Hindi nawala ang ngiti sa labi ko habang buhat buhat ang anak ni Pao, kay guwapong bata. Hindi man kami ang nagkatuluyan, masasabi kong naging masaya na ko't kontento dahil hinayaan nila ako ni Jake na ituring na parang tunay kong anak itong si Jayden.
"Bakit kasi hindi ka pa mag-anak?" Tanong ni Jake, bakas sa boses niya ang pagpipigil ng tawa. "Siguro hanggang ngayon si Pao pa rin ang mahal mo 'no?"sumama ang timpla ng mukha ko, halata namang nang-iinis s'ya.
"Manahimik ka nga!" Kunot noo kong sabi, bahagya itong natawa kaya sinipa ko ang paa niya. "Wala akong balak mag-anak, isa pa may boyfriend ako sa Japan, hindi ko nga lang mahal." Sambit ko.
"Wow naman! Naging unlovable ang Ate mo, ha!" Pang-iinis niya, pinaliit niya pa ang boses niya na tila ba babae.
"Alam mo, ikaw? Nakakainis ka talaga." Sambit ko habang nanlalaki ang mga mata. "Kung wala kang magawa sa buhay mo, lumayas ka rito!" Inis kong sabi at muli siyang sinipa. "Bilisan mo! Baka magising 'tong bata." Inirapan ko s'ya.
Magmula no'ng mag-bakasyon sila rito sa Zambales, wala ng ibang ginawa si Jake kung hindi ang inisin ako araw araw. Pinipilit niya akong mag-anak na, e, ayaw ko nga. Isa pa, sino naman ang bubuntis sa akin dito? Sa ilang buwan kong pamamalagi rito, bukod sa mga lalaking pinsan ni Niña ay wala na akong ibang kilala pa.
"Bakit nga ba kasi ayaw mo pang mag-anak?" Tanong ni Jio, pinsan ni Niña hindi nalalayo ang edad sa amin.
"Baliw ka ba?" Inis na tanong ko, katulad din 'to ni Jake, walang ibang ginawa kung hindi ang buwisitin ako.
"Sa 'yo siguro, oo." Sagot niya, nagunot naman ang noo ko. "Bakit? Ikaw? Hindi ka ba baliw sa 'kin?" Tanong niya, inilapit niya pa ang mukha sa akin at nang-iinis na nginitian.
"Kung wala lang akong hawak na bata? Sinapak na kita!" Sigaw ko sa kanya.
Nataranta agad ako nang magising at umiyak ang bata, ini-hele ko agad ito at sinubukang patahanin. Mabuti na lamang at nakabalik agad sa pagtulog si Jayden.
"Bagay mong maging nanay ng mga anak ko." Sambit ni Jio bago tumakbo palayo, narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa habang tumatakbo.
Dumilim ang kalangitan, pumasok agad kami dahil nagbabadya na ang pagbuhos ng malakas na ulan. Napaka-tahimik ng paligid, halatang ligtas ka.
"Hoy! Ang epal mo! Tumigil ka nga!" Si Pao habang natatawa.
Napalingon ako sa gawi nila, bakas sa mukha at galaw niya ang labis na saya. Napangiti na lamang ako nang magtama ang tingin naming dalawa.
Maaaring nasasaktan pa rin ako tuwing makikita ang dalawa ngunit hindi rin maipagkakaila ang labis kong saya kapag sila'y kasama, nasaktan man, itinakas naman nila ako sa mundong hindi ako nabibilang, ang mundo kung nasa'n ang ama't ina ko, ang mundong makakamit mo ang lahat ng gusto mo ngunit hindi ang pagmamahal na gusto mo.
"Lev!" Si Niña, nilingon ko s'ya. Hinihingal s'ya, halatang kagagaling lang sa pagtakbo. "Ano 'yong nalaman ko?" Tanong niya, hindi ko alam kung natataranta s'ya o nagagalit, naghahalo ang mga emosyon niya.
"Anong nalaman?" Naguguluhan kong tanong.
"Sinabi kasi ni Jio kina Tito at Tita na buntis ka raw at s'ya ang ama." sambit niya.
Nagtatanong ko siyang tinitigan, kasunod no'n ay narinig ko ang mabibilis na yabag papalapit dito sa sala.
Ang lalaking 'yon!
Kumunot ang noo ko't napatayo ng de oras. Pagbabayarin ko s'ya sa maling kuwento niya!
Umuulan man ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad hanggang sa makarating sa bahay nila Jio, ilang metro lang naman ang layo nito sa bahay nila Niña kaya mabilis akong nakarating.
"Jio!' Sigaw ko mula rito sa labas, sa tapat ng kanilang pinto. Agad itong bumukas at bumungad ang nang-iinis na mukha ni Jio, hindi ako nakapagpigil, nasampal ko s'ya. "Siraulo ka talaga! Ano 'yong sinabi mo?" Inis na tanong ko.
"H-ha? Anong sinab-"
"Ayan ka na naman! I-de-deny mo pa!" Pagputol ko sa sasabihin niya.
"Ano nga?" Tanong niya na para bang hindi alam kung ano ang tinutukoy ko. "Aray! Tama na! Masakit!" Sigaw niya, muli ko siyang sinampal.
"Sinabi mo raw na buntis ako't ikaw ang ama?!"
Naglabasan ang kanyang mga magulang mula sa loob.
"J-jio? Totoo ba ang narinig ko, anak?" Tanong ng kanyang ina, si Tita Beth.
"W-wala akong s-sinabi, ah!" Palusot niya.
"Anong wal-"
"Isang sampal mo pa, talagang bubuntisin kita!" May pagbabanta sa tinig niya.
Umatras ako't bumuwelo, ilang sandali pa tumakbo ako papalapit sa kanya't sya'y sinipa papasok sa loob ng bahay. Nakita ko ang paglaki ng mga mata ni Jio habang hinihintay na tumama sa kanya ang aking mga paa.
"Hoy! Tantanan mo 'ko! Hindi kita type!" Sigaw ko pa bago tuluyang umalis.
...
Ang mga salitang 'yon ay hindi ko rin napanindigan, tumagal ang panahon at nahulog ako kay Jio. Nagpakasal kami at nagkaroon ng isang anak na babae na hindi nalalayo ang edad kay Jayden, ang anak nina Jake at Pao.
"Mom, Dad, we have something to tell you." Sambit ni Kassandra, ang anak ko.
Halos 25 years na rin ang nakalipas, matanda na kami ni Jio at sigurado akong kaunti na lamang ang itatagal namin dito.
"Ano 'yon?" Tanong ni Jio.
"J-jayden and I..." Pinagdikit niya ang dalawang hintuturo niya, doon pa lang nalaman ko na ang ibig n'yang sabihin.
"Kayo na?" Tanong ni Jake.
Hindi nawala sa dalawa ang tingin ko.
"Yes, dad." Jayden confidently answered. "Don't worry, I won't hurt her." Dagdag nito.
Nagka-tinginan kami ni Pao at sabay na natawa. Hindi ko inaasahang mga anak namin ang magpapatuloy sa naudlot naming pagmamahalan.
"Hindi man kami nagkatuluyan ay malaki naman ang naging parte niya sa buhay ko." Sambit ko sa aking isipan.
Hindi ako naniniwalang walang lugar sa mundong ito ang babaeng nagmamahal ng kapwa niya babaeng tulad ko...alam kong hindi ito ang huli. Aasa ako at hihiling na sa susunod na buhay, may Pao at Levi pa rin na magpapatuloy ng aming pagmamahalan...iyon bang sila ang magkakatuluyan.
"In spite of the fact that everything has an outcome, things happen for a reason-not to cause harm but rather to discover what true love is all about."
THE END
BINABASA MO ANG
Whisper of an Angel (COMPLETED)
Storie d'amoreLevi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano maliban sa pagmamahal na gusto nya. Dahil unica hija ng Dimayuga family si Levi, limitado ang mga taong nagiging parte ng buhay nya. Matali...