong may iniaabot sa aking parang card.

Love is just a WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon