Levi-anne's P.O.V
Labis na galit ang naramdaman ng aking ina nang malaman ang nangyari sa akin, oo nga't iba ang trato niya sa akin pero ngayon ko masasabing...Iba pala talaga kapag anak ang nasaktan, lahat hahamakin ng ina maipag-tanggol lamang ang kanyang anak.
"Mom! Please! H'wag ka ng pumunta, hindi niya naman sinasadya, e!'' Pag-pipigil ko sa kanya kasabay ng pag-salampak sa sahig.
Niyakap ko ang mga hita ni Mommy para hindi s'ya maka-galaw.
"Get off me, Levi!" Bakas pa rin sa reaksyon at boses ni Mommy ang labis na galit.
"No, mom!" Mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap sa binti niya. "I will explain po kung ano talaga ang nangya-"
"Tapos ano? Magsisinungaling ka na naman? Pagtatakpan mo na naman ang babaeng 'yon?" Galit n'yang tanong, napayuko na lamang ako ng hilahin niya mula sa akin ang kanyang binti. "Pagod na akong makinig sa mga palusot at kasinungalingan mo!" Dagdag pa ni Mommy.
Akma na sana siyang lalabas ng kuwarto nang bumukas ang pinto, iniluwa nito si Pao at ang kasama niyang babae na sa palagay ko ay may edad na.
"I-I'm sorry for what my daughter did, Vivian." Sambit ng babaeng kasama ni Pao.
Sabi ko na nga ba, mag-ina sila. Hindi kasi nalalayo ang itsura ni Pao sa babae.
"So, that girl was your daughter?" Taas kilay na tanong ni Mommy.
May napapansin ako, tila ba magkakilala silang dalawa.
"Y-yes." The woman stuttered.
"Your sorry is not enough! Nakita mo naman siguro kung ano ang kalagayan ng anak ko ngayon." Mahinahong sambit ng aking ina, napatango naman ang babae. "Sa labas na lang tayo mag-usap." Sambit ni Mommy sa ina ni Pao.
Paglabas nila ay ibinaling ko agad ang aking tingin kay Pao na ngayon ay nakayuko pa rin, bakas sa ekspresyon ng mukha niya ang kaba at takot. Walang salita ang lumabas sa bibig ko pero nanatili akong nakatitig sa kanya.
Hindi ko alam pero may pakiramdam ako na ito na ang huling pagkikita naming dalawa, para bang mga mata ko na mismo ang gumagawa ng paraan para hindi maalis ang tingin sa kanya.
At this moment, Pao cleared her throat. Dahan dahan niyang iniangat ang kanyang ulo, nagtama ang tingin naming dalawa kaya umiwas agad ako.
"I-I'm sorry." she whispered. Hindi ako umimik. "I know, nasaktan kita ng sobra. At alam kong hindi mo ako mapapatawad pero ayos lang." mahinahon niyang sabi. Muli ko siyang nilingon, lumapit s'ya sa akin at hinawakan ang aking palad. "I'm sorry, not because I hurt you but because sumobra ako.'' Sambit niya pa.
Bumuntong hininga ako.
"Nagawa mo 'yon because of your emotions." sambit ko.
"Yes, I'm sorry. Nagpadala ako sa galit." sambit niya.
"It's okay, I accept your apology." Sambit ko 'tsaka s'ya binigyan ng mapait na ngiti. She raised her brows. "Kung ano man ang narinig mo, hindi ko na kailangang ulitin pa." Dagdag ko.
Pagbalik nila Mommy dito ay agad ding nagpaalam sa 'kin si Pao na aalis na.
"Are you familiar with them, Mom?" Tanong ko.
"Instead of asking me, magpa-galing ka na lang dya'n." Pagsusungit niya, tumango na lamang ako.
Lumipas ang isang linggo.
Nang ma-discharge ako ay agad din kaming umuwi, pinalipas lamang ang ilang araw at nakabalik na rin ako sa wakas sa eskuwela. Maraming naging pagbabago, kung dati na kaunti lamang ang pumapansin sa 'kin tuwing papasok, ngayon ay napakarami na. Halos lahat yata ng estudyante rito sa AU ay kilala na ako.
BINABASA MO ANG
Whisper of an Angel (COMPLETED)
RomanceLevi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano maliban sa pagmamahal na gusto nya. Dahil unica hija ng Dimayuga family si Levi, limitado ang mga taong nagiging parte ng buhay nya. Matali...