Chapter 1

1.7K 46 10
                                    

Positive.

I'm pregnant.

Halos panawan ako ng ulirat nang makita ko ang resulta sa hawak kong pregnancy test kit.

Nanghihinang napaupo ako sa toilet bowl. Takip-takip ang bibig.

Buntis ako.

Nag uunahang pumatak ang luha sa aking mga mata.

Kung hindi ba naman ako tinamaan ng walang hanggang katangahan.

Akala ko pinakamalala na yung pagpapaloko ko sa batugan kong ex.

Pero.. ano na naman to Lorraine?

Pangangatawanan mo na ba talaga ang pagiging tanga?

Bakit sa walang taon namin ni Dale na magjowa, may nangyayari din naman sa amin pero hindi naman ako nabuntis, pero bakit sa kanya, isang beses lang... isang beses lang pero nakabuo agad?

Sharpshooter?

Agad kong pinunasan ang luha ko. Walang mangyayari sa pag iyak ko. Ang kailangan ko ngayon ay mag isip.

For once, gamitin mo naman ang utak mo Lorraine! Wag puro emosyon.

Ipinusod ko ang buhok ko sa isang messy bun. Naghilamos ako at tumitig sa salamin.

"Kaya mo yan" bulong ko sa sarili ko bago ako lumabas ng banyo.

Kung tatanungin ninyo ako kung paano o sino ang nakabuntis sa akin, isa lang ang maisasagot ko.

Nagsimula ang lahat nang mag-abay kaming magkapatid sa kasal ng kaibigan kong si Ysabella. Sa Quezon province ginanap ang kasal kaya kasama ang kaibigan at ka-officemate ko ding si Quincy, bumyahe kami gamit ang sasakyan ng boyfriend niyang si Marco.

Isang araw bago ang kasal ay nandun na kami sa venue ng reception kung saan may inupahang mga kwarto para sa mga abay na galing pa sa malalayong lugar.

Doon na kami nagpalipas ng gabi maging ang pag aayos namin para sa kasal ay dun na rin namin ginawa.

Rustic orange na may pagkabrown ang gown na isusuot namin.

Two months ago pa nung pasukatan kami ni Ysabella. Mabuti na lamang at nagkasya pa sa akin ang gown. Yung kay Chantal kasi ay lumuwang ng kaunti. Nabawasan na naman siya ng timbang. Lagi kasing puyat kakaaral.

Third year college na kasi. Kaya isang taon na lang ay may nurse na akong kapatid. Sure naman kasi akong papasa siya sa exam dahil likas naman itong matalino at masipag mag aral. Yun nga lang, minsan nasosobrahan sa pagkapilya.

Tulad na lang ngayon. Kakatapos lang namin ayusan ng kinuha nilang dalawang make up artist.

Si Chantal ay kinukulit ang baklang nagkukulot ng buhok nito.

"Sino mas maganda sa amin ng ate ko? Di ba ako?" Pinapungay pa nito ang mata at kinindatan ang bakla.

"Naku ate gurl, pareho naman kayong maganda ng sisteret mo. Kaya wag na akong kindatan at kinikilabutan amg katawang lupa ko"

Tumawa ng malakas si Chantal kaya naman pinagtinginan siya ng ibang bisitang inaayusan.

Pinandilatan ko ng mata si Chantal. Hindi na naman talaga ito titigil hanggat hindi ko nakukurot.

"Ate, labas muna ako. Nakakainip na dito sa loob. Dun ko na lang kayo hintayin" paalam ni Chantal na hindi na hinintay ang sagot ko at lumabas na sa kwarto kung saan kami inaayusan.

"Naku friend, yang kapatid mong si Chantal bantay-bantayan mo yan. Habang lumalaki, lalong gumaganda. Mas nakuha niya ang dugo ng tatay ninyong Argentinian. Napakamestisa. Ang liit ng mukha at petite na petite ang katawan. Kahit ang lakas kumain parang hindi tumataba" sabi ni Quincy na kasalukuyang inaayusan ng bakla na binibiro kanina ni Chantal. "For sure marami yang manliligaw"

Love is just a WORDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon