The Royal Villainess
by axisixasChapter 3
the ones were meant to burn
𖤍"We certainly did not die right? Before coming here?"
"I did not die, bro." I confirmed. "Did I?" I questioned myself, beginning to feel anxious. What if I died?
"But how was it possible that we got inside?"
"That. I don't know. But I'm sure I never died. Because when it happened to me I was working."
"What if hindi mo lang napansin na namatay ka pala habang nagwowork?. You've always overwooked yourself, kuya. Hindi ka na nga raw umuuwi sa condo mo sabi ni Vin."
Nang maalala ni kuya ang bunso saming magkakapatid nasa Vincent Beaton ay nalungkot siya.
"Puro jin ramen lang siguro pagkain no'n."
"Masyado kasing spoiled." Tango ko.
Hanggang sa naalala ko na naman si Jeremy. Nang medyo magtubig ang mata ko ay napansin siguro ni Kuya Maxel kung anong naalala ko.
"Ah si Jeremy. Sabi ko kasi sa kanya umuwi na eh."
Nahimigan ko ang lungkot sa boses ni Kuya Maxel. Awkward niya akong tinapik sa likod ng dalawang beses nang suminghot ako.
Hindi kami yung magkakapatid na affectionate.
Pero nagkakasundo kami sa maraming bagay. Wala rin saming apat yung may sariling mundo all the time.
Pero syempre kanya-kanya rin kami ng ganap. Si Kuya Maxel ay workaholic.
Si Jeremy ay babaero kasi emotionally unavailable dahil hindi pa rin siya nakakamove on sa ex niyang parang isang dekada na ata ang nakalipas. Kasal na nga ata si girl. Close yung girl sa amin. At boto rin ako sa girl para kay Jeremy dahil yun yung mga time na pinakamasaya ang kuya Jeremy.
Ako ang pangatlo sa magkakapatid. Wala akong masyadong masasabi tungkol sa sarili ko dahil kung ano ako ay yun ay dahil gusto kong makibagay sa mga kapatid ko.
Nasanay ako nung bata ako na idolo ko ang mga kuya ko na ginagaya ko sila.
Aaminin ko medyo nalulungkot ako noon dahil nagkakasundo sila sa laruan. Yung binibigay kasi sa akin ay barbie. Eh hindi naman nakikipaglaro sa'kin ang mga kuya kasi kotsikotsihan at barilan saka video games sila noon.
Hindi ko maiwasan na mainggit din noon kay Vincent dahil syempre mas natuwa ang dalawang kuya nang may kalaro sila.
Although nakikipaglaro naman sa akin ang mga kuya yung lutu-lutuan at minsan barbie. Naalala kong inasar asar sila nung maiingay na bata sa kapitbahay na bading daw sila dahil lang sa naikipaglaro sila sa akin.
Hindi naman masyadong naging kaso iyon pero syempre. Syempre ako nalungkot dahil ganon nga.
Gusto ko rin silang maging close kasi hindi ko naman kaya makipag kaibigan sa ibang bata noon. O sa kapitbahay dahil nagcachinese garter sila eh hindi ako nga ako marunong no'n.
Saka sobrang mahiyain ako na mga kapatid ko lang ang kinakausap ko.
Dahil nga gusto ko ring maging close sa mga kapatid ko gaya nung bunso na bagong dating lang pero mahal na ng lahat ay pinilit kong makibagay.
BINABASA MO ANG
The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)
ФэнтезиMy 3 brothers and I suddenly woke up in a different body. My eldest brother in a body of a villain in a series we finished yesterday. My second brother in the body of a playboy and our youngest sibling in a body of the male lead. Like how it was i...