The Royal Villainess
by axisixasChapter 5
these hearts we shatter
𖤍Noe Solasta Lisbeth.
Hindi ako main character sa story na 'to. Ni hindi ako supporting role.
Ako ay isa sa mga extra.
Naalala ko ang huling nangyari. Nasa harap ako ng hari at ng council. At biglang bumuhos sa akin lahat ng alaala ni Noe nang magkamalay ulit.
Pinikit ko muna ang mata ko para pakalmahin ang sarili. Masyadong mabigat ang biglaang pagbalik ng alaala ni Noe ngayong ako na siya.
Pero ngayong nasa akin na ang memorya ni Noe bakit parang pakiramdam ko... Ako siya?
Kinakabahan ako. Sana hindi ko mawala ang sarili ko habang ako si Noe Solasta Lisbeth.
Sana habang ako ang karakter na 'to, hindi mawala si Daisy G. Beaton.
Binulong ko tuloy sa sarili ko paulit-ulit ang tunay kong pagkatao at pangngalan.
Ako si Daisy.
Ako si Daisy.
Ako si Daisy G. Beaton.
Na nakakabatang kapatid ni Maximillian Eliseo G. Beaton at Jeremiah Sinco G. Beaton, at nakakatandang kapatid ni Vincent Apolinario G. Beaton.
Na nag-iisang babaeng anak ni Ronaldo V. Beaton at ni Zaralyn Mae G. Beaton.
Wala mang second name si Daisy G. Beaton. Okay lang 'yon.
At least pareho kami ng tatay ko na isa lang ang pangngalan.
Walang name ang karakter ni Noe sa pagkakatanda ko nang panoorin namin ng mga kapatid ko 'tong series na 'to.
Binalikan ko na nga ang memorya ni Noe.
Isa si Noe sa mga naunang fiance ng crown prince na later on mamatay dahil papatayin ako ng magiging reyna.
Na sa totoong timeline ng Black Juniper ay ang hari na sumakop sa bansa ni Juniper—yung bida ng storya.
Nandito ako ngayon sa Royal Palace.
Isang maid ang nasa gilid ko at dali-daling may tinawag para icheck ako.
After malamang okay na ako ay may pumasok. Isang attendang na may kasamang lalaki.
Young Master kahapon.
Napakunot ang noo ko at tumingin sa dalawang maid na nasa gilid para pag-explainin sila bakit nandito ito.
Ngayong custom na bawal magkita ang unmarried man and woman nang hindi nakadamit ng pormal.
Nakuha naman ng isa ang gusto kong malaman. She stepped forward.
"Lady Noe, The King allowed Young Master Tieran to visit you."
Ni hindi ko na tinanong kung bakit. Hindi ko na rin tinanong kung bakit binali nila ang isang custom at iniwan ako kasama ang lalaking 'to.
Reason? Kung bakit pumayag ang hari? Dahil kinumbinsi ito ng ama nung young master. Ang ama nung Young Master ay Royal Instructor ng hari at isa sa trusted allies nito.
Ang Young Master na tinutukoy niya ay yung Young Master din last time sa royal banquet.
Umupo ako nang maayos.
Tahimik siya.
Ni hindi siya makatingin sa gawi ko.
Pulang-pula ang tenga at nakita kong nanginginig ang kamay niya sa kaba.
BINABASA MO ANG
The Royal Villainess (Transmigrated Series #1)
FantasyMy 3 brothers and I suddenly woke up in a different body. My eldest brother in a body of a villain in a series we finished yesterday. My second brother in the body of a playboy and our youngest sibling in a body of the male lead. Like how it was i...