Chapter 13: ticket

85 7 0
                                    

The Royal Villainess
by axisixas

Chapter 13
my ticket to the next step

So ang conclusion ko ay pumunta ako sa pinakamalapit na sementeryo.

"Eto na yung last?"

Napakamot ng ulo sa akin ang Head butler habang natataranta naman ang Head Maid nang may kasalukuyan akong binubungkal na libingan dahil lang sa magkabirthday sila ni Jeremy.

"Yes, Lady Noe."

Hindi ito bangkay ng tao. Props lang 'to. Wala kang ginagawang masama, Daisy. Ibabalik mo rin naman 'di ba?

Pero napahinto ako.

"Wait, paano ko malalaman kung si Jeremy ang bangkay kung buto-buto lang?"

Oo, kapatid niya ako pero hindi ko kilala siya sa buto niya 'no.

Natigil ako sa pag-iisip nang maramdaman ko na gamit ang pala ang kabaong.

"Tulong. Buksan na natin," medyo excited kong utos sa Head Butler kasi hindi ko kaya itaas at buksan.

Medyo may edad pa naman siya pero suprisingly malakas pa rin siya.

"Ay. Mahabaging Diyos!" exclaim ng Head Maid na kanina pa nagrorosaryo.

Nang tingnan ko ang kabaong ay sariwa pa ang patay. Parang kakalibing lang sa kan'ya.

Hindi ito buto-buto na lang. Pero wala na ang mata nito.

Pero hindi ito si Jeremy Sinco Beaton. Kasi babae ito.

Naretain ni Kuya Maxel ang mukha niya kaya ko siya nakilala. Ako din gano'n pa rin ang mukha ko dahil TV Series nga ito.

Napaupo na lang ako sa pagod.

Pero nang biglang bumangon ang bangkay ng babae ay napasigaw ako, "AHHHH!"

Halos kumawala ang puso ko sa loob. Napausog ako sa malayo at napatago sa mahabang palda ng Head Maid.

Hanggang sa tinaas ng bangkay ang kamay at tumuro ito nang diretso.

"The angels guide us here. The angels guide us here."

Dalawang beses na sinabi ng bangkay hanggang sa humiga na lang ito ulit. Sa takot ay dali daling sinara ng Head Butler ang kabaong at mabilis siyang tinulungan ng Head Maid na ilibing ang bangkay na hinukay.

"What was that?"

May tinuturo siya. Alam ba ng creators ng series na 'to na hinahanap ko ang remains ni Jeremy? At tinuturo nila kung nasaan?

Omg! Yun ba 'yon?

Mabilis akong napatayo dahil meron akong napagtanto.

"Iwan niyo na 'yan. Babalik rin sa dating pwesto 'yan."

If there's something I learned from the past few weeks. Merong maliliit na bagay na bumabalik sa dati nilang pwesto kapag ako, isang extra, isang anomaly, ay may nagawang pagbabago dito. Bumabalik ang mga bagay sa dati nilang state as long as maliit na bagay lang 'to.

Unless malaking bagay ang naalter ko. Hindi na 'to bumabalik sa dati.

Sinundan ko na nga ang tinuro nung bangkay. Pagkalabas ko ay nakita ko ang isang mataas na tower at malayo 'yon dito.

"Alam niyo ba kung ano ang tower na 'yon?"

"Tower of Heracleides, Lady Noe."

"Punta tayo doon."

"My lady, hindi po gano'n kadaling pumunta doon."

"Bakit naman?"

Nagkatinginan ang dalawa.

"Wala po tayong permission ng Viridian Princess."

"Alam niyo ba kung paano ko makakausap ang Viridian Princess?"

Umiwas ng tingin ang Head Maid at nanatiling uncomfortable pero professional ang Head Butler.

"She's mourning, Lady Noe. It would be hard to get permission from the Viridian Princess."

May custom nga pala kapag namatayan dito. Tatlong taon kailangang magluksa ng mga naiwang minamahal para daw makatawid sa Meadow ang mga namayapa.

"Is there another way we can go inside without getting permission from her?"

They have questions but they didn't dare ask me one.

"Yes, Lady Noe. But with your situation. It would be hard to do so."

"At bakit naman wala ba kayong tiwala sa'kin, friends?"

Nagkatinginan silang dalawa.

"Hindi sa gano'n, Lady Noe."

"Edi ano?"

"You have to be accompanied by a royal blood. At ang Crown Prince lang po ang naiisip namin. And with your history with His Highness. It has been... unpleasant."

And memories came flooding in my mind as if inuupdate ako ng isang software after ko pindutin ang Install Updates.

This is bad. Especially now that I'm aware of Noe's memories with the Crown Prince. Her fiancé.

Maybe I should still try asking him after all the embarrassing things Noe has done to him? It shouldn't hurt that much knowing it wasn't me who did it but rather a character inside a series.

I should be fine.

I should have thought negatively para hindi ganito yung kalabasan ngayong nasa harapan na ako ng Crown Prince.

Nakatingin lang sa akin ang Crown Prince na parang nagtataka bakit ako nasa harapan niya. Ako rin. Hindi ko na alam ang mga pinaggagawa ko sa buhay.

"Lady Noe, let me just repeat, you want to come with me to the funeral of Viridian Princess's husband, am I correct?"

"Yes, Your Highness."

And then he burst out laughing as if nakakatawa akong nilalang. My goodness. Hiyang-hiya ako habang hinihintay siyang matapos tumawa.

I ended up fake laughing too just so I would feel so bad about how shameless I look.

"What do I get in return?" biglaang sabi niya nang matapos siya tumawa.

"I don't know. Do tell me. Do you want money? I can give you."

Nagpanic ako kaya saka ko lang narealize na sobrang ridiculous ng sinabi ko nang tumawa na naman siya. Mocking me.

Of course. Oo nga pala. He's the Crown Prince. He almost owns everything the King has. That means money wouldn't be something he would want.

What can I offer then if not money?

I literally have nothing.

I own nothing.

Even this body and this character's belong isn't mine.

"Money isn't what I want. Lady Noe. I want something else."

"And what is that, Your Highness?" matapang kong tanong.

Pumayag ka na sisilipin ko lang naman kung si Jeremy ang nasa kabaong o hindi!

"An agreement."

"Of what?"

"That you will leave the palace this instant."

Basic. Dapat kanina niya pa sinabi.

"Deal."

To say he was shocked was understatement. His mouth was left agape and his eyes were round in disbelief.

Did I just agreed to something the original Noe would never do?

Either way I just got my ticket to enter the Viridian Palace.

Now all I have to do is to see if I should listen to whispers or kailangan ko na talagang magpacheck kung nababaliw na ba ako.

+++++

Long time no update.

do Vote and Share 🩵

The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon