Chapter 15

1.3K 41 1
                                    

Nakatayo kami ngayon ni Lucian sa tapat ng gate ng isang two-storey house.

Maganda at moderno ang yari ng bahay. Hindi na ako magtataka lalo na at Engineer si Lucian. Malamang ay uunahin nitong pagandahin ang sarili nilang bahay.

Napakapit ako sa braso niya unconsciously. Pakiramdam ko ay namamawis ang mga palad ko. Butil-butil din ang pawis sa aking sintido.

"Hey, are you okay? Your hand is cold" tanong sa akin ni Lucian na muling ginagap ang kamay ko. Ang isang kamay naman niya ay idinampi niya sa noo at sintido ko para punasan ang namuong pawis.

"Kinakabahan ako" pag-amin ko.

"I'm sorry for putting you in this situation. I just thought eventually I have to tell them about us... I mean, the twins"

Napatango na lang ako.

I understand his reason. Alam ko naman na kahit palipasin ko ang panahon na harapin ang pamilya niya ay pareho pa rin ang mararamdaman ko. Natural na kakabahan ako.

Ang iniisip ko na lang ay ginagawa ko ito para sa mga anak namin. Baligtarin man natin ang mundo, kadugo nila ang kambal kaya may karapatan silang malaman ang tungkol sa mga ito.

Tanggapin man nila o hindi, hindi na mahalaga sa akin.

Ang importante, kaming mga magulang nila ay tanggap sila ng buong-buo. Na kahit hindi pa sila lumalabas ay sobra na ang pagmamahal namin ni Lucian sa kanila.

"C'mon, let's go inside"

Magkahawak kamay na pumasok na kami ni Lucian sa loob ng kanilang bahay.

Dahil sa kaba ay hindi ko na nagawang pagmasdan pa ang hitsura ng kanilang bahay. Masyadong occupied ang utak ko sa kung anong posibleng magiging reaksyon ng pamilya ni Lucian.

Pagpasok namin sa mataas na front door ay bumungad sa amin ang malawak na sala.

May isang binatilyong nakaupo sa sofa habang naggigitara.

Halatang nagulat ito nang makita kami.

"Ma, nandito na sina Kuya!" Sigaw nito na tumayo na sa pagkakaupo at ibinaba ang gitara.

Humahangos na lumabas ang isang ginang na hula ko ay kusina nila.

Isang may edad na ginang na may maiksing buhok ang lumapit sa amin. Sa kabila ng edad nito ay mababakas pa rin ang kagandahan nito. Lalo sigurong nagpatingkad sa aura nito ang magandang ngiti nito at ang magkabilang dimples sa mga pisngi nito.

"Mabuti naman at dumating na kayo. kakatapos ko lang din magluto" anitong ipinupunas ang kamay sa suot nitong apron.

Magiliw na bumaling sa akin ang ginang.

"Ma, si Lorraine. Lorraine, meet my mom" ani Lucian.

"Napakaganda mo naman hija. Mabuti at nakasama ka dito kay Lucian" Anitong hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi. Manaka-naka din itong tumitingin sa tiyan ko ngunit wala namang binabanggit.

"Salamat po sa pag imbita. Pasensya na po at wala man lang akong dalang kahit ano. Hindi naman po kasi sinabi agad ni Lucian na dito po pala kami pupunta" medyo nahihiyang usal ko.

Ni cake ay hindi man lang ako nakapagdala. O kahit mga prutas man lang.

"Naku hindi naman kailangan pa. Napakarami ko nang nailuto. Aba'y Lucian asistihin mo muna si Lorraine at ako'y maghahain na. Tiyak na ginutom na kayo sa byahe"

Matapos niyon ay bumalik sa kusina ang ginang.

Naiwan kami ni Lucian sa sala. Ang kaninang binatilyo ay wala na rin sa kinauupuan niyo kanina.

Love is just a WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon