Chapter 7

46 7 0
                                    

Pauline's Point Of View

I felt guilt when I saw her na dahan dahang bumagsak sa sahig pero wala akong nagawa, hindi ko siya nagawang tulungan dahil ako naman ang nag-umpisa ng gulo. Instead of helping Levi, tinawagan ko si Aurora para tumulong sa kanya.

I saw the concern on Niña's face when she arrived. Ilang minuto lang din ang lumipas ay narito na rin si Aurora, kasunod no'n ay umalis na rin ako agad.

"You got kicked! And it's all your fault!" Halata sa boses ng aking ina ang labis na pagka-dismaya. "Ano bang nagawa kong mali? Bakit ka nagka-ganyan? Hindi ba kita napalaki ng tama?" sunod sunod na tanong ni Mommy, tanging pag-hikbi lamang ang naisagot ko.

Since that day, the principal got kicked me out of school. Sinubukan kong makipag-ayos kay Levi, humingi rin ako ng tawad. At hindi ko nga inasaahang patatawarin niya ako. She was too kind and understandable, napaka-suwerte ng mga magulang niya sa kanya.

"Kung ano man ang nagawa mo sa akin, sana h'wag mo ng gawin pa sa iba."

That's the exact word she told me.

Mula no'ng lumipat ako ng eskuwelahan, naramdaman ko na may kulang sa akin. At kung ano man ang kulang na 'yon ay wala akong balak pang alamin.

"The bully is here." Rinig kong sambit ng babae sa harap ko, sumama ang timpla ng mukha ko nang tapakan niya ang sapatos ko. "Oh! I'm sorry!" Nang-iinsulto nitong sabi, napatakip pa siya sa bibig niya at natawa.

"Bianca, stop that." Pag-babawal sa kanya ng babaeng katabi niya.

"Anong stop?" Galit niyang tanong dito. "Hayaan mong maranasan niya kung paano ang ma-bully." Umirap pa ito bago ibinalik sa akin ang tingin.

Imbes na bigyan pa sila ng pansin ay napairap na lang ako, akma na sana akong lalakad palayo nang itaklob niya ang trash can sa ulo ko. Nasusuka ako, ang baho. Nakakadiri!

"Get lost, dumb." Rinig ko pang sambit ni Bianca.

Inalis ko ang trash can na naka-taklob sa ulo ko, kasunod no'n ay hindi ko na sila nakita pa. Hindi ko maintindihan, hindi intensiyon o sinasadya ang ginawa ko kay Levi pero bakit nararanasan ko 'to?

"Pao?" Napalingon ako sa likuran ko nang marinig ang pamilyar na boses, si Aurora. "Anong nangyari sa 'yo?'' May pag-aalala niyang tanong, imbes na sumagot ay binigyan ko na lamang siya ng mapait na ngiti.

Binigyan ako ng tissue ni Aurora, pinunasan niya rin ang mukha ko. Sinamahan niya ako sa cr at ipinahiram niya ang ka-bibiling damit sa akin.

"Thank you!'' I smiled.

"You don't deserve this.'' may lungkot sa boses niyang sabi.

"Okay lang ako." Tugon ko.

It's been a month, ngayon ko na lang ulit siya nakita. As like we do before, we spent our remaining time together, we went to the Mall and wandered around. Dumaan lang siya saglit sa AU at kami'y umuwi na.

"Thank you for this day!" Nakangiti kong sabi nang maka-labas ng kotse.

"No worries, basta if you need me. Just call me." She smiled.

Napangiti na lang din ako bago lumakad palayo. Nang makarating dito sa bahay, nadatnan ko agad ang aking ina, nag-babasa ng diyaryo.

"Good e-evening, Mom." Bati ko sa kanya, inabot ko ang kamay niya ngunit inilayo niya ito. "Tomorrow is our card da-"

"Marami akong ginagawa." Pagputol niya sa sasabihin ko.

Napatango na lang ako't mapait na napangiti.

Ini-lock ko agad ang pinto ng kuwarto nang makarating dito. Saglit kong hinawi ang kurtina sa balcony bago ibinagsak ang aking katawan sa kama.

Whisper of an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon