Chapter 8: hour

79 9 0
                                    

The Royal Villainess
by axisixas

Chapter 8
before the darkest hour
𖤍

Daisy? Why a daisy out of all the flowers planted in the universe?

Paulit-ulit kong sinabi sa utak na baka coincidence lang. Yeah, coincidence lang.

I should stop being all paranoid and jumpy. This wouldn't help me.

Pero kada araw na nandito ako sa loob ng series ay pakiramdam ko nababaliw na ako.

And what did he say?

T-the other... w-wanted to give t-this to you.

The other?

It could happen. It's not entirely impossible.

Ako nga nakapasok sa loob ng series eh? Dalawang tao pa kaya sa isang katawan?

I should stop thinking. Because I'm not ready to face the possibilities.

I'm so tired.

Sakto namang pagkahiga ko sa kama ay siyang nag-time jump.

The hell.

Ni hindi ko naramdaman ang lambot ng kama dahil pagbukas ng mata ko ay nasa labas ako.

In the middle of the road. At sobrang init dahil ang taas ng sikat ng araw and I was wearing ridiculous thick corsetted dress.

Buti nalang walang ruffles baka masakal ko yung nagpasuot sa akin.

"Lady Noe?" tawag sa akin nung maid.

Maid Nena ang name niya. Ngayon lang rumehistro sa utak ko.

Paano ko itatanong kung bakit kami nandito? Hindi ba siya magtataka?

Buti nalang ay ginaya ako ng dalawang attendant pa na kasama.

Hanggang sa pumasok kami sa isang firing range.

I jumped when I heard the sound of a blasting gun. Grabe nakakabingi!

Naalala ko tuloy nang una akong magising sa loob ng series na 'to. Muntikan na akong patayin mung kidnapper.

Bakit nga ba nangyari ulit 'yon?

I remember. Yung future queen ng crown prince ay nagsisumula ng gumawa ng paraan para patayin ako.

Sinakto niya ng magbakasyon si Noe sa Lisbeth Manor. Kung saan talaga nakatira si Noe.

Pero dahil sa responsibilities ni Noe ngayon as Royal Faction Head ay dito muna ako sa palace nakatira. Kaya mas safe.

To be honest, hindi nasabi sa palabas kung anong nangyari sa nameless character na si Noe. Basta alam ko next time pa siya mamatay.

Di ko na maalala yung exact time kasi kapag nanunood naman tayo ng palabas, hindi naman natin masyadong napapansin yung extra 'di ba?

Yung character kasi ni Noe wala namang ambag na malaki sa plot kumbaga.

Parang support lang sa system ng Old Mesela na ang mga Royal Factions ay binigyan ng royal titles at kung babae ang head ay magiging fiance ng next in line para panatilihing payapa at loyal ang factions sa crown.

The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon