Nakaalalay sa bewang ko si Lucian habang papalabas kami ng presinto.
Nasa unahan namin ang Papa niya na seryoso pa rin ang mukha.
Sina Leon, Caiden at Travis ay nakasunod naman sa amin.
Napahinto kami lahat nang biglang huminto ang matanda at humarap sa amin.
"Umuwi na kayo" seryosong usal nito.
Nang tingalain ko si Lucian ay nakita ko ang simpleng pagtango niya.
Habang nakamasid ako sa kanilang dalawa ay hindi ko maiwasang mapaisip.
Paano nalaman ng Papa niya na nasa presinto kami? Sinabi ba ni Leon? O baka naman si Travis o si Caiden?
"Sumabay na kayo sa akin. Baka kung saan pa kayo magsuot" anitong nakatingin kina Caiden at Travis.
Hindi na nagprotesta ang magkapatid. Mukhang malaki rin ang takot sa ama.
Nagpaalam pa ang mga ito sa kanya bago sumakay sa sasakyan.
Tatalikod na rin sana sa amin ang Papa ni Lucian nang magsalita ako.
"E-excuse me po" mahinang usal ko. Kinakabahan man ay nilakasan ko na ang loob ko.
Tumingin ito direkta sa akin na para bang hinihintay kung ano man ang sasabihin ko.
"M-maraming s-salamat po. S-salamat po sa pagpunta ninyo para tulungan po kami"
"Walang anuman. Sige na, umuwi na kayo at magpahinga" usal nito bago tuluyang pumasok ng sasakyan na agad din nitong pinaandar.
Ginagap ko ang kamay ni Lucian at hinawakan ito ng mahigpit.
"Lucian, uwi na tayo?" Bulong ko sa kanya na ikinalingon niya sa akin.
Tumango lang ito at bumaling sa nakatayo pa rin sa gilid na si Leon. Sinabihan niya ito na ihatid muna kami sa coffee shop kung saan iniwan niya ang sasakyan niya.
Habang bumabyahe kami ni Lucian pauwi sa bahay, hindi ko maiwasang mag-alala sa kanya.
He's too quiet. Alam kong maraming tumatakbo sa isip niya.
"Lucian..." Bulong ko habang nakatingin lang sa kanya habang siya ay seryosong nagmamaneho.
"Hmm.."
"Gusto mo bang mag-usap tayo?" Malumanay na tanong ko. Hindi sinasadyang napatingin ako sa kamay niyang nasa manibela. "Y-yung kamay mo..."
Ngayon ko lang napansin na nasugatan pala ang kanang kamao niya dahil sa pagsuntok niya kay Dale. Kaya naman pala halos masira ang mukha nito sa bugbog. Natuyo na lang ang dugo sa kamao nito.
Saglit lang na tiningnan ni Lucian ang kamao nito bago ibinalik uli sa kalsada ang paningin.
Mabuti na lang at malapit na kami sa bahay. Kailangang linisin ko kaagad ang sugat niya para hindi mamaga at maimpeksyon.
Nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng bahay, nagulat ako nang tinanggal lang niya ang suot kong seatbelt.
"Pumasok ka na sa loob at magpahinga" malamig ang boses na usal nito.
Napakunot ang noo ko. Naguguluhan sa inaakto niya
"Lucian anong problema mo? Bakit hindi mo ako kausapin?"
Umiling ito. "Magpahinga ka na muna. Let's talk tomorrow"
Naiinis ako. Naiinis ako sa inaakto niya. Bakit biglang parang ang layo-layo niya sa akin? Okay naman kami kanina. Para bang may problema siyang sinasarili at hindi niya ako hinahayaang tulungan siya.
BINABASA MO ANG
Love is just a WORD
RomanceLorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love became meaningless. Bakit pa siya maniniwala sa love kung ang taong minahal niya sa loob mahabang panahon...