We arrived at St. Lukes. Alam kong medyo may kamahalan dito. Hindi pa naman ako nagdala masyado ng pera. Just enough for a few vitamins.
"Dito ba talaga tayo?" Tanong ko sa kanya habang inaalis ang seatbelt.
"Yeah. My friend is a resident doctor here. I asked for a referral to the best OB" Sabi nito na nauna nang bumaba sa sasakyan.
Dala lang ang shoulder bag ay bumaba na din ako ng sasakyan.
Dito pa lang sa parking ay grabe na ang kabog ng dibdib ko. Siguro dahil magkakaron na ng kumpirmasyon mula sa doctor ang kalagayan ko.
Iniisip ko din kung healthy ba si baby sa tiyan ko. Lalo na nitong mga nakaraang araw, sobrang stress ko sa trabaho at mga bayarin.
"Let's go" inalalayan siya ako sa siko habang naglalakad kami.
Nang makarating kami sa loob, itinuro kami sa 3rd floor kung saan naroon ang Obstetrics and Gynecology Dept. Sa halip na maghagdan ay iginiya ako ni Lucian sa elevator.
Paglabas namin ng elevator, bumungad sa amin ang nurse's station.
"Do you have your appointement po?" Magalang na tanong ng isang nurse na nakaupo at nakaharap sa computer.
"Yes. We have 9 am appointment with Dra. Stacey Adlan" sagot ni Lucian dito.
"Okay pwede na po kayong pumasok sa loob. Nandun na po si Dra. Stacey"
Tumango lang si Lucian bago ako inalalayan papasok sa doctor's office.
Isang magandang babaemg doctor ang bumungad sa amin. Nakaharap ito sa computer at tila may ginagawa.
"Hi, come in" nakangiting usal nito matapos kaming bumati dito. "What can I do for you?"
Magkaharap kaming umupo ni Lucian sa receiving chair na nasa tapat ng lamesa ng doctor.
"We just want a confirmatory test and to know the status of her pregnancy. She took five pregnancy test and all of it turned positive " si Lucian ang sumagot dito.
Nakangiti namang tumango ang doctor. "Oh I see. We can now do the ultrasound"
Inassist kami ng isa sa mga nurse at dinala sa isang kwarto kung saan isasagawa ang ultrasound. Pero bago iyon, kinuha muna ang aking timbang.
Tahimik na nakasunod lang si Lucian.
Pinahiga ako sa isang examination bed.
"Ma'am kindly unzip na lang po yung pants ninyo para hindi po makasagabal sa pag ultrasound. Tatakpan na lang po natin ng cloth para hindi po kayo mailang"
Dagli kong sinunod ang sinabi ng nurse.
"Should I go out?" Usal ni Lucian.
Napatingin naman ako dito na nakatayo sa gilid.
"Okay kang naman na nandito ang daddy para ma-meet din si baby. Posible na rin kasi nating marinig yung heartbeat niya" nakangiting sabi ng nurse.
Tumango lang si Lucian. Ako naman ay medyo natigilan nang i-address itong daddy. Napukaw lang ang atensyon ko kay Lucian nang lumapit na sa akin si Dra. Stacey.
"Ms. Arellano, I will apply this water-based gel on your abdomen and pelvic area. Don't worry it won't leave a mark on your clothes or your skin. The gel can helps the soundwaves travel properly. It's a little bit cold but tolerable"
Medyo napapitlag pa ako nang ilagay na ang gel sa abdomen ko. Tama nga ang sinabi ng doctor. Malamig nga sa pakiramdam ang gel.
"Alright Ms. Arellano, were going to move around this transducer around your belly to get a clearer view"
BINABASA MO ANG
Love is just a WORD
RomanceLorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love became meaningless. Bakit pa siya maniniwala sa love kung ang taong minahal niya sa loob mahabang panahon...