"Why are you crying?"
Hinawi ko ang kamay niya at pinilit na umupo.
Agad naman siyang umalalay sa akin pero muli kong tinabig ang kamay niya.
"Nakakainis ka alam mo ba yun? Bakit hindi ka man lang nagsasabi kung saan ka pupunta? Ipapaalala ko lang sayo, may mga kasama ka sa bahay na nag-aalala na baka may masamang nangyari sayo. Hindi ka man lang nagsabi. Atsaka, bakit kay Chantal ka tumatawag? Bakit sa kanya ka nag-a-update? Sa akin ni isang text wala. Ano, galit ka sakin dahil tinanggihan ko yung alok mong kasal? Hindi ba pwedeng mag-isip muna ako? Hindi ba pwedeng bigyan mo muna ako ng oras para kilalanin ka? Ha? Sumagot ka!" Hindi ko alam na tumutulo na pala ang luha ko habang naglilitanya sa kanya.
Inabot nito ang pisngi ko at pinahid ang luhang naglandas dito.
"I'm sorry" he whispered. "Sorry kung nag-alala ka. I was just... driving around. I'm sorry if I didn't text or call you. I just went out to think. Narealize ko na napaka inconsidedate ko para ipilit ang gusto ko. I'm sorry if I was being pushy. I'm sorry Lorraine"
Kita ko ang sinseridad sa mga mata niya. Maging sa boses niya. Kung paano siya magsalita.
"Nagalit ka ba sakin?" Tanong ko sa kanya. Maghapong bumagabag sa akin ang bagay na yun.
"Of course not. I don't have the right to get mad. After driving around the whole day, I realized that I was being a jerk"
Sa halip na magsalita ay hinampas ko siya sa dibdib. Para yan sa buong araw na pag-iisip at pag-aalala sa kanya.
"Nakakabwisit ka talaga" sabi ko sa kanya bago niya mahuli ang kamay kong ipinanghampas sa kanya.
"Namiss mo ba ako?" Anitong may halong kapilyuhan ang boses.
"Hindi. Bakit naman kita mamimiss?"
Ngumiti lang ito. "How was our babies?"
"I think okay naman sila. Hindi naman nila ako pinahirapan ngayon"
"Good" medyo napapitlag pa ako nang ilagay niya ang kanang kamay sa ibabaw ng tiyan ko. "Uno, Dos, wag ninyong pahirapan si Mommy ha. Be good" anitong hinaplos-haplos pa ang tiyan ko.
I just looked at him smiling. Medyo gumaan na yung loob ko dahil nandito na siya.
Alam ko, hindi man ngayon...
Pero hindi malabong... mahulog ako sa kanya.
____________
After that incident, wala namang masyadong nagbago. Nakatira pa rin sa amin si Lucian. Still maasikaso pa din sa akin at sa pagbubuntis ko.
Mas naging malapit lang kami in terms of having good conversation before we sleep. Dahil nga wala naman akong magawa masyado sa bahay, madalas ay siya ang inaabala ko. Halimbawa na lang, nakahiligan kong manuod ng mga crime documentary sa netflix, pero ayaw ko namang manuod mag isa. Kaya siya ang inaaya ko dahil lagi namang wala si Chantal.
Noong una nga ay medyo hesistant pa siya dahil baka daw maging bayolente ang mga anak namin kakapanuod ko ng mga patayan. Sinabi ko na lang na hindi pa naman nila yan naiintindihan kaya okay lang.
Pero kung sa tingin ninyo ay wala na kaming pinag-aawayan, naku nahkakamali kayo. Hindi pa rin kasi siya nagbabago sa pagiging gastador niya.
Halos lumuwa ang mga mata namin ni Chantal na after one week niya na nasa bahay ay may dadating na tatlong unit ng airconditioner at tatlong air purifier!
Siguro ay alam niyang magrereklamo ako kaya inunahan na niya ako ng paliwanag.
Napansin daw niya na nahihirapan akong makatulog lalo na kapag siesta dahil sa alinsangan ng panahon. At dahil doon, bubuksan ko ang mga bintana na dinadaanan naman ng mga alikabok. Makakasama daw ito sa akin at sa mga anak namin.
BINABASA MO ANG
Love is just a WORD
RomanceLorraine Arellano. Ang babaeng naglaan ng walong taon sa maling tao. Nagmahal, nagpakatanga, nasaktan. Sobrang nasaktan. The definition of love became meaningless. Bakit pa siya maniniwala sa love kung ang taong minahal niya sa loob mahabang panahon...