Chapter 15

34 3 0
                                    

Naging matagumpay ang pagpapanggap namin ni Jake, ang problema nga lang ay hindi namin alam kung paano ito tatapusin. Bukas na ang kaarawan ko, at hindi ko alam kung ano ang mga mangyayari. Para bang may kirot sa puso kong hindi maipaliwanag ng kahit ano mang salita.

"Advance happy birthday!" Bati ni Jake, tinapik-tapik niya ang kanang braso ko bago naupo sa tabi ko. "So, anong plano?" Tanong niya, dahan dahan ko siyang nilingon at tinaasan ng kilay.

"Bakit ako?" Taas kilay kong tanong.

"Ako na no'ng una ah, ikaw naman ngayon." Reklamo niya.

"Tapusin na natin?"

"Mabuti pa nga siguro, para hindi na tayo mamroblema pa sa susunod." Tugon niya, tumango na lang ako.

Tumayo ako't lumakad palayo kay Jake at nagpunta sa dining, eksakto namang naroon sina Mommy at Daddy. Dali dali akong lumapit sa aking ama at humalik.

"Good morning, dad!" Bati ko.

"Good morning, have you seen your fiance?" He asked, tumango naman ako't papekeng ngumiti.

"Good morning, mom!" Bati ko sa aking ina, lumapit ako sa kanya at akmang hahalik nang tumayo s'ya.

"What's wrong?" My father asked, hindi sumagot si Mommy.

Magmula no'ng nalaman nya na may relasyon kami ni Pao ay lumayo na nang tuluyan ang loob niya sa akin, kinakausap niya lang ako kapag kaharap ang mga magulang ni Jake.

Naupo ako't kumain, nang matapos ay agad akong nagpaalam. Halos isang linggo na rin kasi no'ng huli kaming magkita ni Pao kaya nag-settle ako ng date para sa aming dalawa, malapit sa San Juan, ang lugar na madalas naming puntahan.

"Akala ko nakalimutan mo na 'ko." pagbibiro ni Pao.

Nilingon ko s'ya, eksakto namang nagtama ang tingin naming dalawa. Iba ang mukha niya ngayon, hindi na s'ya mukhang maton. Babaeng babae na siyang tingnan.

"Tomorrow is my birthday, h'wag kang mawawala, ah?" Sambit ko, napangiti s'ya.

Hinawakan ni Pao ang baba ko at dahan dahang inilapit ang mukha niya sa akin.

"Sobrang saya kong nakilala kita." sambit niya bago pinasadahan ng halik ang aking labi.

"Sana hindi na matapos 'to." bulong ko. "Dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nawala ka." dagdag ko. Hinawakan ko ang leeg niya at tinitigan ko ang kanyang mga mata, para itong bituing nagniningning sa kalangitan. "Your eyes are giving me a new light for tomorrow." Dagdag ko bago s'ya hinalikan.

"I love you!" She whispered, her voice was so sexy.

"I love you, more than you do!"

Kumawala kami sa yakap ng isa't isa. Muli kong tinitigan ang mga mata niya, may namumuong luha sa mga ito para bang sinasabing "pasensya ka na" ngunit imbes na pansinin 'yon ay ibinaling ko na lang ang aking tingin sa kalangitan. Katulad ng palagian naming ginagawa, pinanonood namin ang paglubog ng araw.

Nang dumilim na ay agad din kaming naghiwalay ni Pao, umuwi s'ya gano'n din ako. Habang na sa biyahe, hindi ko maiwasang hindi isipin ang aking nabasa sa kanyang mga mata. Ano kaya ang ibig sabihin no'n?

Iwinaksi ko ang isiping 'yon.

Pagbaba ko ng kotse, sinalubong agad ako ng aking ina. Nakatayo s'ya sa tapat ng pinto at deretsong nakatitig sa akin, hindi ko alam pero may kakaiba sa asta niya ngayon. Nang makalapit ako sa kanya, tanging gulat at pagtataka na lamang ang naramdaman ko nang ako'y kanyang yakapin, napakahigpit ng yakap ni Mommy.

"Pasensya ka na sa nangyari noon ha? Hindi ko lang talaga natanggap kasi ang hirap, hindi ko naintindihan agad." Bulong niya, kumunot ang noo ko. Hindi ko s'ya maintindihan, kumalas s'ya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong pisngi. "I wanted you to be happy, anak." Sambit niya habang may namumuong luha sa kanyang mga mata.

Whisper of an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon