The Royal Villainess
by axisixas∞༺♛༻✧
Nahilo ako sa biglaang pagbangon. Napakapit ako sa kama dahil para akong tutumba sa pagmamadali. Natatae na ako! Taeng-tae na ako. Jusmiyo.
Five rushed steps was all it took for me to realize the floors were made out of marbles and I couldn't see my bathroom in the corner of my room where it was built.
Gagi! Anong nangyare? Nasaan ang banyo ko?
Wala pa ako sa hulog. Kagigising ko lang. Parang bumalik rin ang tae ko sa tiyan ko dahil unti-unting lumilinaw sa akin ang paligid.
Napahawak ako sa ulo ko. Bakit bumigat ang ulo ko?! Kakapagupit ko lang ng pixie kahapon ha? Mahaba ulit ang buhok ko? Kulay brown?
Gagi. Parang wala ako sa sarili. Hindi naman ako lasing ha? Hindi naman ako katulad ni Jeremy Sinco Beaton na puro gimik ang alam.
Pero hindi nanaig ang tawag ng kalikasan at binuksan ko ang lahat ng pinto para mahanap ang cr.
Hindi ko alam kung nasaan ako pero ang utak ko ay iniisip na kung baka gumamit na lang ako ng plastic kapag hindi ko nahanap ang nyemas na banyong 'yan!
"Sa'n niyo nilipat ang banyo?!" sigaw ko sa gigil.
The first door I opened made me lose my mind. Beyond those doors were dozens of heavy ball dresses in varied colors, shoes, and accessories I never knew I would even see exist in life.
I didn't waste time and ran to see what's the next door was. And it lead to a balcony. I almost froze my fingers from the bites of the cold. Agad kong sinara ito.
Hala! Ano 'yon snow? Bakit may snow sa Pinas? Hindi kaya may nilagay ang hayop na Jeremy sa juice ko habang nag-aaral ako?
Kung siya ang dahilan kung bakit ako nababaliw ngayon, bakit pa ba ginawa ni Lord ang existence ang mga kapatid natin? Bakit?
Halos mapasigaw ako sa saya ng pagbukas ko sa sumunod na pinto ay parang nangniningning ang banyo sa mata ko dahil sa saya. Napapalakpak pa nga ako.
Tears of joy talaga nang mailabas ko ang lahat ng sama ng loob ko kahapon sa maliit na bowl na 'to.
Grabe nasaan ba ako? Bakit ultimo cr napakagrandiose? Ang bango ng cr hindi amoy albatross eh. Grabe rin yung walls at disenyo ng cr. Parang madam ang may ari.
Matapos kung pumururut. Ay naghugas na ako ng kamay.
Masaya pa ako niyan ha kasi nailabas ko na lahat ng alalala ng kahapon. Nawala ang ngiti ko. Mukha ko 'to. Pero para akong nagparetoke dahil sa grabe ang enhance ng mukha ko at katawan ko.
Never akong nagsuot ng ganitong damit dahil nga lumaki ako na puro lalaki ang kapatid. Manipis na puting damit na pantulog. Ni hindi ko nga alam ang tawag dito so paanong eto ang suot ko ngayon?
Nasaan ba ako ngayon?
Medyo nagkalaman din ako kumpara sa sobrang payat kong pigura dahil sa kakaaral at dahil... Oo nga pala. Naphinto ako. Dahil kakamatay lang nga pala ni Jeremy tatlong araw makalipas.
Patay na nga pala yung kapatid ko. Napatingin ako sa kamay ko. Oo nga pala. Napasinghal ako.
Doon ako napaiyak.
Sa realization. Sa takot. I was confused. Ano bang nangyayari sa akin ngayon? Hindi ko maintindihan.
Huli kong alaala ay nasa burol kami ni Jeremy, pangalawa sa apat naming magkakapatid.
He was my closest brother all because we're exactly 10 months apart.
Sana pala pinahiram ko na siya ng pentelpen kahit na dodrawingan niya lang sa mukha si Maxel, yung panganay samin. Sana pala binigyan ko siya ng ferrero nung nanghihingi siya sa akin. Sana pala pinagluto ko siya ng ham at hotdog nung inutusan niya ako.
O kaya kinwento ko sa kan'ya yung spoiler dahil bigla na lang siyang umalis ng gabing 'yon at hindi namin siya nakasama mapanood yung last episode ng paborito naming series magkakapatid.
Sana tinawagan ko siya nung time na naaksidente siya para ispoil sa kanya yung ending edi sana nasagip ko siya.
Sana buhay pa yung kapatid ko.
Naghilamos ako. Naramdaman ko ang pagod na nangyari sa buhay ko sa mga nakalipas na araw at tiningnan nang diretso ang sarili sa salamin. Loss and grief evident in the corners of my eyes.
Until I saw a reflection from the mirror behind me.
Napayuko ako nang sinubukan akong barilin ng nakaitim na lalaki. Tumama sa salamin ang bala at nagsisigaw ako.
At doon na nga nagsimula ang kwento para sa karakter na inuukupa ko sa series na 'to. I wasn't sure what to do next.
But the next thing I knew. I had to kill someone so I can proceed to the next scene. If I didn't. I would die.
And I didn't know where I would go if I ever did.
∞༺♛༻✧
Date Written: April 12, 2023
Thank you for picking up this story. Hope you vote to encourage the author for faster updates 😜
If may questions po. Just comment or dm lang. I will always have time to answer you all 🫶
BINABASA MO ANG
The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)
FantasyMy 3 brothers and I suddenly woke up in a different body. My eldest brother in a body of a villain in a series we finished yesterday. My second brother in the body of a playboy and our youngest sibling in a body of the male lead. Like how it was i...