"Ikaw ang pinipili ko"
He was just staring at me. Para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko.
I can't blame him.
I even rejected his proposal before. At yun ay dahil sa masyado lang mabilis ang lahat. Takot akong sumugal.
Una ay hindi pa ako nakakamove-on kay Dale. Pangalawa naman ay ayokong magpadalos-dalos ng desisyon dahil lamang sa nabuntis ako. Isang malaking sugal ang pagpapakasal.
But now...
All I can see is myself being with him for the rest of my life.
Together with our babies.
At sa nakikita kong reaksyon sa mukha niya ngayon, hindi ko maiwasang umasa.
Hindi ko maiwasang isipin na baka...
Baka pareho kami ng nararamdaman. Na baka hindi lang dahil sa mga anak namin kaya niya gustong piliin ko siya.
"L-lucian..."
Mukhang natauhan siya nang magsalita ako.
Hinigit niya ako at biglang sinalubong ng mapusok na halik.
I just closed my eyes and kissed him back.
It's like through this kisses, we are confessing each others feelings.
He put his hand on the back of my head and kissed me deeper.
"Lorraine" he whispered my name between the kisses.
"Hmmm"
"I love you"
Tila nabingi ako sa lakas ng kabog mg dibdib ko.
Lumayo ako sa kanya ng kaunti at tinginan siya sa mga mata. Gusto kong makasiguro na hindi ako nagkamali ng dinig sa sinabi niya.
Dahan-dahan akong umupo. Hindi inaalis ang tingin sa kanya.
"A-anong sabi mo?" Nauutal na usal ko.
Umupo din si Lucian at hinawakan ang mga kamay ko.
"I love you. I love you so much, Lorraine"
Doon na bumuhos ang emosyon ko.
I cried so hard. I literally sobbed.
Mukhang naalarma ito sa paghagulgol ko.
"Hey, why are you crying?"
"T-totoo ba yung sinabi mo? T-totoo ba na m-mahal mo ako?"
"You don't even have a clue how much I love you" he pulled me lightly and kissed my forehead.
"P-pero.. p-paano? Kailan? A-akala ko dahil lang sa kambal kaya mo ginagawa ang lahat ng ito. Yung kabaitan mo, pag-aalaga sa akin, sa amin ng mga anak mo, akala ko hanggang doon lang yun eh"
"Hindi ko rin alam kung paano at kailan nagsimula na makaramdam ako ng kakaiba kapag kasama kita, isa lang ang sigurado ako, mahal kita. Hindi lang dahil sa dinadala mo yung mga anak ko. Mga anak natin. Mahal kita kasi ikaw si Lorraine"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dinamba ko siya ng yakap. Dahil sa hindi niya inaasahan ang pagsugod ko ng yakap sa kanya ay na-off balance siya at napahiga. Ako naman ay nakapatong sa kanya. Nakakapit sa batok nito.
"Hey careful" he groaned.
"Mahal din kita Lucian" bulong ko na nakasudsob ang mukha sa dibdib nito. Nahihiya akong tingnan siya dahil baka makita niya ang pamumula ng mukha ko.
"Look at me"
Umiling-iling ako. "Ayaw"
"You're unfair. I want to look at you're face while you're confessing your undying love to me" anitong may halong panunukso ang tono.
BINABASA MO ANG
Love is just a WORD
RomansaLorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love became meaningless. Bakit pa siya maniniwala sa love kung ang taong minahal niya sa loob mahabang panahon...