The Royal Villainess
by axisixasChapter 2
the ones were meant to leave
𖤍Tinayo niya ako nang mabilis dahil hindi ako nakareact agad nang sumabog ang kabilang selda namin.
Nanginginig ako habang tinatakpan ang tenga sa lakas ng impact. There was a limit on how much I can take things.
Though I wished my life could be different, I never wished for something like this. Sobrang nakaktrauma ng mga pangyayari.
Parang isang araw pa lang ako sa loob ng storya. Giyera na agad. Wala ba ditong patalastas man lang? Gusto ko lang huminga muna saglit.
Ano bang nangyayari? I picked up pace when I regained myself.
Tumatakbo na kami ngayon palabas ng kulungan. Masyadong malaki ang lugar. Puro pasilyo at kulungan.
"Dito!" sabi niya.
Ang mga nagbabantay ay pilit pa ring pinapapasok ang mga nakakulong na parang gusto pa nilang mamatay ang mga ito sa pagsabog at sunog.
Hawak niya ang kamay ko. Hinayaan ko siya dahil hindi ko alam pero may tiwala ako sa kanya.
Ang galing niya makakita sa dilim compare mo naman sa akin na halos bulag sa dilim at nakikita ko lang ang munting ilaw na gawa ng sunog sa malayo kung saan nakalagay ang mga unang selda.
Grabe ang kaba ko dahil naiwasan namin ang tatlong gwardya na pinababalik ang mga bihag sa loob.
Ayoko pang mamatay sheesh.
Nang mapahinto ako sa maingat na pagtakbo namin nang sa helera ng kulungan ay naninigan ko ang mukhang kilalang-kilala ko.
Nakaupo ito sa may tapat ng kulungan niya. Pinipilit pihitin ang pinto habang pabalik-balik ang tingin nito sa kung saan kami nanggaling at sa kung saan unti-unting gumagapang ang apoy papunta dito.
Ang dungis ng mukha niya pero hindi naging dahilan 'yon para hindi ko siya makilala.
Napansin kong tumutubo na ang balbas sa mukha niya na never nangyari dahil laging clean-shaven at malinis ang mukha niya.
Kahit baliktarin ang mundo makikilala at makikilala ko ang kapatid ko. Ang panganay saming magkakapatid dahil role model ko yan si Kuya Maxel at mataas talaga ang tingin ko sa kanya.
Nung bata ako tanda ko gusto kong maging katulad niya dahil idolo ko talaga ang kuya. Kaya nga pati ugali niya namana ko, ginagaya ko. Para siyang magulang sa akin kahit buhay ang mga magulang ko.
"Maxel?"
Nanlaki rin ang mukha nito nang makita ako.
"Daisy?"
Paano? Paanong nandito rin ang kuya?
"Kilala mo ba siya?" tanong ng kasama ko.
Ang kuya ay nanghuhusga ang tingin sa kamay naming magkahawak.
"Oo, kapatid ko siya."
Medyo nanlamig ako. Okay lang ba na sabihin ko sa mga karakter dito na kapatid ko si Maxel? Hindi naman ba masisira ang kung ano mang nangyayari sa loob ng storyang 'to?
Dali-dali nga ako naghanap ng paraan para pakawalan si Maxel.
Sinubukan kong pukpukin ang kadena. Nang inagaw na ito sa akin ng lalaking kasama ko kanina sa selda at naalala kong ni hindi ko man inalam ang pangalan ng lalaking 'to kanina.
Nang makawala si Maxel ay pareho kaming nagkaintindihan na naguguluhan sa mga pangyayari at sitwasyon.
Hindi siya nagtanong at naramdaman ko 'yon pero mas inuna namin ang makahanap ng paraan para makaalis sa lugar na 'to.
Tumakbo kami. Hanggang sa may nakasalubong kaming tatlong gwardiya.
"Sa'n kayo pupunta? Bumalik kayo sa loob!"
Ni hindi nag-isip si selda boy at hinampas niya gamit ang bato yung unang gwardiya. Nanonood lang ako dahil naistress ako sa nangyari lalo na nang nanlaban na rin si Maxel sa isa pang gwardiya.
Ang isang gwardiya ay lumapit sa akin. Atras lang ako nang atras.
"Bumalik ka sa loob!"
Kumuha na nga siya ng patalim at isasaksak na iyon sa akin.
Lord, help? Please? Dasal ko.
Sinagot nga ni Lord ang prayer ko at naramdaman ko ang kadenang nabaklas kanina sa kulungan ni Maxel at malakas at walang pagaalinlangan kong hinampas iyon sa gwardiya. Dumugo ang sentido niya at nawalan ng malay.
Nagpanic ako. Omg. Baka napatay ko?
Nanlata ako nang nasusuka ako sa adrenaline. Para akong maiiyak sa pagpapanic nang kinuha ni Maxel ang braso ko.
"Tara na."
Tumakbo kami papalabas. Umikot kami ng tatlong beses bago namin natagpuan ang labasan.
Nang tumama sa balat ko ang snow at matinding lamig ay para akong mamamatay dala rin ng after effects ng adrenaline rush.
Patuloy sa pagtakbo si Maxel at si selda boy ako naman ay nakuha ko pang lumingon sa pinanggalingan namin.
Tumatakbo rin ang iba pang nakalaya at mga gwardiya na suko na sa trabaho nila.
Natulilig ang tenga ko nang sumabog ito nang isa pang beses at matutumba sana ako sa impact pero binawi ko ito sa pagpatuloy ng pagtakbo.
Grabe ang lamig na pakiramdam ko magpofrost na ang bawat hininga ko. Para akong lalagnatin. Walang snow sa Pinas okay? Hindi ko alam kung gaano kababa ang degrees dahil sanay na sanay ako sa init ng Pinas.
Saka lang tumigil ang dalawa sa pagtakbo nang mammy maanigan silang stables.
"Dito muna tayo."
Nang mapansin ni selda boy ang pangangatog ko nang maiwan kaming dalawa para tingnan ni Maxel ang lugar ay binigay nito ang nakasabit na coat na nakasampay dito sa loob ng stables.
Para akong naginhawaan saglit at kinalma ang katawan ko sa pangangatog sa lamig.
"Salamat," bigkas ko nang nakayanan ko ng magsalita.
Pamilyar na sa akin ang amoy ng kabayo. Bumalik na si Maxel at may dala itong lampara at malaking pantakip ata pero pwede ng maging blanket.
We huddled silently.
Mahirap magsalita dahil sa sobrang lamig pa rin pero mas umokay na ang pakiramdam ko.
Nakatulog na si Selda boy. Hindi ko nga alam kung paano siya nakatulog sa ganitong klima.
"Paano, Maxel? Paano tayo napunta dito?" Nilingon ko saglit si Selda boy. Tulog pa rin naman kaya safe.
"Hindi ko rin alam." Napahagod ang kuya sa mukha. "Sobrang imposible."
Gets ko siya.
"Pagkagising mo ba ay nakakulong ka na?" tanong ko.
"Oo. Dalawang linggo akong nakakulong—"
"Dalawang linggo? Kahapon lang ako nagising."
Sa pagtataka at pagkalito ay napatayo si kuya dahil alam kong pareho kami nang iniisip.
Paanong magkaiba ang oras na nakarating kami dito kung magkakasama pa kami bago ako mapunta sa loob ng storyang 'to?
Anong nangyari sa amin sa totoong mundo?
𖤍
BINABASA MO ANG
The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)
FantasyMy 3 brothers and I suddenly woke up in a different body. My eldest brother in a body of a villain in a series we finished yesterday. My second brother in the body of a playboy and our youngest sibling in a body of the male lead. Like how it was i...