The Royal Villainess
by axisixasChapter 6
the law of getting inside a completed story
𖤍Ang problema sa dinami ng memorya ni Noe ay wala ni isa akong maalala sa karakter nitong Young Master.
Dahan-dahang inayos ng maid ang benda sa leeg ko dahil may sugat ako dito.
"Mahabang kwento po. Pero may kaibigan kasi ang young master noon. At ikaw daw po iyon. Ang pangako mo raw po ay babalik ka. Pero hindi ka na po bumalik nung araw na 'yon. Pagkatapos no'n ay minaltrato kasi siya ng stepmom niya na pinagkatiwalaan niya ng lubos tungkol sayo. Sinabi ng step mom niya na hindi ka na raw babalik dahil ikaw raw ang fiance ng crown prince. Simula no'n hindi na po siya nakipag-usap sa kahit kanino. Dahil hinihintay niya raw na tuparin mo ang pangako mo."
Totoo ba 'to? Kasi pakiramdam ko hindi. Pakiramdam ko may mali lalo na wala talaga sa memorya ni Noe.
"Ilang taon na since nakipagsocialize siya?"
"Pitong taon po siyang nagkulong sa kwarto."
"Ang ibig sabihin 12 years old kami nung naging magkaibigan? Hindi ko na matandaan kasi pasensya na."
Hindi ko naman talaga tanda dahil hindi ko memorya 'to. Ni hindi nga ako taga rito.
Tapos malalaman kong may naiwan palang pinangakuan ang isa sa extra dito.
"Opo, Lady Noe."
Lumipas ang mga araw.
Si Tieran...
Araw-araw akong dinadalaw ni Tieran pero nanatili siyang parang mamamatay sa kaba kapag kakausapin ko siya.
Hindi na ulit siya nagsalita o umakto katulad nang biglaang niyang ginawa last time.
Nakakapagtaka. Pero mabuti na 'yon kaysa naman lagi niyang sabihin na 'wag ko siyang iwan eh hindi nga ako makaalis dito.
Hindi natitigil sa pagnginig ang kamay niya sa kaba kada magtatanong ako sa kan'ya kaya nanahimik tuloy ako.
Maybe he liked silence. And may pagka people pleaser ako so hindi ko na siya kinausap tuloy.
Sa apat na araw na walang palyang pagbisita niya sa akin para umupo sa silya o sa may balcony ay nasanay ako sa tahimik niyang presensya.
Taliwas talaga sa una at yung biglaang pagshift ng ugali niya.
He wouldn't talk to me but his presence was comforting for some reason.
Dahil hindi ako hinahayaang lumabas ng kwarto, hindi ko tuloy magawang hanapin si Kuya Maxel o kahit si Selda boy.
Ang pinagtataka ko hindi nag-time jump. Naranasan ko ang buong apat na araw.
Siguro habang ako nagpapahinga, sa ibang lugar nangyayari ang mga importanteng plot points ng series.
Day 5 na, nagpapahinga lang ako at walang ginagawa.
Nasanay na akong dumadalaw si Tieran ng mga ganitong oras.
Kaya napakunot ako ng noo nang lumipas na ang isang oras ay wala pa siya.
Afternoon came.
I forgot about him. And I started to walk. Walk away from my room.
The maids did not stop me so I guess I'm free to roam around the palace halls.
Is there a way I can find Kuya Maxel?
Wait. Considered naman akong high status 'di ba? Bakit hindi ko gamitin 'yon?
So bumalik ako sa kwarto. Inutusan ang mga maids.
"May lapis ba kayo? Bakit wala akong lapis man lang sa kwartong 'to? Ni papel, wala?"
"Para saan po, Lady Noe?"
"Gusto kong gumuhit."
"Gumuhit po ng ano?"
Parang nararamdaman ko yung ugat ko sa baba ng mata ko dahil nagtitwitch ito sa mga tanong ni ate girl.
"Gumuhit ng larawan?"
Hinila ko siya palabas ng hallway. Tapos tinuro ko sa kan'ya yung mga litrato nakapinta na mga former royal family na nakadisplay sa labas.
"Gusto kong gumuhit katulad nung mga litrato. Drawing? Bigyan mo ko ng lapis at papel na medyo malaki para kita yung mukha."
"Masusunod po."
Mga ilang minuto lang ay bumalik ang mga maids na may dalang pintor. At ang pintor ay may dalang malaking malinis na canvas na nakaframe na.
Natatawa ako at pinigilang mapasapo ng noo.
Cute ng mga tao dito.
"Salamat," sabi ko sa maid na inutusan. "Pero ako ang guguhit. Kaya pwede ka ng bumalik." Nginitian ko yung pintor.
"Marunong pong gumuhit ang Lady Noe?"
Bakit naman nakathird person ako sa Royal Painter?
"Opo."
So hinayaan nila ako. Umupo na nga ako sa dalang upuan ng Royal Painter at hinarap ang canvas.
Kung mayroon man akong isang bagay na matatawag kong totoo sa akin bukod sa pagmamahal ko sa pamilya ko ay ito yung hilig ko magpinta.
I didn't consider myself creative. I just knew I had a vision and a talent for art.
So tinaas ko na ang kamay at pinwesto sa canvas para gumuhit.
Plano ko nga lang ay isketch ang mukha ni Kuya Maxel at ipahanap siya. Pero bakit naman nakagold frame na ang canvas at kumpleto ang dalang pangpinta ng pintor?
Pero napahinto ako.
Dahil nung sisimulan ko nang iguhit ang mukha ni Kuya Maxel ay blanko ang mukha niya.
Hindi ko maalala ang mukha ni Kuya Maxel.
Sa kalituhan at frustration ay napasabunot ako ng buhok at napahampas sa canvas. Mabilis ang paghinga ko at nahulog ko ang lapis.
Bakit hindi ko maiguhit ang mukha ni Kuya Maxel? Naalala ko siya. Pero bakit gano'n?
Sa pagpapanic ay nasapok ko ang ulo ng ilang beses na tumawag na ng Royal Guards ang mga maids dahil hindi nila ako mapigilang saktan ang sarili.
Tumulo ang luha ko sa frustration at takot. Namuo ito sa loob at para akong sinasakal nito.
Hindi ako makahinga.
Bakit gano'n? Bakit hindi ko maalala ang mukha ng pamilya ko?
Ito ba ang kapalit ng memorya ng karakter na inuukupa ko sa kwentong 'to?
Ang makalimutan ang pagkatao ko?
𖤍
vote
BINABASA MO ANG
The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)
FantasíaMy 3 brothers and I suddenly woke up in a different body. My eldest brother in a body of a villain in a series we finished yesterday. My second brother in the body of a playboy and our youngest sibling in a body of the male lead. Like how it was i...