Chapter 11

1.3K 32 2
                                    

Tahimik lang kaming bumabyahe pabalik ng bahay.

Ilang minuto lang kaming nag stay sa convenient store nang mag-aya na din akong umuwi.

I was just looking outside the window. Still in shock sa mga nangyari kanina.

Lucian proposed to me.

He asked me to marry him.

This is the second time that he opened about that topic. Of him marrying me.

And again, I refused.

Alam kong ginagawa niya ito para sa kambal.

At gustuhin ko man na bigyan ng kumpletong pamilya ang mga anak namin, hindi pa rin maalis sa akin ang katotohanan na estranghero lang kami sa isa't isa.

I know he's been a responsible father eversince nalaman niya ang existense ng kambal. At thankful ako sa kanya para doon. Pero... hindi ko nakikitang solusyon ang pagpapakasal.

Hindi pa sa ngayon.

Dahil hanggang ngayon, alam kong hindi pa ako handang magpapasok muli ng lalaki sa buhay ko. Not when everything happened between me and Dale is still fresh. Hanggang ngayon masakit pa din. Hanggang ngayon may trauma pa din.

Kaya sa ngayon, gusto ko munang magfocus sa mga anak ko. Ang siguraduhing maalagan ko sila habang nasa sinapupunan ko sila hanggang sa mailuwal ko sila ng ligtas. Si Uno at Dos muna ang priority ko.

Hanggang sa makarating kami sa bahay ay tahimik lang kami pareho. Si Lucian ay seryoso lang ang mukha. Nakaalalay pa rin naman siya sa akin hanggang sa makapasok kami sa kwarto.

Dumiretso ako sa banyo.

Naghilamos lang ako at nagtoothbrush. Paglabas ko ng banyo ay nakita ko si Lucian na nakahiga na sa kanyang higaan. Nakatalikod sa akin.

Napabuntong hininga ako.

This is for the best. Bulong ko sa sarili ko.

Mabigat ang loob na ipinikit ko ang mga mata ko at pinilit na makatulog.

----------
Paggising ko kinabukasan ay wala na si Lucian sa higaan nito.

Naabutan ko si Chantal na mag-isang kumakain sa kusina. Nakapantulog pa.

"Asan ang Kuya Lucian mo?" Tanong ko sa kanya.

"Maagang umalis ate. May pupuntahan lang daw siya. Hindi ba nagsabi sayo?"

Umiling ako. "Kakagising ko lang"

"Ang aga nga nakasimangot eh. Ganun siguro talaga si Kuya no? Laging parang galit" humagikgik pa ito.

Hindi ko na siya sinagot. Nagtimpla na lang ako ng gatas.

Mabuti at walang pasok si Chantal. Nagtulong kami sa mga labahin. Hindi naman ganun kahirap dahil may washing machine naman at dryer. Naglinis na din kami ng bahay.

Hindi na ako masyadong pinakilos ni Chantal. Pinaakyat niya ako ng kwarto at maalikabok daw. Dahil naiinip ako na walang ginagawa, napagpasyahan kong ayusin na lang ang cabinet ko. Inayos ko sa pagkakatupi ang mga damit kong nagulo sa pinaglalagyan ng mga ito.

Bandang tanghali nang tinawag ako ni Chantal para mananghalian. Nagluto siya ng tinolang manok.

Nang makakain kami ay nagprisinta na kaong maghugas ng kinainan dahil si Chantal naman ang kumilos buong umaga.

Habang abala sa pagsasabon ng mga pinggan, hindi ko maiwasang mag-isip.

Galit ba si Lucian sa akin dahil sa pagtanggi ko sa kanya?

Love is just a WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon