Chapter 18

1.4K 43 4
                                    

Nagising ako nang marinig ang pag alarm ng cellphone ko.

Babangon na sana ako para patayin iyon nang maramdaman na may nakapulupot sa bewang ko.

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ng natutulog na si Lucian. He's sleeping soundly. Nakasubsob ang mukha niya sa leeg ko. Nakatanday sa bewang ko ang braso niya.

Maririnig din ang mahina niyang paghilik.
As in mahina lang parang hilik lang ng baby.

Sa laking tao niya, para siyang batang nakalingkis sa akin.

Hindi ko mapigilang mapangiti nang maalala ang nangyari kagabi.

We became intimate. Too intimate na umabot sa puntong ibinigay ko muli ang sarili ko sa kanya. And just like before, wala akong nararamdamang kahit kaunting pagsisisi.

Wala naman ding dahilan para pagsisihan ko ito. We did it because we both want it. Walang namilit o pinilit.

Napukaw ang pagtitig ko sa kanya nang muling mag alarm ang cellphone ko. Kailangan ko na talagang bumangon dahil maaga kaming aalis ngayon.

Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakadagan ng braso niya sa bewang ko.

"Where are you going?" He said using his bedroom voice.

Sa halip na tanggalin ang braso niya ah lalo pa itong sumiksik sa akin.

"L-lucian, kailangan na nating mag asikaso. Maaga tayong aalis"

"Five more minutes"

Naramdaman ko na lang na pinapapak na niya ang leeg ko.

Agad ko siyang kinurot sa tagiliran. Aga-aga ang harot-harot. "Lucian magtigil ka nga. Ang landi nito"

Iniangat niya ang mukha mula sa leeg ko dahilan para magtama ang mga mata namin. "Ikaw lang naman lalandiin ko"

Alam kong namumula ang buong mukha ko ngayon. Kaya naman para itago ang kilig na nararamdaman ko ay inirapan ko siya at pinalo siya sa dibdib.

"Tumayo na sabi! Maliligo pa ako" muli kong itinulak ang braso niya para makawala sa pagkakalingkis niya.

"Kanina pa nakatayo" natatawang usal nito.

Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto ang kahalayan ng bibig ng lalaking to.

Bago pa ako muling makapagreact sa mga pinagsasabi niya ay umalis na siya sa pagkakapulupot sa akin.

"I'll take a bath downstairs. Magluluto na din ako ng almusal"

Inirapan ko lang siya. "Oo na bilisan mo na. Gigisingin ko muna si Chantal"

"Gusto mo sabay na tayo maligo para mas mabilis?" Nakangisi na namang turan nito.

What's with this man? Bakit nasobrahan ata sa kapilyuhan ngayon?

"Magtigil ka Luciano. Bilis kilos na" tumayo na ako at kinuha ang traveling bag na pinaglalagyan ng damit ko at ipinatong sa kama. Nakatalikod ako sa kanya.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin mula sa likuran.

"Sure ka ba na kaya mo ng pumasok ngayon? Can you just extend your leave?"

"Hindi na ako pwedeng mag extend ng leave. Ubos na yung leave with pay ko. Wala na akong sasahurin"

Napabuntong hininga ito. "Okay. I'm just worried. I just don't want you to get tired"

"Ikaw naman ang pumagod sakin" natatawang usal ko at bahagya siyang siniko sa sikmura.

Iniwan ko siyang natigilan at lumabas ng kwarto para gisingin si Chantal.

Love is just a WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon