Epilogue

2.3K 62 28
                                    

Nine months ago, nasa punto ako ng buhay na akala ko, wala ng solusyon ang lahat ng problema ko.

Physicall, mentally and financially unstable.

Kung hindi lang dahil sa kapatid kong si Chantal, baka bumigay na ako.

Inilaan ko ang walong taon ko sa maling tao. Nagbuhos ako ng pagmamahal na higit pa sa kaya ko.

At iyan ang isa sa natutunan ko.

Walang masamang magmahal ng sobra. Basta mas mahal mo pa rin ang iyong sarili.

Wala palang masamang magbigay. Tiyakin lang na may matitira pa rin sa iyo para hindi ka maubos.

Masakit ang naging journey ko sa buhay.

Pero kung tatanungin ninyo ako kung worth it ba ang lahat ng hirap at sakit na dinanas ko sa kung ano man ang meron ako ngayon?

Taas noo at buong puso kong sasabihing oo. Sobrang worth it.

Hindi lang ako nabiyayaan ng kambal na anak. Pinagkalooban din ako ng mabait, responsable at mapagmahal na asawa.

Yes. Me and Lucian are now married.

Napagdesisyunan naming magpakasal muna sa huwes. Mas maganda pa rin kasing nagsasama kami ng legal. Piling mga tao lang ang bisita namin. Yung mga taong malalapit sa amin at nasaksihan ang istorya namin. Gusto kasi naming maging intimate lang ang aming pag-iisang dibdib.

Sa susunod na taon na namin paplanuhin ang kasal namin sa simbahan kapag naka adjust na kami sa pagdating ng kambal.

Sa bahay na rin pala nakatira si Lucian. Hindi naman niya ipinilit na tumira kami sa condo niya sa Makati habang pinapatayo pa ang bahay namin sa Alabang. Naisip ko kasi ang kapatid ko. Kung sakaling lilipat ako sa condo ni Lucian, sino na lang ang kasama niya sa bahay?

Sabi ni Lucian, kahit naman lumipat kami sa condo o sa ipinapatayong bahay, Chantal will always be with us dahil kapatid na ang turing niya dito. She is part of our family kaya naman kasama sa plano niya si Chantal.

Di ba? Saan ka makakakita ng ganitong klaseng lalaki sa panahon ngayon?

Another reason kung bakit maswerte ako kay Lucian, he is a good provider. Medyo off man pakinggan, pero kung magpapakatotoo ako, iba ang pakiramdam na alam mong hindi mo kailangang problemahin ang mga pang-araw-araw na gastusin, bills at iba pang mga pangangailangan.

Bilang maaga akong natutong magbanat ng buto at umako ng malaking responsibilidad nang mamatay ang mga magulang namin, masarap sa pakiramdam na may isang taong maaasahan na laging nasa tabi ko.

Sabi nga ni Lucian, money will never be an issue. As long as pareho kaming magsisikap para maibigay namin ang maayos na pamumuhay sa mga anak namin.

Ang sarap lang pakinggan na may matatawag na kaming amin.

Mga anak namin.

Na ilang sandali lang ay makakasama na namin.

Habang nakahiga ako sa hospital bed, kasama si Dra. Stacey at dalawang nurse na kanyang assistant, si Lucian ay nasa tabi ko habang hawak-hawak ang aking kamay. Medyo groggy na ako sa anesthesia na itinurok sa akin dahil via caesarean ako manganganak. Medyo maliit kasi ang sipit-sipitan ko kaya hindi kaya na i-normal delivery.

"Are you okay baby?" Bulong ni Lucian na medyo nanginginig pa ang boses.

Bahagya kang akong tumango. Wala nang lakas para magsalita pa.

"Okay Mr. Vasquez, mukhang g tumalab na ang anesthesia kay Mrs. Vasquez we can now start the surgery. Like what we've doscussed before the procedure, we gave her regional anesthesia which allows her to feel no pain during the surgery while also remaining awake to witness the birth of your twins"

Love is just a WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon